[JENNY'S POV]
andito ako ngayon sa counter dito ako nakaduty ngayon...
nagaantay lang ako dito habang nakatulala
iniisip padin ang mga nangyari kagabi
kung bakit nangyari yun at kung pano nalaman ni xander ang tinutuluyan ko
napabalik ako sa aking ulirat nang maramdaman kong may nagmamasid sa akin
inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan nang shop pero wala akong makitang tao na nakatingin sa aakin
siguro guni guni ko lang yon
nakita ko naman ang katrabaho kong si mark
si mark ang naging close ko simula nung pumasok ako dito wala sya kahapon kaya tahimik ako non
ngumiti sya saakin at ngumiti naman ako pabalik at tsaka kinuha ang papel na hawak niya kung saan nakasulat doon ang order nang isang costumer
pumunta ako sa kusina at kinuha ang mga order na nakasulat sa papel. ...
matapos kong makuha binuat ko ang tray na pinaglalagyan nito at lumakad papunta sa counter
"eto na"sabi ko
ngumiti naman siya saakin at kinuha ang tray na hawak ko
ilang minuto pa bago may pumasok na costumer sa coffee shop
biglang napako ang tingin ko sa isang lalaki at babaeng kakapasok palang nang coffee shop
shit si xander tsaka si denise(kung naaalala niyo pa si denise haha)
agad akong napaupo nang tumingin siya sa direksyon ko
muntik na kong mauntog sa gulat nang may tumawag saakin
"huy anong ginagawa mo dyan jenny"
pagtingin ko si mark lang pala
sinenyasan ko siya na wag maingay kaya nangunot ang noo niya
"ano ba jenny para kang bata dyan haha"natatawang sabi niya
"mark sige na wag ka nang maingay kuhain mo na yung order nung bagong costumer "sabi ko sa kanya at naghand gesture pa na pinapaalis siya
nakita kong nagpout sya bago umalis kaya napahinga ako nang malalim
wala pang isang minuto nang makabalik si mark sa pwesto ko at inabot ang papel
pagtingin ko kape lang pala ang oorderin di nalang sila nagtimpla nang sarili nila
halos pagapang akong pumunta sa kusina at nagtimpla nang kape nila
huminga pa ko nang malalim bago lumabas nang kusina
bumungad saakin ang nakangiting mukha ni mark
"bat ka namumutla dyan hahaha"
"tawa pa mark mabilaukan ka sana malunok mo laway mo"sabi ko
pero tumawa lang sya tsaka kinuha ang tray na may lamang dalawang kape
nabaling naman ang aking tingin sa pwesto nila xander
agad akong napaiwas nang nakatingin sya sa pwesto ko
kunyari nagaayos ako dito sa counter kahit na napakalinis naman nang paligid
muntik na kong mapatalon nang bigla nalang sumulpot sa harap ko si mark
"ano ba mark para kang kabute"
"haha eh ano ba kasing ginagawa mo dyan"
hindi ko siya sinagot at umupo nalang sa lapag
![](https://img.wattpad.com/cover/51019264-288-k376441.jpg)
YOU ARE READING
VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)
VampireIts all started with the prophecy at magtatapos lahat sa kanya.