29

13.2K 100 8
                                    

"Ate Aye? Long time no see ah!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita at nakita ko ang isang babaeng parang kasing edad lang ni Lauren. "Ay, sorry. Akala ko si Ate Aye." Ngumiti sya tapos paulit-ulit na nagsorry.

"Okay lang. Ako nga pala si Donna." Lumapit ako sa kanya tapos nakipag shakehands ako sa kanya.

"Donna? San ko nga ba narinig yun?" Nagssnap-snap sya ng habang parang iniisip nya kung kanino nya narinig yung pangalan ko. Tapos yung isang kamay nya nakahawak sa baba nya. "Ayun! Tama, ikaw yung kinukwento ni Lauren sakin!"

"Kilala mo si Lauren?" Tumango naman sya. "How?"

"Anastasia Santos, pinsan ni Kuya Ryle at best friend and classmate ni Lauren." Napatango na lang ako. Speechless. Meeting the relatives of my boyfriend's friends na ba ito? Hihi. Mangarap din pag may time. -__- "Ah, tsaka ikaw din pala yung nabasa ko sa newspaper dati. Yung magco-compete sa Clark. That's you, that's you! Omg!" Tapos nagtatatalon sya habang hawak yung kamay ko at sumisigaw-sigaw kaya biglang napalabas si Ryle at Eli.

"What's happening here?" Parang natataranta yung muka ni Ryle. Humarap si Ana sa kanila tapos ngumiti. "Kuya Ryle, you didn't tell me na kilala mo yung representative ng Philippines sa Clark!" Nagsigh si Ryle tapos umiling, si Eli naman ngumiti tapos lumapit sakin. "Girl crush ko kaya sya. Ang ganda-ganda tapos ang astig pa tignan. Ate picture tayo ha?" Tapos nilabas nya yung ipad nya at inabot kay Eli. "Kuya Eli, picturan mo kami. Dali, dali! Make sure maganda ako ha?" Kinuha ni Eli yung iPad nya tapos pinucturan nya kami. Si Ryle naman nagpunta sa kitchen ata. Nawala na kasi eh pero hindi naman sya pumasok sa entertainment area. "Thanks, Kuya Eli. Anong itatawag ko sayo? Miss o Ate?"

Napaturo naman ako sa sarili ko. "Ha? Sakin?" Tumango sya tapos ang laki ng ngiti nya. "Ah, eh. Ate Donna na lang. Yun din naman tawag ni Lauren sakin eh." Ngumiti sya tapos niyakap nya ako.

"Alam mo bang ang daming kinukwento ni Lauren tungkol sayo, hindi ko naman alam na ikaw pala yung tinutukoy nya. Grabe! Ang ganda mo pala talaga sa personal. Tama nga si Renren." Tuwang-tuwa syang nagsasalita tapos inisa-isa nya yung mga sinabi daw ni Lauren sa kanya tungkol sakin.

"Babe, nakagamit ka na ba ng bathroom?" Biglang sumingit si Eli. Whew! Buti na lang sumingit si Eli kasi ihing-ihi na talaga ko. I need to pee so bad. I shook my head. "Uhh, Ana, magre-restroom lang si Donna ah. Kanina pa kasi naiihi 'to eh." Tumango naman si Ana kaya agad-agad akong tumakbo papasok sa bathroom. Habang nasa bathroom ako, I can hear Eli and Ana talking.

"Kuya Eli, is she really your girlfriend?"

"Oo naman. Bakit parang nagdududa ka pa?"

"Eh kayo you're such a player. You've brought a lot of girls in here pero lahat yun, ayoko sa kanila. In fairness naman, Kuya Eli. Next to Ate Aye, sya ang pangalawang nagustuhan ko sa lahat ng naging girlfriends mo." Hindi ko alam kung bakit nainis ako nung narinig ko yung pangalan ni Aye.

"May taste kasi ako sa babae. Di kagaya nyang pinsan mo, parang naghihintay lang lagi sa wala." Nagbiro si Eli tapos tumawa silang dalawa. Naghugas na ko ng kamay ko pero bago ako nakalabas, pinakinggan ko muna yung huling sinabi ni Ana.

"Kuya Eli, tama si Renren. She's a nice girl. A really, really nice person. Kahit na ngayon lang kami nagkita, ang ganda na ng pakikitungo nya sakin at ang gaan na ng pakiramdam ko sa kanya. Kaya please lang, don't hurt her. Renren and I will kick you butt if you hurt her. Okay?" Hindi ko na inantay pang sumagot si Eli kasi alam ko namang hindi nya ako sasaktan at ipagpapalit kay Aye na iniwan sya para sa hindi ko alam kung bakit. Lumabas na ko ng bathroom at nagpanggap na parang walang narinig. I walked innocently papunta sa kanilang dalawa.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon