BONUS CHAPTER

8.8K 307 2
                                    

Lotte pov


Ay isang magandang babae ,
Mahaba ang kulay itim at bagsak niyang buhok ,
May bilugang mata at mapupulang labi

Nakatulala lang ako sa kanya . para bang may magnet na hinihigop ang aking mga mata at hindi ko maalis ang paningin sa kanya

Tumingin sya saakin at ngumiti ,

Oh god nakakalimutan ko ata ang problema ko dito



Ngumiti sya saakin at tumingin ulit sa harapan

Kaya tumingin narin ako sa harap ko

Pero muntik na kong mapasigaw sa gulat nang magsalita sya

"I'll tell you a story about me"sabi niya sa malungkot na tono



Hindi ako sumagot, naghihintay nang kasunod na sasabihin niya.

"Isa akong tao na dinala dito sa vampire world,siguro nagulat ka nung malaman mong tao ako noh?,hahaha okay lang yun , ikekwento ko na ha nasa school na ko nun nung makaramdam akong nang kakaibang kabog sa dibdib ko na para bang may mangyayari na hindi ko magugustuhan."

Nakita ko ang mabilis na pagtulo nang luha niya , senyales na parang ayaw na niyang balikan ang nakaraan pero kailangan para makatakas siya sa hawlang kinalalagyan niya.

"Hindi ko yun pinansin at umakto akong normal nakangiti pa nga ako nang kasama ko ang barkada ko nun pero nung maguuwian na mas lalong bumilis ang tibok nang puso ko  Kaya sumakay agad ako sa triycle na nakita ko at tinuro ang address nang bahay namin nung makarating ako dun dali dali akong bumaba nang tricycle at nagbayad hindi ko na nga nakuha yung sukli ko eh dahil nga sa nagmamadali ako , dali dali akong tumakbo papasok  nang bahay pero ang nadatnan ko isang lalaking kagat kagat sa leeg ang kapatid kong babae,nilibot ko yung paningin ko nun at napagtanto ko na  wala nang buhay ang aking buong pamilya"

Hindi ko namalayan na nakaharap na ko sa kanya at lumuluha narin



"Galit na galit ako sa lalaking yun ,akmang susugudin ko na dapat sya kaso bigla nalang akong nanghina at nawalan nang malay,pagdilat ko nasa ibang bahay na ko katabi nang walanghiyang lalaking yun naging cold ako sakanya nun hanggang dumaan ang isang linggo sinabi niya saakin na ikakasal na kami,sobra akong nagalit non,pero ano pa bang magagawa ko wala rin namang mangyayari kung ibubuhos ko lahat nang galit ko,dalawang taon na pero hindi ko parin nakakalimutan yun"sabi niya at tumingin saakin

Lalo pang lumakas yung pagiyak ko,bakit mo saakin mo sinasabi ito.

Iniiwas ko ang aking tingin at humarap sa aking harapan

"We are the same situation and same story , paguwi ko nun galing din nang school nadatnan ko nalang yung magulang ko na wala nang buhay at wakwak ang leeg mula sa hagdan namin bumaba din ang isang lalaki at bigla nalang sinabing ako daw ang mate niya galit na galit ako sa kanya nun pero katulad nang nangyari sayo susugudin ko na sana sya kaso nanghina nalang bigla ang aking mga tuhod at biglang nawalan nang malay paggising ko kanina nandito na ko at nung umuwi ako sinabi niyang your my bride! WHAT THE FUCK"

At napayuko nalang ako dahil naalala ko nanaman yung nangyari kanina.

Tinakpan ko ang mukha ko nang dalawa kong palad para hindi niya makita ang pagiyak ko.

Rinig ko ang bawat hikbi naming dalawa

Parang minsan gusto ko nalang mamatay para makasama ko na sina mommy at daddy

Tumayo ako at iniwan sya dun

Tumakbo ako papuntang mansyon

Pagpasok ko hinanap ko agad ang kusina

Nang makarating ako dun pasimple akong kumuha nang kutsilyo at tinago sa aking likod

Tumakbo ako palabas don at hinanap ang natatanging kulay asul na pinto

Nakita ko silang punasok dun kaya alam ko yun

Pagpasok ko ay lahat sila'y natigilan

Nakita ko si xander na nakaupo sa swivelchair at nakatingin saakin

"What do you want?"sabi ni xander saakin

"I want to die"sabi ko at tsaka itinutok sa palapulsuhan ko ang kutsilyong hawak ko.

Lahat ay nagpanic sa loob nang iisang kwarto

At kahit si xander hindi alam ang gagawin

"I want to die,I want to see my mom,I want to see my dad"

At dahil narin sa pagod bigla nalang nagdilim ang paningin ko at naramdaman ko nalang na bumagsak ako sa bisig nang isang lalaki.





VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)Where stories live. Discover now