CHAPTER ONE

4.8K 130 8
                                    

JENNY'S POV

napaupo nalang ako sa gilid nang kalsada at tinignan ang hawak kong brown envelope

maggagabi na pero hanggang ngayon wala parin akong nahahanap na trabaho

nung nakaraang linggo pa kong naghahanap nabg trabaho pero ni isa kong pinubtahan hindi ako natanggap

napabuntong hininga nalang ako at tumayo

naglakad ako papunta sa terminal nang jeep

nang makarating ako ay sumakay na ko nang jeep

ng nakaupo na ako ay kumuha ako nang eight pesos sa bulsa ko at ibinayad yun sa driver

habang nakaupo ako sa jeep sumagi nanaman sa aking isipan

kung nakakaalala pa kaya ako hanggang ngayon

ano kayang klaseng buhay ang meron ako

kung nakakaalala ba ko hanggang ngayon hindi ba ko mahihirapang maghanap nang trabaho para lang sa pangkain ko sa pangaraw araw kasi kung ganon lang din pipilitin kong makaalala para lang sa kapakanan ko

pang ilang buntong hininga ko na ba ngayong araw...

"Para po!!"sigaw ko

nang tumigil ang sinasakyan kong jeep ay agad akong bumaba

naglakad ako sa masikip na eskenita papunta sa maliit kong tinitirhan

hindi ko alam kung pano ako napunta dito pero isang araw pagmulat nang aking mga mata nasa ganto na kong lugar

nang makapasok ako sa bahay ay dumeretso ako sa kama at inilapag ang aking bag

dahil nga maliit ang bahay ko magkakalapit lang ang kusina banyo at sala

pumunta ako sa aparador at kumuha ako nang pamalit na damit

nang makapagpalit ako nang damit ay dumeretso ako sa maliit na lamesa doon sa kusina

wala pa palang kanin at ulam

kinuha ko ang aking pantalon na suot ko kanina

pagkakita ko sa pera ko iisang daan nalang pagkakasyahin ko pa ito hanggang sa makahanap ako nang trabaho...

baka meron pang kanin na natira ko kahapon sana meron

pumunta ako sa kalan at binuksan ang kaldero at salamat may kaonti pang kanin

kinuha ko ang isang daan na pera ko at lumabas na nang bahay

pumunta ako sa tindahan at bumili nang isang fish cracker

nang makabili na ako ay agad akong umuwi sa bahay nilagay ko ang natitira kong pera sa aking pantalon at pumunta sa kusina dala dala ang fish cracker na binili ko

kumuha ako nang plato at inilagay doon ang kakaunting kanin na natira tsaka ko nilagyan nang toyo

inilagay ko yun sa maliit na lamesa kumuha ako nang pitsel na may tubig tsaka baso

nang makaupo na ko ay binuksan ko na ang fish craker at ayun ang inulam ko

hindi ko lubos maisip na hahantong ako sa gantong sitwasyon

na kakain na ako nang kanin at tsaka toyo para lang maitawid ang gutom sa araw na ito

hindi ko namalayan na tumulo na ang aking mga luha agad ko itong pinunasan ng kanan kong kamay

hindi dapat ako maging mahina sa gantong sitwasyon

nang matapos na kong kumain ay isa isa ko itong niligpit

nang matapos ako sa pagliligpit ay dumeretso na ko sa higaan ko at humiga

kailangan ko nang matulog kailangan ko nang lakas para bukas....

unti unti kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa makatulog na ko.

VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon