Chapter 6

8.3K 254 9
                                    

Lotte pov

Buong maghapon kaming magkasama ni drake

Ayun yung pangalan nung lalaking nakakwentuhan ko

Ang sarap nga nyang kasama

"At alam mo rin ba nung bata ako nabungi yung dalawa kong ngipin sa harapan kaya pag nakatikom yung bibig ko nahihigop ko yung harapan papasok"hahahaha grabe sya magkwento kala mo kakilalang kakilala kami

Pero diba bampira sila bakit nabungi sya

"Ahhmm tatanong ko lang ha diba bampira kayo nabubungi ba ang mga bampira?"

Pero nagtaka naman ako nung tumawa sya

"Oo naman nabubungi din katulad lang kami nang mga tao ang pinagkaiba lang nila ay yung umiinom nang dugo ang mga bampira"sabi niya

"Diba bampira ka?"tanong ko ulit

"Nope..I'm not a vampire"

"Huh.edi tao ka"sabi ko

"Haha I'm a damphyr lotte"

"Eh ano naman yung damphyr??"

"Damphyr is a half human half vampire kaya pwede akong pumunta sa mundo nang mga tao kumain nang mga pagkain nang tao pwede rin akong pumasok mula sa portal na nagdudugtong sa vampire world papuntang mundo nang mga tao"

"nabubuo ang damphyr kung may kakambal ka dahil ang magaasawa ang isang pureblood vampire nang isang damphyr ang magiging anak nila ay magiging pinakamallakas sa buong clan nang mga bampira pwera lang kung may kakambal ito nabubuo ang damphyr kung ang nanay mo ay isa ding damphyr and the rest was history"

"Eh di alam mo kung saan ang portal"sabi ko

Tumango tango Lang sya saakin

"Pwede ba tayong lumabas papuntang mundo nang mga tao ?."

"Pero malapit na ang pasukan"

"Sge na please"matching puppy eyes pa yan ah

Napabuntong hininga naman sya tsaka alanganing tumango tango

Ako naman talon nang talon

Pinasakay niya ko sa likod niya at sa isang iglap lang nandito na kami sa harapan ang isang maliwanag na kulay puti

Ito na ata ang portal na sinasabi niya

Agad naman nya kong hinatak papasok dun

May naramdaman akong inerhiya na parang nakapagpabigat nang aking dibdib

Pagkalabas namin dun nakita ko ang isang gubat nanaman

"Parang hindi naman tayo nagpalit nang lugar parang andito parin tayo sa dati"sabi ko

Tumigin sya saakin sabay sabing"trust me"

Naglakad lakad kami nang onti at maya maya pa ay nakita ko na ang highway at sa kabila nun ay ang playground

Napangiti nalang ako sobrang namiss ko ang lugar na itoh

Dito ako laging nagpupunta kasi malapit lang itoh sa bahay namin sa likod nang playground may subdivission doon

Tumakbo ako papalikod nang playground hindi naman ako nahirapan pumasok dahil walang bantay na guard

Dirediretso lang ako hanggang sa makarating na ko sa bahay namin

Tumingin muna ko sa likuran ko at nakita ko doon si drake tumango lang sya at sinenyasan ako na sige lang wag mo na kong intindihin


Kaya naman dire-diretso akong pumasok nang bahay

Pagkapasok ko malinis naparang walang naganap na patayan dito

Tumakbo ako pataas at pumunta sa kwarto nila mommy

Binuksan ko ang cabinet nila at nakita kong andito parin ang mga damit nila

Bigla naman akong nalungkot

Mommy daddy i miss you

Kinuha ko ang paboritong damit ni mama at papa

Umupo ako sa kama tsaka niyakap ang damit nila

Unti unti akong humiga sa kama!!inaalala ko yung mga masasayang alala naming magkakasama

At sa pagalala ko nun unti unti din akong lumuluha!!kung hindi lang sana niya pinatay ang mga magulang ko sana magkakasamaparin kami ngayon hinding hindi ko sya mapapatawad

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ko

****

Pagkagising ko andito na ko sa kwarto ko sa mansyon

Napabalikwas tuloy ako

Pero ang kinagulat ko !nakita ko si xander na matalim akong pinagmamasdan

"A-anong ginagawa mo dito?"sabi ko

"I just want to inform you that our marriage will be in 27 before the eclipse"


A-ano marriage before the eclipse

"N-no hindi kita p-pakakasalan"lakas loob kong sabi

Napalingon naman siya saakin at hinawakan nang mahigpit ang mga braso ko

"Matutuloy ang kasal sa ayaw at sa gusto mo."

"Ano ba xander pagtapos mong patayin yung mga magulang ko tapos sasabihin mo saakin na ikakasal tayo ang tigas rin nang mukha mo no!"

Bigla namang lumambot ang ekspresyon nang mukha niya

"S-sorry"

"Sorry xander yung sorry mo ba mababalik ba nyan yung buhay nang mga magulang ko yung sorry mo ba maaalis yung galit dito sa puso ko hindi naman diba kasi huli na huli na eh sana naisip mo muna yan nung ginawa mo yung ginawa mo sana nga may magawa yang sorry mo xander.sana"Sabi ko

Tsaka ko binawi yung mga braso ko

Naglakad ako papasok nang banyo

Pero hindi pa man ako nakakapasok may sinabi muna ko

"Hindi ako pumapayag na pakasalan ka xander sana maisip mo yun"sabi ko saka pumasok







VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon