JENNY'S POV
'x-xander'
hindi ko alam pero bigla ko nalang nabigkas ang kanyang pangalan..
patuloy parin sa pag agos ang aking mga luha habang hawak hawak ang kanyang kanang pisngi
gusto kong maka alala pero natatakot ako....
'xander w-wag a-ako!"uutal utal kong sabi
'anong ibig mong sabihin?"
inalis ko ang pagkakahawak ko sa pisngi niya
"wag ako xander. .. humanap ka na nalang nang iba"
"anong ibig mong sabihin lotte?"pagtatanong niya ulit
"kasi hindi na ko si lotte ako na si jenny ngayon. .. yung jenny na hindi na nakakaalala yung jenny na hanggang ngayon tinatakasan yung nakaraan. .. xander ayoko nang makaalala! !"sigaw ko sa kanya
hindi siya nakasagot kaya pinagpatuloy ko yung sinasabi ko
"nagapply ako dito bilang secretary mo hindi para maging si lotte na hinahanap mo"sabi ko tsaka tumayo
"dun lang po ako sa desk ko sir. .. sabihin niyo nalang po saakin kung may kailangan kayo"sabi ko tsaka lumabas nang office niya tsaka dun umupo sa pwesto nang secretary
nang makaupo ako sa upuan ay napahawak nalang ako sa ulo ko
hay siguro kailangan ko ulit humanap nang mapagtatrabahuhan
dahil kung dito guguluhin lang ako nang guguluhin nang nakaraan ko. ...
napabalik nalang ako sa huwisyo nang may magsalita sa harap ko
tinignan ko iyon at nakita ko ang isang magandang babae
"what can i help for you ma'am?"sabi ko
"andyan ba si xander?"
"yes ma'am wait i call him!"sabi ko
tatayo na sana ako nang may nakita akong intercom sa gilid ko
alam ko namang gamitin toh hindi naman ako tagabundok
pinindot ko yung botto tsaka nagsalita
"sir may naghahanap po sa inyo!"sabi ko
"who?"tanong niya
tumingin ulit ako sa babae at ngumiti
"maam ano pong pangalan nila?"
"denise"sagot niya
"sir denise daw po"sabi ko
"let her come in"sabi niya
tumayo na ako at pumunta sa pintuan nang office ni sir xander
binuksan ko iyon at
"maam pasok na po kayo"sabi ko
nakita kong tinarayan ko muna niya ako bago pumasok
hindi ko nalang pinansin at bumalik sa upuan ko
nagdaan pa ang mga oras at wala parin akong ginagawa
secretary ba ang trabaho ko dito o pasakitin ang pwet ko sa kakaupo
napaayos ako nang aking upo nang lumabas si denise sa loob nang office ni sir xander
hindi niya ko pinansin at tuloy tuloy lang sa paglalakad papunt sa elevator
sumunod na lumabas si sir xander
napatingin ako sa kanya pero agad ding napaiwas dahil nakatingin din sya saakin..
"did you eat your lunch?"bigla niyang pagtatanong
napatingin ako sa orasan ko at saktong 12 na nang tanghali
"y-yes s-sir"pero ang totoo hindi pa talaga ako kumakain dahil hindi ko napansin ang oras
hindi na niya ko sinagot at naglakad papuntang elevator
simula nung pag uusap namin kanina ganyan na ang pakikitungo niya
eh gusto ko rin naman toh. .... yung ituring niya kong parang hindi ako nagdaan sa buhay niya
napahinga nalang ako nang malalim at napaub-ob sa desk ko
kailan ba ko may gagawin. ...
napagpasyahan kong umuwi nalang tutal wala namang gagawin dito eh
habang naglalakad ako papubta sa elevator ay napaisip ako.....
papayagan kaya niya kong magresign dito....
napabalik ako sa huwisyo nang biglang bumukas yung elevator sa harap ko...
pumasok ako sa loob at yumuko
sa pangalawang pagkakataon napabuntong hininga ako
kung aalis ako mahihirapan nanaman ako makahanap nang trabaho. ...
napagulo ako nang buhok ko at napapadyak nang paa..
nang makarating ako sa baba ay agad akong lumabas at dire diretso papunta sa exit nang building
pumara ako nang jeep at sumakay sa harapan...
napapikit nalang ako.... mukhang makakatulog pa ata ako neto ah.
******
nang makababa ako sa jeep...pumasok ako sa maliit na eskenita papunta sa maliit kong bahay
pagpasok ko napatakip nalang ako nang aking bibig
anong nangyari dito....
tumakbo ako papunta sa aparador ko
napaupo nalang ako nang makitang wala na ang mga damit ko dun...
nagulat ako nang biglang may magtakip nang bunganga at ilong ko
naamoy ko ang kakaibang amoy na yun. ...
nakakahilo at nakakasulasok....
hindi ko magawang manlaban dahil agad akong nanghina....
bago pa ko mawalan nang malay nakita ko kung sino ang taong yun...
S-sir x-x-xander!!!
BINABASA MO ANG
VAMPIRE'S BRIDE (REVISING)
VampireIts all started with the prophecy at magtatapos lahat sa kanya.