38

13.2K 112 16
                                    

Elijah Fernandez calling...

("Nandito na ko, babe. Saang girls' restroom kita pupuntahan?")

"The one that's near the cafeteria. Pumasok ka, no one's inside naman." Tapos binaba ko na. Less than five minutes, nandito na sya. Nilock ko kagad yung restroom pagpasok nya.

"Alam mo, Donna, pwede namang sa condo ko 'to natin gawin. Di ko alam na gusto mo pala sa public restroom gumawa ng ganitong mga bagay." Sabi nya tapos naupo sya sa may sink. "Oh bilis simulan na natin 'to. Dali! Baka may pumasok pa dito."

Binatukan ko nga sya. "BASTOS!" Napahawak naman sya sa ulo nya. "Nasaan na yung damit kong pinapadala sayo?" Binigay nya naman sakin yung isang paper bag.

"Nahirapan pa kong maghanap ng babaeng kasukat mo ah. Ang taba-taba mo na kasi eh. Tsaka ano bang nangyari?" Bumaba sya tapos lumapit sya sakin. Nilagay nanaman nya yung kamay nya sa may lower back ko. "Bagay naman sayo yang suot mo ah. Mas bagay nga lang yung suot mo nung birthday ko." Dumikit sya sakin at papalapit nang papalapit yung muka nya sakin.

"Sige, dumikit ka pa sakin para mamantsahan yang puti mong damit. Natapunan lang naman ako orange juice. All thanks to that Clarise." Napatingin sya sa may dibdib ko pababa sa tyan ko.

"Sana ako na lang yung juice." Ngumisi sya. "Ang hot mo siguro tignan nung may juice dyan sa may dibdib mo." Tapos dahan-dahan nya kong binigyan ng smack tapos tinulak ko sya palayo sakin kaya napa-'aray' sya. "Teka, sabi mo tinapunan ka ni Clarise. Bakit? Tsaka sinong Clarise?"

Pumasok ako sa cubicle tapos tinanggal ko na yung damit ko, hinagis ko sa labas ng cubicle yung damit ko. Oo na, salaula na. Eh sa masikip dito sa loob ng cubicle. Ang lagkit ko pa din, nakakainis. Ba't hinagis ko yung damit palabas? Pano ko pupunta sa sink? Ugh! "Eli, can you please get some tissue paper there? Then basain mo, malagkit pa din yung part na natapunan ng juice eh." Narinig ko naman syang tumawa.

"Ayoko. Lumabas ka na lang dito, nakita ko na naman yan eh." Pang-iinis nya. Bwisit talaga 'tong lalaking 'to. Manyak forever. "Sige na, lumabas ka na ako lang naman yung nandito." Sabi nya tapos kinatok nya ko sa cubicle.

"Bastos ka talaga! Pervert! Ikuha mo lang ako ng pinapakuha ko." Medyo nakasigaw na ko.

"Kahit magwala ka dyan, di kita ikukuha ng pinapakuha mo. Lumabas ka kung gusto mo." Pang-iinis nya. At syempre dahil no choice ako at nagmamatigas si Eli, lumabas ako na suot lang yung pants na dala nya habang naka-bra lang ako. "Kitams, lalabas ka din." Nakaupo sya may sink at hawak nya yung isang roll ng paper towel. "Alam mo, ang ganda mo talaga. Pero sa tingin ko, mas maganda ka kapag walang cover yan. Yung ikaw lang talaga." Ngumisi sya, inismiran ko na lang sya. Bastos forever naman sya eh, kahit anong gawin ko, wala nang mababago dun.

"Ikaw din. Gwapo ka." Nagsmirk sya. "Pero sa tingin ko, mas gwapo ka kapag may black eye ka sa parehong mata. Gusto mo subukan natin sayo?" Sumimangot sya tapos kinuha ko na yung hawak nyang roll ng paper towel at pinunasan ko na yung malagkit na part sa may dibdib ko at tyan.

"Salamat sa paghatid. Sorry, hindi ka muna pwedeng pumasok sa bahay." Tinanggal ko yung seat belt ko.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon