36

14.3K 101 14
                                    

I was about to let my tongue explore and massage her but she broke our kiss. "Eli..." Dahan-dahan syang ngumiti. "Ang priceless ng itsura mo kanina. Hahahaha!" At nagsimula nanaman syang tumawa ng malakas pero hindi pa din sya bumibitaw sa pagkakahawak nya sakin, at sa pangalawang pagkakataon parang nasaktan nanaman ng sobra yung man ego ko. Nung natapos syang tumawa, sumeryoso ulit yung muka nya at pinagpatuloy nya yung paglalaro sa damit ko. "You know why I'm here? I'm here to save you." Tapos kumindat sya at bumitiw sa pagkakahawak nya sakin.

"To save me? Bakit? Nasa panganib ba ko?" Ako na yung humiwalay sa kanya. Bwisit na yun! Pakiramdam ko, pinaglalaruan nya ko ngayong gabi.

"Hmm." Nilagay nyan yung hintuturo nya sa may labi nya at tumingala na parang nag-iisip. "Not really, but almost there." Nag-aalangan nyang sagot tapos ngumiti sya. "Kaya nga nandito ako kasi, I couldn't resist to know that you and your parents are having those bad times again." Naupo na sya sa wakas. Nakakangalay kayang tumayo!

"Ano bang pakialam mo sakin?" Inis na tanong ko. Bakit ba kasi bumalik pa sya dito? Oo, aaminin ko, masaya ako na bumalik sya pero hindi ko inaasahan na ganyan yung Donna na babalik. Sana hindi ko na lang hiniling na bumalik sya.

"Anong pakialam ko sayo? Hmm. Naalala ko lang naman yung sinabi mo sakin dati na ayaw mong tumakbo sa kahit na anong posisyon sa government. Eh I heard, Tito Ely is planning to make you a candidate for some certain posistion, the nearest election pagka-graduate mo kung hindi ka pa din magtitino. I'm just here to help." Kumindat sya sakin. "And business purposes as well."

"Ayun! Sinabi mo din! Business purposes. Kelan ka pa naging ganyan ha? Kelan ka pa naging interesado sa negosyo nyo?" Parang hindi sya yung Donna na nakilala ko dati. Bakit ganun? Parang nasasaniban 'tong nasa harap ko ngayon?

"Kelan? 8 months ago." Diretsong sabi nya tapos nahiga sya sa kama ko. Lumapit ako sa kanya, nakatayo lang ako sa may gilid ng kama. Tinap nya yung space sa kama sa tabi nya. "Lie down with me." Malambing na sabi nya, parang nahipnotismo ako at agad-agad na humiga sa tabi nya. Hindi ko alam kung paanong nangyari na niyakap ko sya at ginawa nyang unan yung braso ko. "Mas mabuti nang interesado ako sa negosyo namin. Hindi ako sinaktan ng interes ko sa business at alam kong hindi din ako nito sasaktan."

"Donna..." Mas nahigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya. Parang bigla akong nilalamon ng guilt na nararamdaman ko. "Sorry." Yun lang yung salitang lumabas sa bibig ko.

Tumingin sya sakin. "Para saan?"

"Sa lahat."

"Hahaha! Bakit ka nagsosorry. Wag kang magsorry kung masaya ka naman. Kung masaya ka, ibig sabihin nun, worth it yung ginawa ko dati. Kung nagsosorry ka, ibig sabihin nagsisisi ka na naghiwalay tayo." Sabi nya tapos hinampas nya ng mahina yung dibdib ko. Napangiti ako, namiss ko yung ganitong eksena namin dati. Yung habang nag-aaway bigla na lang maglalambingan, bigla na lang mawawala lahat ng inis nya sakin, bigla na lang mawawala yung init ng ulo ko. Basta Donna, sorry. Tumahimik sya tapos humarap sa kabilang side. "Sa harap ng mga tao, boyfriend kita at girlfriend mo ako. Gawin mo 'to para kay Tita Ariza at kay Lauren. Isipin mong ako pa din yung girlfriend mo. Isipin mong magagalit ako sayo kapag nahuli kitang may kasamang ibang babae." Tumigil sya tapos humarap sakin. "Kasi magagalit talaga ako. Gigilitan kita sa leeg kapag nahuli kita."

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon