End

94 6 8
                                    

Yow.

Ciao!

Ano ba? Uhh…

Ahaha.

I really think this one came late. Actually, itong part kasi dapat yung last dito sa panggap na diary-kuno. Oh well. This part should explain the reason why I end up sa kalokohang ito. At dahil diyan, it will fulfill its purpose.

Segue: Dapat may nauna pa dito entitled "My Works." Siguro naman unerstandable kung tungkol saaan at kung ano yun diba? Pero dahil hindi naman ito yun, wag na muna nating alamin yun.

Nasabi ko naman na ata na I have a bad habbit of explaining myself pag di kinakailangan diba? Well, this is one of those moments. Kaya naman hayaan niyo na. Wag na maarte. Hihihi.

This is actually my supposed to be parting post before I leave wattpad. Hindi naman talaga leaving kasi nga hindi na ako naka alis diba?

The original plan was before I went on review, tatapusin ko muna yung mga stories ko para wala na akong aalalahanin pag nagrereview na ako. Those stories supposedly includes - wag OA ha or violent reaction kung ayaw niyong masubuan ng sagwan - "Marriage Contract," "I am THAT Popular," "My Girlfriend is an Agent," at "A Man's Life." WALA MUNA VIOLENT REACTION!!!

Ay wala bang nagreact? Sorry naman. Assuming lang. Ahahaha.

Medyo nabadtrip nga ako e. Kasi diba? Di ko natapos yung MC at IaTP, hindi ko pa tinutuloy yung MGiaA, at masyado na akong delayed sa AML. Pero oks lang sakin yun. May mas importante pang bagay kesa sa mga yun.

Kung napapansin niyo sa mga epal Author's Note ko, oo kasama talaga yang epal, lagi kong sinasabi na busy si Author blah blah blah nagrereview blah blah blah. E kasi nga po totoo yun.

Okay let us all go back from the top. Naguguluhan na ako sa pagkuwento e. Ahaha. Haynako!

Gem gem.

During the first quarter of this year, as I have already mentioned, I planned to finish my ongoing stories. Sadly it didn't go as planned.

Ganito kasi yan.

Siguro naman alam niyo na na ang kurso ko po ay Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Kung di niyo pa alam, ngayon alam niyo na. Wag niyo nang pansinin na pinapangalandakan ko na ang course ko ay Bachelor of Science in Mechanical Engineering. Ahaha. Whooooo. Shet! Sinasapian ata ako ni Xyrel. Ahaha.

At dahil graduate po ako ng Bachelor of Science in Mechanical Enginering - nga pala i-congratulate niyo ako kasi kakagraduate ko lang nitong July 2, 2013 - no, hindi po ako off term graduate sadya lang talagang delayed ang Commencement Exercises namin sa kadahilanang trimestral po kami. Ano kamo yung trimestral? I-google mo nalang dre! Matuto ding mag search pag may time. Ahaha. De joke lang. To save you time sa pag open ng new tab at pag-antay sa mabagal ma pagload ng browser niyo (Ahaha, I'm so mean), trimestral means we have three terms each year. Diba pag semestral two terms edi pag trimestral three terms. Hihi...

Nawala na tuloy ako sa kinukwento ko. Tuloy!

Yun na nga diba? Meron po kaming Mechanical Engineering Licensure Examination (or mas kilala sa tawag na board exam). Sa September po yun at kinakailangan po nun ng matinding pag rereview. Lahat kasi ng natutunan namin sa pag-aaral ng Mechanical Engineering ay pagsasamahin tas ipapaexam sa amin. Madami yun. Lalo na't nagkanda limot limot na sa mga subjects during the earlier years diba?

Start po ng review namin is May 'gang September na po yun. Nasa four months bale ang preparation. Ganun ka tindi. Sa four months na yun, isiniksik lahat ng napagdaanan namin sa college. Anghirap diba?

Hundreds of formulas plus thousands of elements. Na pagdating ng board exam ay 300 questions in total lang naman.

Back to topic.

Nagbigay ako ng taning sa pananatili ko sa wattpad. Unang naisip ko is i-deactivate itong account ko para sure na di ko to mabubuksan. Kaya lang naisip ko... "Paano naman yung iba na gustong basahin mga stories ko? Kawawa naman sila (AHAHA)." Napaka feelingero ko talaga! Naman naman. Ahahaha.

