STORY 1.1 : ATAUL

5.1K 210 18
                                    

*****

Mahina ang pagkalantog ng kutsara sa pinggan. Hapunan. Magkakaharap sina Donnie, Mang Ramon at Manang Lulu sa hapag-kainan.

“Pang...” simula niya. “Ano po bang isinisigaw ko sa gabi?” Napipikit-pikit ang mata niya sa antok kahit pa kumakain.

Hindi agad sumagot ang ama bago -

“Naaalala mo na ba ang panaginip mo?”

“Hindi pa rin po.”

Patlang.

“Sumisigaw ka ng ‘Papatayin kita’. Tapos, nahuhulog ka sa papag.”

Natigilan siya sa pagsubo.

“Ano ba kasing napapanaginipan mo, Donnie?” si Manang Lulu iyon. Kunot ang noo nito. “Ilang ulit na akong natatakot sa mga pagsigaw mo. Hindi mo ba talaga maalala?”

Umiling siya. Nagkatinginan naman ang mga kadulog niya sa mesa.

“Pero bakit hindi ka natutulog nitong mga nakaraang gabi?” usisa uli ng matandang babae.

Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ng nagtatanong na mukha ang katiwala.

“Nahahalata ko. Kapag hindi ka sumisigaw sa gabi ay siguradong hindi ka natulog. Ang itim na ng mata mo.” dagdag pa nito. “Hindi mo ba talaga maalala kung anuman ang napapanaginipan mo?”

Umiling uli siya.

“Kung ganun, bakit nga hindi ka natutulog?” tanong ng Papang niya. Seryoso ang mukha nito.

Ang huling beses na nakita niya ang ganoon kaseryosong mukha ng ama ay nang mamatay ang Mamang niya. Nag-aaral siya noon - huling taon niya sa hayskul. Anim na taon na rin ang nakararaan.

“Parang may pumapasok kasi sa kuwarto ko sa gabi, Pang.” amin niya.

Nakatingin lang sa kanya ang ama. Pagkatapos, nagkatinginan ito at si Manang Lulu.

“Kami ni Manay iyon. Lagi kaming nagpupunta sa kwarto mo para silipin kung tulog ka.”

“Hindi po, Pang...” tumayo ang balahibo niya sa aaminin, “- pagkatapos n’yo po sumilip ni Manang, may iba pong pumapasok. Gabi-gabi, Pang.”

Patlang. Wala na ni isa man sa kanila ang sumusubo.

“May sinasabi po. Ang sabi -”

Nakarinig siya ng kaluskos. Napalingon siya sa likuran. Mali. Wala sa likuran. Nanggagaling ang kaluskos sa shop. Tunog iyon ng kuko na kumakalmot sa tela at sa matigas na kahoy. Sunod-sunod. Papalakas.

Kwentong Hukay Book 2 (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora