44.5A

13.2K 98 4
                                    

"I'm not your girlfriend or your secret girlfriend, Ryle. I never was, I never am and I never will be your girlfriend, Ryle. Never." Matigas na sabi ko sa kanya. Nagbago naman bigla yung expression ng muka nya at naglakad sya papalapit ng papalapit sa akin. He bent down a little para maging magka-level yung muka namin at inches away na lang ang labi nya sakin. Ayan nanaman yung nakakatakot at misteryosong mga mata at ngiti nya. Yun yung palaging nagbibigay ng takot sakin, yung takot na kapag nalaman ni Eli 'to, pwedeng iwanan nya ako dahil sinisira ko ang friendship nila ni Ryle. "R-ryle... A-ano... a-ano kasi..."

"RYLE!" Napatingin kami sa gilid at sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko namalayan kung paano napunta si Ryle sa sahig. "Sa lahat ng babae, sya pa talaga? Ano 'to? Gaguhan? T-ang ina, Ryle!" Galit na sigaw ni Eli habang habang nasa gilid nya lang ako at pinapanood yung bagay na kinatatakutan kong mangyari. "Kinausap na kita ng maayos nun, pero eto, gag-aguhin mo pa din ako. T-ang ina, Ryle!"

Tumayo si Ryle at pinunasan nya yung duguan nyang labi at ngumiti sya. "Bakit? Hindi ka ba nag-eenjoy sa laro mo, Eli? I'm teaching her to play your game, my friend." Nagsmirk si Ryle at lumapit sa akin, kinuha nya yung gamit nya at naglakad sya para mas lumapit sakin pero sinuntok nanaman sya ni Eli.

"Layuan mo na si Donna." Eli growled, halatang galit sya dahil yun ang pinapakita ng mga mata nya. Hinila ako ni Eli papunta sa kotse nya. Nagsimula na syang magmaneho pero hindi pa din sya nagsasalita. Eto nanaman, nakita ko nang magalit si Eli dati kaya ayokong nagagalit sya, mahirap kapag sya ang nagalit. Nakakatakot.

Nakarating kami sa condo nya pero tahimik pa din sya at yung mga mata, they're still the same, filled with anger. "E-eli.." Hindi nya ko pinansin. Bumaba sya ng kotse nya kaya bumaba din ako. Hinawakan ko yung kamay nya pero hindi man lang sya tumingin sakin, ni hindi nya man lang nya pinisil yung kamay ko o ano. Ganun lang sya hanggang makarating kami sa unit nya. "Eli, pakinggan mo naman ako. Baka pwede akong mag-explain." Medyo sigaw ko sa kanya, hindi ko na kasi nagugustuhan yung ginagawa nya eh. Baka kapag pinakita kong galit ako, baka sakaling maisip nya na ako yung dapat nyang paniwalaan at hindi yung nakita nya.

Humarap sya sakin at nagsmirk. "Go, explain yourself. Sabihin mo lahat-lahat. Lahat-lahat ng kasinungalingan mo."

Napalunok ako. "A-ano kasi... E-eli, s-si Ryle... h-hindi ko alam k-kung san ko s-simulan k-kas---"

Lumapit sya sakin ng sobrang lapit kaya napasandal ako sa pinto. He locked me between his arms and kissed me harshly. Eto nanaman, mauulit nanaman ba yung nangyari dati? Nalalasahan ko na yung dugo. He sucked my lower lip. Yung kamay nya na nakahawak sa may pinto at pader kanina ay dahan-dahan bumababa papunta sa dibdib ko. Nilakasan ko yung loob ko at tinulak ko sya.

Nakikita ko yung galit at inis sa mga mata nya. Nagsmirk sya. "Kapag si Ryle kaya ang gumagawa sayo nito, ganyan ka din ba magreact? Alam mo, lahat ng tao pinagdududahan ako para sayo. Yun pala, ikaw pala yung dapat na pagdudahan. Akala ko iba ka. Gumaganti ka ba? Ha?"

Nasampal ko sya. "Siguro nga nagsinungaling ako sayo simula last month tungkol sa pagkikita namin ni Ryle, pero wala kang karapatan na pagdudahan ako. Hindi ko gustong magsinungaling sayo, tinanggihan ko si Ryle dati dahil ikaw naman yung mahal ko. Pe--" Tumawa sya ng malakas at sarcastic na nagsalita.

"Ako yung mahal mo?" Tumawa nanaman sya. "T-ang ina, Donna! Ang galing mo pala talagang umarte. Yan din ba yung sinabi mo kay Ryle?" Biglang sumeryoso yung muka nya at hinawakan ako ng mahigpit sa braso ko. "Alam mo, sana naniwala na lang ako kay Ryle at hindi nagpadala sa acting mo. Sana naniwala na lang ako sa kanya na niloloko mo lang ako." Natulala ako sa sinabi nya. "Oo, binalaan na nya ako na niloloko mo lang ako pero, ano? Hindi ko pinansin kahit na may parte sa akin na alam na nagkikita kayo kapag nakatalikod ako. Ano? Kaya mo din ba ako iniiwasan noong nakaraang dalawang linggo? Binigay mo na ba sa kanya yung pagkababae mo? Magaling ba sya?"

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon