Kabanata 12: Tawagin mo akong Kuya

3.7K 231 7
                                    


Mabilis na lumipas ang araw ng pagsasanay ni Jem. Tulad ng inihanda niyang talaan, matapos niyang magpahinga ng anim na oras ay nagsasanay na siya sa paglanghap ng ispiritwal kung saan unti-unti nang lumiliit ang agwat ng ikaapat at ikalimang baitang ng Spirit Absorbing Stage, at sa paglubog ng araw ay nagsasanay naman siya upang matutunan at malagpasan ang ikaapat na hakbang ng Thousand Rhythmic Steps.

Ngayon ang ikaapat na gabi ng pagsasanay ni Jem at hanggang sa mga oras na ito ay hindi pa rin siya nagtatagumpay.

"Dragon's Claw!" sigaw niya kasabay ng pagwasiwas ng Dragon Marrow sa trosong nasa harap niya.

Kasabay ng pagsigaw niya noon ay pinalibutan ng ispiritwal na enerhiya ang espada na nagpabago sa talim nito at naging tila isang tunay na braso ng isang dragon. Ang talim ng mga kuko nito ang siyang umatake sa troso.

Slash!

Malinis na nahati ang troso sa pagtama ng kanyang atake. Pagkatapos noon ay muli ring bumalik sa dating itsura ang nasirang troso at ang Dragon Marrow.

"Ibang klase. Noong una kong gamitin ang Dragon's Claw sa lihim na silid ay tila aparisyon lang ang braso ng dragon. Subalit ngayong hawak ko itong Dragon Marrow ay nagmistula na itong totoo at sampung beses na mas malakas kaysa noon!"

Dahil hindi pa rin siya nagtatagumpay sa ikaapat na hakbang ng Thousand Rhythmic Steps, may oras na sinusubukan niya ang iba niyang abilidad, tulad ngayon.

"Nagawang mahati ang troso kahit na may nakabalot ditong ispiritwal na enerhiya na kayang salagin ang lakas ng isang manlilinang ng ikalimang baitang ng Spirit Absorbing Stage!"

"Ibig bang sabihin nito ay katumbas ng ikaanim na baitang ang lakas ng Dragon's Claw?"

Hindi siya makapaniwala sa natuklasan, ngunit agad rin niyang naisip ang dahilan kung bakit ganoon kalakas ang abilidad.

Itinaas niya ang Dragon Marrow at muli itong tinitigan, kahit na muli niyang daluyan ito ng ispiritwal na enerhiya ay hindi na muling gumising ang bilog na ispiritwal na enerhiya sa gitna nito.

"Hindi ko alam kung anong nangyari dito, inubos niya noon ang ispiritwal na enerhiya ko at naging katumbas na ng Absorber ang sandatang ito. Hindi kaya hinihintay niyang mas dumami ang enerhiya sa katawan ko bago siya gumising at higupin ulit lahat iyon?"

Umiiling-iling nalang siya at inialis na ang ideya sa kanyang isipan. Iniisip niyang mabuting bagay ang nangyayari ngayon dahil hindi ito nakasasagabal sa kanyang pagsasanay at napalalakas pa nito ang atake niya.

Itinabi niya ang Dragon Marrow pabalik sa Spatial Bag at muling hinarap ang troso sa kanyang harapan.
"Isa pa. Titignan ko ang dipirensya ng lakas ng Dragon's Claw kung hindi ko gagamiting kasangkapan ang Dragon Marrow."

Inayos niya ang kanyang tindig at muling naghanda upang gamitin ang abilidad.

"Dragon's Claw!"

Kasabay ng kanyang pagsigaw ng pangalan ng abilidad, ang ispiritwal na enerhiya sa kanyang katawan ay agad nagtungo sa kanyang kanang braso, lumabas mula doon at pumalibot sa kabuuan nito na nagpabago dito at naging tila ilusyon ng braso ng isang bughaw na dragon.

Slash!

Malakas na tunog ng pagtama ng kanyang abilidad ang kumawala ng tumama ito sa troso. Subalit hindi tulad noong gamit niya ang Dragon Marrow, hindi nahati ang troso ngunit nagdulot naman ito ng pagkasira na nag-iwan ng tatlong malalim na hiwa sa lugar kung saan ito tinamaan.

"Magkaiba talaga at tiyak na mas malakas kung gagamitin kong kasangkapan ang Dragon Marrow."

Matapos niyang mapagtanto ang kaibahan ay muli siyang sumalampak sa sahig ng silid-sanayan at nagsimulang magnilay.

Immortal AscensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon