JENNY'S POV
panibagong araw nanaman para saakin. .. panibagong pasakit nanaman saakin. .. panibagong problema nanaman
pagtapos kong makapagayos ay kinuha ko na ang brown envelope ko tsaka lumabas nang bahay
nang makarating ako sa kanto kinuha ko ang lahat nang pera ko sa bulsa
93 pesos nalang pagkakasyahin ko pa ito sa buong araw
pumara ako nang jeep at sumakay tsaka nagbayad
nakatingin lang ako nang diretso sa kalsada..
hayyy sana matanggap na ko sa pag aaplayan kong trabaho
pumara na ko at agad na bumaba
napatingala pa ako dahil sa sobrang taas nang building na pag aaplayan ko
pumasok na ko sa loob at dumerederetso papunta sa elevator
nagkanda pulupot na nga yung leeg ko kakalibot nang tingin sa mga mamahaling gamit..
grabe ang yaman siguro nang may ari neto. .. kung ako ang may ari neto siguro araw araw akong nagwawaldas nang pera
nang magbukas ang elevator ay agad akong pumasok
"anong floor po ma'am?"pagtatanong nung isang babae na sa tingin ko ay nagtatrabaho dito
"ahmm san po ba yung floor nang mga nagaaply na aplikante?"sabi ko
"ahmm ma'am dadalhin ko nalang po kayo kung saan yung floor nang boss namin ikaw palang kase ang nagapply simula nang magpahanap si sir xander nang secretary"mahaba niyang litanya
"ah sge salamat"sabi ko
nakita ko namang pinindot niya ang floor 39
ilang minuto pa ko nakatayo sa loob nang elevator bago ito bumukas
inilahad niya ang kamay niya papalabas kaya ngumiti nalang ako sakanya
nang makalabas ako ay nanibago ako sa atmosphere nang floor na ito
walang katao tao at ang tahimik
...
nagsimula akong maglakad at rinig na rinig ang bawat pagtunong nang sapatos ko
inisa isa ko ang mga pinto pero walang katao tao. .. nang nakapunta ako sa pinakahuling kwarto ay binuksan ko iyon
may isang lalaking nakaupo sa swivel chair niya at nakatalikod saakin
"excuse me po!"sabi ko pero mukhang hindi niya narinig ang sinabi ko kaya inulit ko ulit
"excuse me po!!"paguulit ko
ramdam kong napatigil sya at unti unting humarap saakin
hay sa wakas naman narinig na ako neto. ... tuluyan na kong pumasok at isinarado ang pinto
pagharap ko nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang nakatitig saakin
"uhmm sir ikaw po ba si xander!?"pagtatanong ko pero hindi sya sumagot at nanatiling nakatingin saakin
nakita ko ang pangalan sa table niyo
Mr.Xander Vlist
CEO
hindi ko na sya inantay pang magsalita lumapit ako sa kanya pero sya nakatingin lang saakin
"magaapply lang po sana ako nang trabaho bil- - -"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita sya
"Y-your hire"
o____o
tama ba ang narinig ko. ... tanggap na ko sa trabaho
bigla ko syang yinakap nang tumayo sya
"thank you sir di mo alam kung gano ko kailangan ang trabaho thank you po talaga!"
napabitaw nalang ako nang maramdaman kong yumakap sya pabalik
'uhmm sir kailan po ako magsisimula?"tanong ko
"t-tommorrow"maikli niyang sabi
"ah sge po sir alis na po ako kailangan ko pa pong magayos para bukas!"pero hindi talaga yan ang gagawin ko
nahihiya kase ako sa pagtitig niya saakin
parang sabik na sabik sya parang ilang taon syang nagdusa hindi ko alam pero gusto ko nalang umalis dito... pag kase tumitingin ako sa mga mata niya parang kasama sya sa nakaraan ko na tuluyan nang nabura sa memorya ko
tumalikod na ko at maglalakad pa sana nang may humawak sa kamay ko
"lotte"
lotte??? ako ba ang tinutukoy niya... pero hindi. . jenny ang pangalan ko at hindi lotte pero san ko nga ba nakuha ang pangalang jenny
san ko napulot ang pangalang jenny san ko nakuha yon...
"sir baka po nagkakamali kayo hindi po ako si lotte ako po si jenny"sabi ko
tsaka pilit na binabawi ang kamay ko na hawak niya
"h-hindi. ... i-kaw si lotte h-hindi ako n-nagkakamali"
biglang sumakit ang ulo ko dahil sa sinabi niya pero agad ding nawala yon
"hindi po ako si lotte hindi ako si lotte"sabi ko at binawi ang kamay ko mula sakanya tsaka tumakbo palayo
tumigil lang ako nang naramdaman kong nangangatog ang aking mga tuhod
sino ba sya sino bang lotte?? ako ba yon ako ba si lotte??pero hindi ang alam ko ako si jenny ako si jenny hindi ako si lotte
![](https://img.wattpad.com/cover/51019264-288-k376441.jpg)
YOU ARE READING
VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)
VampireIts all started with the prophecy at magtatapos lahat sa kanya.