So I decided nalang na di magdeactivate. Pero, gagawa ako ng ganito para naman... para naman... wala lang. Nauuso ang mga diary-diaryhan dito sa wattpad e. Ahaha. Tsaka para naman alam niyo kung bakit hindi nakakapag UD si author at hindi niyo na ako papaulanan ng "AUTHOR UD!" though mukha namang walang nanghihingi sa akin ng UD's at kung meron an ay... well, edi meron. 

Kaya naman ngayon, pag may nanghihingi ng UD. Deadma. Ahaha. E kasi naman. Andami ko na ngang iisipin sa pag rereview isasama ko pa ba yang mga UD UD na yan? Well, minsan. Pag tipong nababagot ako makinig sa nagtuturo, o di kaya pag nagsawa na akong magbasa ng makakapal na libro pag nabiyahe, o pag bigla nalang akong kinalabit ng kung sino mang character ko, nakakagawa ako. Pero madalas, tinuturukan ko sila ng tranquilizer para matiwasay akong makapag review - or makatulog. AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Eto pa pala.

Sa ngayon nakakaya ko pang mag UD kasi naman, kampante pa ako. Kahit na medyo tagilid ang scores ko sa mga assesment examinations.

Pero magbibigay na po ako ng paunang abiso.

Kung nung nakaraang dalawang buwan (May-June), e sobrang bagal ng UD ko, mas lalo na ngayong buwan ng July. Malapit na kasi pre-board namin. Kaya ayun.

Then sa Augost-September, panigurado.

HINDI NA PO MUNA AKO BIBISITA SA WATTPAD. I-O-ON HOLD KO DIN PO LAHAT NG ON-GOING STORIES KO.

Pero bago yun, makakapag post pa ako ng isang UD for MC at kung papalarin, mga dalawa or tatlo pang UD sa AML. Pero surebucks ako na makakapagpost ako ng tig-iisang UD sa AML at MC.

There.

So in summary, gusto ko lang ipamukha na Engineer ako. Wahaha. De joke lang po!

Ang totoo, ito ay nagpapaliwanag or rather magpapaliwanag dapat mg aking pansamantalang pagliban dito sa mundo ng wattpad. At kung bakit hindi ako makakapag-UD ng todo.

Babalik pa naman ako e.

After ng board exam.

By then, liscenced Mechanical Engineer na ako.

Matutunghayan niyo na din ang: pagwawakas ng MC (Oo, matatapos na yun. Iilang chapters nalang natitira. Hihi.); ang pagpapatuloy ng buhay ni Chan-Chan; ang patuloy na pananalasa ng hanging dala ni Xyrel; makikilala niyo na din sina Pisces, Stephen, Ian, Cassie (though kilala niyo na to), Akira, at iba pa.

Plussss. Plus plus plus plus.

Si Andrew at ang pakikipagsapalaran niya sa mundo; ang magkapatid na sina Cori at Phil; at, ang kwento ni Milo at ng makakatuluyan niya sa ending ng MC.

Andami diba?

Pero wag atat.

Hindi sabay-sabay yan. Ano ako? Ninja?

Haixt. Mahaba na ata to. AHAHA.

So...

Ciao!

Sana sa pagbabalik ko sa wattpad, maaalala niyo parin ako bilang kaibigan niyo. Kung hindi, who cares, she walks like Rhianna. AHAHA. De joke lang. Kung di niyo na ako maalala edi, ok lang. It's not about the fame naman e. It's about the joy I feel when posting stories. Nuks. NUKS. NUUUUUKS!

Ciao ciao!

PS: Yung "My Works" po na part din nito ay ipopost ko nalang pag natapos na ang MC. Bale pag nakabalik na ako nun. Pero pansamantala, this whole "My Wattpad Journey" shall be marked as "completed."

At sa inyo, you know who you are, ipagdasal niyo na ako na makapasok ako sa magic circle of single digits para matupad yung kape at cake. AHAHAHAHAHA! Doon kasi manggagaling yung pondo. Ahaha.

My Wattpad JourneyWhere stories live. Discover now