3

21.6K 212 9
                                    

"ELI FERNANDEZ?! ANONG GINAGAWA MO DITO?! STALKER BA KITA?!" Nagulat ako nang makita ko ulit sya. Parang kagabi lang yung last na pagkikita namin ah? At sa pagkakaalala ko, hindi maganda ang ending ng pagkakakilala naming dalawa.

Ngumiti sya. "Wow! Naaalala mo pa pala ako. Kamusta?" Tapos naupo sya sa tabi ko at nag-lean closer pa sya.

"A-ayos lang." Medyo nanginginig na sagot ko tapos lumingon ako sa gilid kasi sobrang lapit na nya sakin. Hindi ko mapigilan, parang kinakabahan ako. Teka, bakit naman ako kakabahan? Dahil ba 'to sa nangyari kagabi? Jusko. Isang halik lang yun. Halik? Lang? Baliw na ata ako.

"Mukhang naka move-on ka na kagad sa break up nyo ng boyf-- este ex-boyfriend mo ah?!" Patanong na sabi nya. More like nang-aasar sya. Ang bango nya naman. Bakit ganun? Namamanyak ako.

"Bakit ka ba nandito ha? Wag mo sabihin sakin na stalker kita. Kahapon nasa St. Mare's ka dinala mo pa ko sa condo mo at..... at..... a---"

"At ano? I kissed you? You kissed back, in case you forgot." Napatingin ako sa kanya. Mas lumapit pa sya sa muka ko. Hindi ko mapigilang mag-blush. Mag-blush sa inis. "Why are you blushing? Wait, I should be the one asking you what are you doing here, right?" Tapos nag-smirk sya.

"Ang yabang mo! Nandito ako kasama ng parents ko, fyi lang. At hindi mo ako stalker. Wag kang assuming. Hmp! Dyan ka na nga!" Tapos tumayo ako. Hahanapin ko na lang sila mom. Nakaka-bwisit na ang ambiance dito. I need to go home.

Paalis na sana ako nang biglang sumabit yung paa ko sa upuan kung saan ako nakaupo kaya nahulog ako.... pero teka, bakit naman hindi matigas ang sahig dito kila Gov? Hmm. Ang sarap sa feeling oh, para akong lumulutang sa ere. Sana ganito din yung sahig sa bahay namin.

"Gotcha." Napatingin ako sa nagsalita. Hindi pala ako nahulog sa sahig. Bakit? Dahil nasalo ako ng isang Eli Fernandez. Yung posisyon namin is parang yung final pose kapag nagsasayaw ng Cha - Cha. Yung parang naka-half kneel sya tapos nakaalalay yung hita at isang kamay nya sa likod ko tapos yung isa pang kamay nya, nakahawak sa kamay ko. Tinignan ko sya. Gwapo naman sya kaya lang mukang playboy. Sayang 'to. Tsktsk.

"Uy, baka balak nyong tumayo dyan hindi yung nagtititigan lang kayo dyan." Sabi ng isang lalaking napadaan. Natauhan ako bigla. kaya agad-agad akong tumayo. Ngumiti na lang akog

"T-thanks." Yun lang ang nasabi ko. Ano ba yan, bakit ba sa tuwing pa-exit na ko kelanga pa maging awkward yung ambiance namin? Strike two na ah. Psh.

"No problem. Halika. Maupo ka na lang muna kasi dito. Bakit ba kasi sa aalis ka pa?" Tapos hinila nya ako pabalik sa upuan. Pero this time, inalalayan na nya ako. Nung nakaupo na ko, naupo sya sa silya na katapat ng upuan ko.

"I need to find my parents. I'm one hell of a bored person in here. Nakaka OP dito. I don't even know these people even the celebrant, hindi ko kilala." Patayo na sana ulit ako pero hinila nya ako para pigilan.

"Then, stay with me. I'm bored as well." Wala akong nagawa kundi tumango at umupo ulit. "So, what are you doing here?" Tanong nya tapos kumuha sya ng dalawang baso ng wine dun sa waiter na napadaan. Binigay nya sakin yung isa kaya uminom ako.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon