Kabanata 34: Earth Dragonhawk vs. Blazing Liger

3.6K 209 99
                                    

Boom! Boom! Bang!

Patuloy pa rin ang paglalaban ng dalawa sa entablado, kahit na malayo ang pinag-uusapan ng mga guro ay hindi naman naalis sa kanilang mga mata ang nagaganap na laban.

Bawat suntok at sipa nila sa isa't isa ay nagpapakawala ng malakas na hangin na siyang ikinamangha lalo na ng mga mortal na manonood.

Sa oras ding ito dumating sila Jem at mga kasamahan niya. Maging sila ay napatigil dahil nasa ibang antas na nga ang laban na ito na kung kanilang ikukumpara ay nalalapit na sa laban ng mga 5th Level noong nakaraang Pagsasanay.

"Mukhang pagod ka na. Tapusin ko na ba ito?" may panunutyang sambit ni Mike. Mapapansin na makapal pa rin ang ispiritwal na enerhiya niya, samantalang hindi na halos makita ang sa dalaga. Sa ilang araw na paghahanda ay tinulungan siya ng kanyang kuya upang mapataas ang kanyang antas sa paglinang hanggang sa huling bahagi ng 4th Level. Ilang araw at tamang tyempo na lamang ay matutuntong na rin niya ang 5th Level Spirit Absorbing Stage.

"Haah. Hindi pa, hindi pwedeng matalo ako dito. Pagbabayarin pa kita dahil sa ginawa ng kuya mo sa kuya ko!" bigkas ng dalaga sa pagitan ng kanyang paghingal.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay muling kuminang ang noo'y tila pupundap pundap nang baluti ng ispiritwal na enerhiya.

Ang dating hugis ibon ay tila nagbago ng anyo. Sa mga sandaling iyon ay ibinubuhos na ng dalaga ang lahat ng kanyang natitirang enerhiya para sa huling atake kay Mike.

Hindi rin iyon nakalagpas sa mga paningin ng bawat gurong kasalukuyang nanonood. Napatigil sila sa kanilang pag-uusap at muling natuon ang buong atensyon nila sa entablado.

Isa sa kanila ay napangiti pa. "Malaki ang potensyal ng batang ito." sambit niya na sinang-ayunan din ng kanyang mga katabi.

"Tama ka Rodolfo, subalit..." Iiling-iling na sagot naman ng isa kasunod ng isang buntong hininga.

"Subukan mong salagin to Mike! Earth Dragonhawk's Wing Strike!" kasabay ng kanyang sigaw ay ang siyang paglundag niya sa ere. Ilang talampakan ang inabot noon na tila bang siya ay lumilipad.

Kung ihahambing sa naging paglipad ni Jem at Gabriel noon, mas mababa ito subalit kalakip ng atakeng ito ang lahat ng makakaya ng dalaga.

Ang dilaw niyang ispiritwal na enerhiya ay lumaki pa lalo at naghugis na isa mismong malaking lawin!

Nang marating nito ang hangganan ng kanyang paglipad ay kaagad naman itong bumaling sa direksyon ni Mike. Tila isang lawin na pabulusok pababa upang manghuli ng kanyang makakain, ganoon din ang imaheng ipinapakita ngayon ng dalaga. Ito ay imahe ng isang Low-Ranked Former Type Mythical Beast!

Ang mga mortal ay tila di makapaniwala sa kanilang pinapanood. Mayroong iba na halos magtakip na ng mata dahil sa nakakasilaw na sinag ng awra ng dalaga.

Hindi naman natinag si Mike sa kinatatayuan niya. Tumingala ito at may ngiti sa kanyang mga labi. Halos kasabay ng paglundag ng dalaga ay siya ring unti-unting nagbago ang presyon ng kanyang ispiritwal na enerhiya. Ang kapulahan niya ay lalong nagdilim. Kung kanina ay maaaninag lang ang anyo ng isang Blazing Liger, ngayon ay mas malinaw na ang tindig nito. Lalo na ang apat nitong mga paa.

Nagsimulang uminit ang paligid ni Mike na mapapansin dahil tagaktak na ang pawis ng mga manonood na malapit sa kanyang kinaroroonan.

"Huh? Ang kanyang Paraan,tila ang laki ng pinagbago nito noong nakatunggali ko siya noong Unang Pagsusulit." puna ni Jem na matamang pinapanood ang nagaganap sa entablado.

"Hmm, tama ka, iba yan sa nakita ko kay Mark noong nakaraang taon." sang-ayon naman ni Neil.

"Kung nagbago ang paraan ni Mike, malamang ay ganoon din ang kay Mark. Mag-iingat ka sa kanya Jem." sambit ni Marie na may bahid ng pag-aalala.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Immortal AscensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon