39

12.9K 100 14
                                    

Eli's POV

"Babe, may problema ka ba?" Nakaupo sya sa lap ko habang nakasandal yung ulo nya sa dibdib ko. Ayos 'to ah, ginawa akong upuan. Dalawa lang kaming nandito ngayon sa pool area ng St. Mare's.

"Wala. May iniisip lang." Ano ba yan, nakakairita na 'to ah. Palagi na lang kaming ganito. "Nagkita na ba kayo ni Donna?" Bigla ko syang natanong. Aba! Ilang araw na kong di tinatawagan nun ah. Di rin nagpapakita. Kapag tinatawagan ko naman, ang sagot palagi sakin e busy daw sya.

Tumingin sakin si Aye. "Kasama ko sya kahapon after ng practice ko. Nagpunta kami sa mall then dun ako nagdinner sa kanila." Hinawakan nya yung muka ko at nakipag nose to nose sya sakin. "Bakit?" Umiling ako. Ngumiti sya at hinalikan ako. Syempre, tatanggi pa ba ko? Nagrespond ako sa halik nya. Yung kamay ko minamasahe yung hita nya at dahil naka-swimsuit lang sya, easy access ako sa kanya. Nagmoan sya nang hawakan ko sya.

"Ano ka ba naman kasi Tin, bakit mo iniwan dito yung gamit mo para dun?"

"Eh kasi nga swimming yung PE ko kaya naiwan ko sa girls' locker room yung gamit ko."

Napatigil kami ni Aye sa ginagawa namin nang may marinig kaming boses na papalapit sa lugar namin. Sinuot ko kagad yung sumbrero ko at kinuha yung bag ko.

"Hay nako! Buti na lang naka bukas 'to ngayon. Tara na, ku--- uy, Faye!"

Napatingin si Aye sa tumawag sa kanya. Ngumiti naman sya. "K-KC, Tin! What're you guys doing here?" Yumuko ako at umaktong may kinukuha sa bag ko.

"May naiwan lang sa locker si Tin. Sige, kunin lang namin." Tapos lumagpas sila samin.

"Alis na ko. Baka makita pa nila ko. Mamaya na lang." Hinalikan ko sya at narinig ko nanaman yung boses ng mga asungot na papalapit kaya tumakbo na ko palabas.

Tumatakbo ako papunta sa exit tapos may nakabangga akong babae. Ay, ano ba yan. "Miss, sorry nagmamadali kasi ako." Napatingin ako babaeng nakaupo sa sahig. "You're Clarise Perez, right?" Nilahad ko yung kamay ko para tulungan sana sya tumayo pero hindi nya kinuha yun. Tinignan nya yung isang babaeng kasama nya kaya tinulungan naman sya nun para tumayo. Haha! Ang arte naman nito!

"Look where you're going naman kasi! Now my new bag is full of germs! Ugh! Stupid!" Inis na sabi nya.

"Nice meeting you too, Cla. Sorry ah, nagmamadali kasi ako. Sige bye!" Hinalikan ko sya sa pisngi nya tapos tumakbo na ulit ako palayo.

Hay! Boring! Kinuha ko yung phone ko at tinawagan si Donna.

("Bakit ka tumawag?") Medyo pabulong at inis na sabi nya.

"Miss na kita. Nasan ka?"

("Donna, sinong kausap mo?") Pamilyar yung boses na yun ah.

"Kasama mo si Ryle? Nasan kayo? Susunduin kita." Aba! Hindi naman magandang tingnan na yung girlfriend ko, dine-date ng kaibigan ko no! Tsaka si Ryle pa, eh si Cla gusto nun. Ang tagal nyang hinintay yun.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon