PANGWAKAS

2.6K 120 6
                                    

-----

Hatinggabi. 

Lumabas si Eli sa tahanan nila bitbit ang isang maningas na gasera at isang may kakapalang libro. Tumalungko siya malapit sa puntod na naroon. Inilapag ang gasera sa tabi niya. Gamit ang libreng kamay ay pinagpag niya ang lupa sa kakinisan ng lapida bago pinakatitigan ang pangalang nakaukit: Agustin Timulog.

Tumikhim siya, binuklat ang dalang aklat at nanalangin. Inawit din niya ang mga ritwal na awitin. 

Makalipas ang mahigit dalawampung minuto ng pagdarasal ay dumakot siya ng lupa sa tagiliran ng puntod at isinubo. Nginuya niya ang lupa, tinunaw sa sariling laway at nakangiting nilunok. 

Ngayon ay mawawalan uli ng kapangyarihang makabalik ang alas-sais niyang bisita sa katawang tinitirahan niya.

Kasabay ng alulong ng aso ay kontento siyang nangiti. # 1205h / 10072015


Kwentong Hukay Book 2 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon