8

17.9K 148 2
                                    

"Hey, Eli!"

"Hi Eli!"

"Omg! Ang gwapo nya talaga!"

"Ang hot ni Eli! Oh my gosh."

"Wait, yung underwear ko biglang nahulog nung dumating si Eli."

"I wanna marry Eli."

"He won't marry you."

"Why?"

"Because he will be marrying me."

"Ewan ko sayo. Ang gwapo talaga ni Eli."

"In love na ako sa kanya."

"Eli, I love you!"

=_________= Yan yung eksena habang naglalakad kami ni Eli sa mall. Eto namang si Eli pangiti-ngiti lang tapos kinakawayan pa nya yung mga babaeng mahaharot sa mall tapos habang pinapansin nya yung mga yun, parang nangingisay yung mga babaeng yun. Nakakainis.

"Nakasimangot ka nanaman, babe." Bigla akong inakbayan ni Eli. Hindi ko napansin na nakasimangot pala ako.

"Psh. Dapat nga pala masanay na ako."

"Oo. Masanay ka na, babe. Dahil next week one month na tayo. Ang galing no?" Tapos niyakap nya ako.

"Oo nga eh. Ang galing no?! Nakaka-survive ako at nakakatiis ako kasama ka." Sabi ko sa kanya kaya humarap sya sa akin at sumimangot sya tapos tumawa na lang ako.

Hindi pa din ako makapaniwala sa sinabi nya. One month na palang ganito ang buhay ko. Wow. Naalala ko pa yung first time na sinabi nya sa akin na 'let's go on a date', hindi naman kami nagdate. Parang nanood lang ako ng live action kasi nakipag make-out lang sya sa random girl sa pinuntahan namin. Sobrang gulat na gulat ako nun.

But now, nasanay na ako sa mga babaeng bigla na lang sumusulpot at makikipaglandian kay Eli habang naglalakad kami. One time nga okay na yung moment namin tapos biglang may dumating na babae at nagpakilalang girlfriend daw ni Eli. Grabe! My jaw dropped when she said that tapos nilayasan ko si Eli. Isang buong araw ko syang hindi pinansin kaya ang ginawa nya, nung sunod na lumabas kami, bawat nakakasalubong namin pinapakilala nya ako. Siguro mga 20 na tao yung sinabihan nya ng, "Girlfriend ko 'to at walang makakapagpahiwalay sa amin. Kahit sinong babae pa." Kaya ayun, naging okay na ulit. Sa loob ng isang buwan, I must say na tumino si Eli compared sa sinasabi ng mama nya na playboy na Eli. And I must admit, I'm starting to like him.


"Babe, iniisip mo nanaman ba ako?" Sabi nya tapos hinalikan nya ako sa pisngi.

"Sira. Hindi no. Assuming ka."

"Ina-assume ko lang naman na mahal mo ako eh. Masama ba yun?" Sumimangot nanaman sya.

"Baliw ka talaga. Teka lang. Dyan ka lang. Wag kang aalis dyan sa pwestong yan. Babalik ako." Sabi ko sakanya tapos inalis ko yung pagkaka-akbay nya sa akin at tumakbo papasok sa isang botique. May nakita kasi akong cute na dress.

"Miss may small ba nito?" I asked the sales lady. She smiled at me.

Taming Mr. Player (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon