Power Ninjas

65 3 3
                                    

Sa mga hindi pa po nakaka-alam, ipinapaalam ko po ngayon na...

Alam niyo bang kasapi ako ng isang grupo dito sa Wattpad? Yun ay walang iba kundi ang (drumrolls please!!! OY! DRUMROLLS SABI EH!)

POWER NINJAS.

Opo. Hindi kayo nagkamali sa nabasa niyo. Power Ninjas. Bininyag sa amin ang pangalang yan ng isang reader namin na si pigwideon44. Ahm, ayoko na i-elaborate ang detail. Ahaha. Basta yun ang nagyari. Bigla kami nagkaroon ng bansag. Tapos, namili kami ng kulay. Ay mali. Namili sila ng kulay.

Oo. Sila. Kasi, after nilang mapili ang gusto nilang kulay, bigla nalang inimpose sa akin.

"Uy Kozart. Pink ka!"

Tapos pinanlilisikan ka pa ng mata. May magagawa ka pa ba dun? Sasabihin mo nalang sa sarili mo...

Where is justice?!

Lol. Eniwey. Yun. Nagkaroon kami ng color designation. At wag ka. Pinangatawanan talaga namin. Ahaha. Blue si ate hunnydew, green si cursingfaeri, black si LaceyErin, atsaka red si nimbus_2000. Well, actually, hindi naman doon ang ikukwento ko diba?

Ang totoong ikukwento ko ay ang naganap nga na meet-up ng Power Ninjas. Actually more on The Confused Trio and Friends meet-up yun eh. Anywhere or anyhow you put it, present kaming lima kasama ng mga friends(readers) namin.

So the date is December 22, 2013. Kamusta naman.

Tandaan niyo. December po ito. Unang una, wala pa akong trabaho. Pangalawa, ahh, ano nga ba yun? Basta. Wala pa akong trabaho edi alang pera. Tapos, #medyobusy ako ng mga panahong ito. Ako kasi yung taong walang trabaho pero madaming appointment. Ahaha.

Mabalik tayo sa December 22. Sa totoo lang, hindi na naman ako siguradong makakadalo ako. Pero gusto ko. Ayan na naman ako. Ahaha. Si hindi-sigurado-pero-gusto-na-sa-huli-pupunta-rin. AHAHA.

Ang siste kasi, sa araw na yun, christmas party naming mga singles dito sa congregation namin. Eh, maganda naman yung purpose nun kasi mag-a-outreach kami sa mga bata sa orphanage. Siyempre gusto kong puntahan yun. Cut the story short, ang sked nun ay 9-11am, tapos ang PN meet-up at 1pm-onwards.

So, ok na. Napag-usapan na. Napag-usapan na din namin kung ano ang gagawin sa event. Nuks. Event daw. AHAHA. So, siyempre may prizes at souvenirs. Siyempre. Mababait kami eh. Lalo na ako. Sobrang bait ko kaya. AHAHAHA. Tama na nga. Balik tayo sa kwento.

Ah, dahil sa napag-usapan nga na ganoon. Nag-overnight silang apat para pa-prepare yung materials kinabukasan. Di ako kasama kasi nga may pupuntahan pa ako sa umaga diba?

May game agad pag-start palang. Bale 1pm dapat ang start.

First ay parang amazing race. Hahanapin mo yung author. Dahil nga hindi ako kasali sa preparation, at sinabi kong malelate ako, edi hindi ako kasali dun. Silang apat lang ang hahanapin. May kasama naman silang isang kaibigan, si Tal, bilang accomplice. Siya bale yung first station. Tapos after sa kaniya, hahanapin na ng mga pumunta yung mga Ninjas. Pinost naman sa fb ang pagkakakilanlan sakanila kaya mahahanap naman.

Ayun na. Siguro, mga a little past 1pm ako nakadating ng Trinoma. At dahil sa likas akong walang magawang matino, gusto kong magpanggap na kunyari reader din ako. So ayun. Katext ko si Diwata. Sinabi ko sa kaniya ang plano ko at um-okay namn siya. Eh malay ko bang hindi pala niya sasabihin sa ibang Ninjas? Ahaha.

Pagdating ko sa venue, una kong nakita si Mau. Pagpasok palang kitang-kita na. Kasi... kasi malapit sa dun sa pintuan. Mehehe. So ayun. Si diwata, nandun lang sa paligid ng 1st station. Eh naulan. Ahaha. Panira talaga ang weather nun. Pero di kami nagpatalo dun. Kami pa? Ninjas kami diba?

My Wattpad JourneyWhere stories live. Discover now