CHAPTER SIX

4K 122 7
                                    

Jenny Pov

pagising ko nandito ulit ako sa kwartong tinakasan ko....

tatayo na sana ako kaso hindi ko mahila ang isang kamay ko....

tinignan ko ito at nanlalaking hinawakan ang posas...

takte bat ako nakaposas....

hinila hila ko ang kamay ko pero itinigil ko din agad dahil masakit sa palapulsuhan....

nagulat nalang ako nang may magsalita

"Your awake"hindi ko sya sinagot at tinignan lang sya...

may dala syang pagkain at tubig.. lumapit sya saakin at inilapag ang pagkain sa kama.....

kinuha niya yung soup at kutsara.....

inilapit niya saakin ang kutsarang may laman na soup pero tinabig ko lang yon

nakita kong napahigpit ang hawak niya sa mangkok na may lamang soup

"you need to it wife.."

"I'm not your wife...... ilang beses ko bang sasabihin sayo hindi ako ang asawa mo hindi ako si lotte ako si jenny nagkataon lang na magkamukhang magkamukha kami. ..."mahaba kong litanya habang nakatingin sa kanya

"your my wife..... you are lotte!"matigas niyang sabi

napailing nalang ako nang ilang beses tsaka nagsalita

"sir xander hindi ko alam kung anong nangyayari sayo pero alam ko sa sarili ko na hindi ako si lotte hindi ako ang asawa mo.."sabi ko tsaka tinabig ang soup at tsaka ang basong may tubig

"let me go xander magpakalayo layo na ko kalimutan mo na ko kakalimutan din kita.."mahinahon kong sabi

nakita kong napakuyom sya nang kamay at nagtagis ang mga bagang niya

tumayo sya at naglakad papunta sa pintuan.... hinawakan niya ang doorknob at binuksan ang pinto

pero bago pa sya makalabas nang kwarto na kinalalagyan ko nagsalita sya

"i will not let you go!"sabi niya bago sya lumabas at inilock ang pinto

"XANDER PLEASE!!! PAKAWALAN MO NA KO!!! PLEASE XANDER!!!!"sigaw ko at pilit tinatanggal ang posas na nakakabit sa kamay at sa headboard nang kama

napaupo nalang ako at unti unting tumulo ang mga luha ko

"xander please.... pakawalan mo na ko"paulit ulit na bulong ko

hindi na pagmamahal ang nararamdaman niya napakaposessive na nya obsess na sya

pinilit kong kumawala sa posas. ... kahit masakit ay pinilit ko paring matanggal ang posas sa kamay ko

nang nangangalahati na ang posas sa kamay ko ay bumukas bigla ang pinto at napaayos nang upo at napahinga nalang nang malalim nang maramdaman kong bumalik ulit ang posas sa kamay ko

XANDER POV

pagkalabas ko nang pinto nang kwarto niya ay narinig ko syang sumisigaw

"XANDER PLEASE!!! PAKAWALAN MO NA KO!!! PLEASE XANDER!!!!"

napailing ako at napahilamos ang kamay sa mukha ko

naglakad ako papunta sa office ko at umupo sa swivel chair

napatulala ako nang ilang minuto bago ko maisip na balikan sya sa kwarto niya...

naglalakad ako papunta sa kwarto nya nang marinig ko ang paggalaw nang mga posas sa kwarto niya kaya binilisan ko ang paglalakad...

agad kong binuksan ang pinto at nakita ko syang napaayos nang upo

tinignan ko ang isang kamay nyang nakaposas sa headboard nang kama

nakita kong namumula mula ang kamay niya kaya alam ko ang ginawa niya

pilit niyang inaalis ang kamay niya sa posas

"a-ahmm sir x-xander naiihi p-po a-ako"bigla niyang sabi

[JENNY'S POV]

"a-ahmm sir x-xander naiihi p-po a-ako"sabi ko sa kanya

nakita kong huminga muna sya nang malalim bago niya kinuha ang susi mula sa bulsa niya

dahan dahan syang naglakad papunta saakin at tinanggal ang posas sa isa kong kamay

tumayo ako at dahan dahang naglakad papunta sa banyo

nang makapasok ako sa loob ay agad kong isinara ang pinto at sumandal doon

narinig ko pang may sinabi siya na ikinataas nang balahibo ko

"Don't you ever escape from me lotte!!"matigas at madiin na sabi niya

naihilamos ko nalang ang dalawang palad ko sa aking mukha at pumunta sa lababo para maghilamos

tumingin ako sa salamin na nasa harap ko

inilibot ko ang aking paningin sa kabuoan nang banyo at nakita ko ang isang maliit na bintana

medyo mataas ang kinalalagyan nito pero wala akong pake basta makatakas lang ako dito

pumatong ako sa bowl at inabot ang bintana pero hindi sapat iyon para makalabas dito

naghanap ako nang pampataas sa pinapatungan ko...

at kung sinuswerte ka nga naman may dalawang upuan sa loob nang banyo

kinuha ko iyon at pinagpatong

matapos kong ipatong ang upuan ay ang pagkarinig ko na nagsalita si xander

"hey lotte are you done??"pagtatanong niya

"a-ahh s-sir xander najejebs po k-kase a-ako"kanda utal utal na sagot ko sa kanya tsaka dahan dahang sumampa sa pinagpatong kong upuan

namali ako nang tapak sa isa kong paa kaya nakalikha ito nang ingay

napapikit nalang ako nang magsalita ulit si sir xander

"ano yung ingay na yon?"pagtatanong niya

sinabi ko nalang na wala iyon tsaka ipinagpatuloy ang ginagawa ko

nang nasigurado ko nang kaya ko nang akyatin ang bintana ay napalingon ako sa pinto

ginagalaw ni sir xander sa labas ang doorknob

"s-sir hindi p-pa po a-ako tapos"tarantang sabi ko tsaka isinampa ang sarili palabas nang bintana

nang makita ko ang pag babagsakan ko ay nakahinga ako nang maluwag dahil mababa lang ito

itinukod ko ang kamay ko sa magkabilang side nang bintana at hinatak palabas ang aking katawan sabay talon pababa

nang makababa na ako ay agad agad na akong tumakbo palayo sa bahay

walang lingon lingon dahil ayoko nang maulit yung nangyari sa maliit na bangin

halos kalahating oras din ako nagtatakbo bago ko matanaw ang highway

nang makalabas ako nang gubat ay patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa may papadaan na truck na may kargada nang mga niyog

humarang ako sa harap nito at napapreno agad ang driver

"ano ba ineng magpapakamatay ka ba!"galit na singhal niya saakin

pumunta ako sa kanya at tumingala dahil mataas ang kinauupuan niya

"kuya *hinga* pwede po bang *hinga* makisabay *hinga*"hingal hingal kong sabi

"ay ineng hanggang bayan lang ang tungo namin"sabi nito

"okay lang po"sabi ko

"oh sige sumakay ka nalang sa likod dahil wala nang space dito"sabi niya

kaya agad agad akong pumunta sa likod at pinagsiksikan ang sarili sa mga niyog dito......

VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)Where stories live. Discover now