Baby come back!

55 3 1
                                    

Ciao!

Ciao ciao ciao!

AHAHA. Ala akong ibang alam na bati bukod sa ciao e. AHAHA.

At teka. Yep. Hindi kayo namamalik-mata. Nagbabalik po ang (drumroll ples!) My Wattpad Journey! O, o, o. Teka lang! wag muna violent reaction! Opo nagbabalik po ang pitak na ito. Teka, pitak ba o tipak? Ewan. Bahala na. Basta ganun. Eniwey ayun. Nagbabalik na po ito.

Oo, I understand at malamang, nabasa ko din dahil sa gawa ko naman to, na ang kapitulo bago neto ay pinamagatang... bananana... End. Isang patunay (may term na mas tama kesa dito e pero for the mean time tiyaga muna tayo sa term na to) na nagtapos na ang kwentu-kwentuhang ito. E sa guto kong ipagpatuloy e! Bakit? Tuluyan ko na bang nilisan ang Wattpad? Hindi naman diba?

Tsaka, walang pakealamanan si title. E gusto kong End title nung nakaraan e. Bakit ba? Mas marunong pa kayo sakin? Bakit? Kayo ba author? Kayo ba ako? Ano? Ano? Ha? Ha? LOL! Nababaliw na naman ako. And besides sabi ko sa nakaraang chapter e pansamantala lang namang complete diba? Kaya pag trip kong ipagpatuloy to, magpapatuloy. Ako author e. Bleeeeh!

Nu ba yan (ambastos), hindi ko na naikwento ang ikukwento ko. Ahm, ano nga ba ikukwento ko? Paalala niyo dali! DALIIIII!

Yown.

Nais ko lang pong ipaalam na nagbalik na po ako sa Wattpad! At kung hindi niyo napapansin, pwes pansinin niyo na, nakalagay po sa profile ko na ako po ay isa nang ganap na rehistradong inhinyero mekanikal ng bansang Pilipinas! YEHEHES! Nagbalik Wattpad po ako upang ipagyabang yun sa inyong lahat! AHAHA. Naisip ko lang... ilang tao na kaya ang naiinis ko sa mga pinagtatayp kong kayabangan? AHAHA.

Actually, may ilang buwan na din akong nakabalik. Nakapag-update na nga ako e. Pero the usual, paasa ako. Madalang pa rin akong nakakapag-update. With that said may gana pa talaga akong mag-update neto e no? Wala e. Ganun talaga. Wala naman kayong magagawa kahit pa paulanan niyo ako ng hate messages sa sobrang tamad ko mag-update.

Pero ah! Hindi ako tamad mag-update. I'm just taking my time. Tandaan po natin, mas masarap ang manggang na-hinog sa puno kesa sa manggang nahinog sa kalburo. Gets niyo ang metaphor? Teka metaphor nga ba yan? Tama diba? Kasi pag simili merong "as ____ as." Kung mali ako. Edi mali. Pwede ko namang aralin ulit yan e. 

So ayun. Medyo maayos naman ang pagbabalik ko dahil kahit papaano e nakausad ang mga story ko. Pero lately ay medyo umalis muna ako sa sirkulasyon. At ang paliwanag ko, kelangan kong maglandi. It's not that you need to know pero gusto kong i-share e. Kayo na bahala how you interpret the word maglandi. Wala din naman akong balak sabihin kung ano ba talaga ang ginawa ko e. AHAHA. Naiinis ako sa sarili ko pag ganito mga pinagtatayp ko. Pero wala e. The words keep flowing. LOL!

At ayun nga. Di na ako mangangako ng mabilis na pag-update. Hindi ko rin naman tinutupad e. Pero rest assured na hindi ko i-aabandon ang mga story ko. I'll get them updated as soon as the drafts are made. Rather as soon as sipagin akong magtype. I'm trying to overcome this attitude of mine. I'm more than procastinating e. It's more of a severe case of laziness. Pero I'm still doing my best naman.

Mahal ko kayo e. AYIEEE! Sino daw niloko ko? Eh isang tao lang naman ang minamahal ko. At yun ay IKAW. WAHAHAHA. Ayoko na nga. Baka mamaya maniwala pa kayo at gawan ako ng issue. LOL. Ako lang naman gumagawa ng issue e. At malamang wala din naman kayong pakialam sa mga pinagtatype ko.

Sabi ko nga. Likas akong feelingero. At ang totoo niyan. Sarili ko talaga ang mahal ko. Well, aside from Him at sa pamilya ko. Given naman na mahal ko Siya pati na ang pamilya ko. At bakit na nga ba ako napunta sa usaping ganito? Dahil sa isa akong feelingero.

Balik tayo sa main topic ng kapitulong ito. I'm here na ulit sa Wattpad. Pero pasensyahan niyo na kung madalang akong makapag-interact. Wala kasi kaming internet connection na sa bahay. Nagloload lang ako ng broadband. Currently naghahanap palang ako ng trabaho so wala din akong panload. AHAHA.

Sa pagbabalik ko pala, may bagong nadag-dag sa stories na binabasa ko. Dalawang Filipino sci-fi stories. Philippines: Year 2300 at saka Artificial Organisms: Playing gods. The usual, silent reader ako. AHAHA. Pero eventually makakapag-comment din ako dun. Kung mahilig kayo sa sci-fi lalo na yung medyo political, go for Philippines: Year 2300. Kung nakakadugong scientific terms naman lalo na biogenetics and such, go for Artificial Organisims: Playing gods.

Naghahanap pa ako ng mababasang sci-fi stories. Kung may-mairerecommend kayo. PM niyo ako. Yung maayos ang pagkakasulat ha! Kelangan descriptive yung pagkakasulat at hanggat maari sobring minimal ang grammatical flaws. At utang na loob pakiusap. Yung sci-fi na hindi sa romance umiikot yung story. More like Adventure/Sci-fi.

So yun lang muna. Mehehe. Sa tingin ko marami pa akong ikukwento sa pamamalagi ko dito sa Wattpad. Ikukwento ko pa yung My Stories diba? Tsaka yung event-eventan ng Power Ninjas. Ikukwento ko din yun dito! Mehehe.

Adventure talaga tong pamamalagi ko sa Wattpad kala niyo! AHAHA. Kaya balik on-going na ito.

Sige na. Gabi na masyado. Matutulog na ako. Punta pa akong Tagaytay bukas. Mainggit kayo. LOL!

Gudnite peeps!

My Wattpad JourneyWhere stories live. Discover now