Kabanata 28: Balita mula sa Kapatagan

3.2K 206 8
                                    

Nang malugod na batiin ni Claude ang mga panauhin ay walang naging reaksyon mula sa kanila. Sa halip nanatili lang na tahimik ang matandang nagngangalang Dionisio na tila ba hindi niya nakikita ang nasa harap.

Dumampi sa labi ni Claude ang ngiti na hindi ngiti, tanda na hindi siya natutuwa sa ipinakikita ng kaharap. Itinaas niya ang kanyang kanang kamay, isang senyas upang umalis ang mga kasama niyang guro.

Nang wala ng iba sa paligid maliban sa kanya at sa mga panauhin mula sa Raging Clouds School, nag-iba ang kilos ni Claude mula sa mapagkumbaba napalitan ito ng kabangisan. Kung noong una ay nakatingala siya, ngayon ay siya na ang tinitingalaan ng kaharap. Ang blonde niyang buhok ay napalitan ng matingkad na pula, Ang mata niyang laging nakangiti, ngayon ay nanlilisik na kung saan ang mga disipilo ng matanda na tumingin doon ay nanginginig na sa takot.

"Oh hoh. Hindi ko akalain, na ang hamak na punong guro ng Outer Sect ng akademyang ito ay ikaw mismo, Claude o mas gusto mo ba ang titulo mong Blood-colored Saint?" sa gitna ng pagbabago ng kilos ni Claude, ang walang interes na matanda ay tila nabuhayan.

"Tsch! Tama na ang satsat Rainfall Saint. Ano ang dahilan ng pagbisita niyo rito?" ang malumanay niyang boses habang siya pa ang punong gurong si Claude ay ibang iba na sa ngayon.

Sa lupaing ito na puno ng hindi mabilang na manlilinang kung ang titulo ng isa ay may nakadikit na 'Saint', ang ibig sabihin lang noon ay narating na nila ang ikaapat na yugto ng paglinang, ang Spirit Fusing Stage.

"Hah. Hindi ka pa rin nagbabago. Ang ipinagtataka ko lang, ano ang ginagawa ng isang Saint na tulad mo dito sa mababang antas na paaralan na ito. At bilang punong guro pa ng Outer Sect nila! Kung gugustuhin mo ay maaari mong palitan pati ang nagtatag nito. May dahilan ba?" Kung kanina ay tahimik ang matanda, ngayon ay tila bata siya na nakakita ng panibagong laruan.

Hindi naman iyon pinansin ni Claude, sa halip ay tila nauubusan na siya ng pasensya sa kaharap.
"Tanda. Magsasalita ka ba o ano?! Kung hindi, maaari na kayong umalis!"

"Tsk. Hindi mo man lang ba aalukin na pumasok ang mga panauhin. Ganito ba ang Akademyang 'to?" Dahil sa walang balak sumagot si Claude, tumigil na rin sa pag-usisa ang matanda.

"Tsch. Sumunod kayo." inis na sambit nito kasunod ng pagtalikod niya sa mga bagong at nagsimulang lumakad patungo sa kanyang opisina.

--------

Matapos na mailapag ng tagasunod ni Claude ang tsaa sa harapan ng matanda ay magalang itong lumabas ng silid. Naiwan sa loob ang ngayo'y magkaharap na Claude, na ngayon ay bumalik na sa kanyang kalmadong anyo bilang punong guro ng Green Dragon Sect, at ang matanda na tinatawag na Dionisio, sa kanyang likuran ay nakahilera ang 6 na kabataang kanyang kasama. Hindi na kailangan pang usisain, napagtanto na ni Claude na ang anim na kabataan ay mga disipulo ng kanyang kaharap. Tinitigan niya isa-isa ang mga bata, sa titig na iyon ay kanya nang nasukat ang kakayahan ng anim.

'Ang pinakabata sa kanila. Maihahambing siya kay Jem at sa aking tingin ay mas mataas ng kaunti ang kanyang kakayahan.' Nasaisip ni Claude matapos ang kanyang obserbasyon.

Hindi naman nagtagal ay bumalik ang kanyang atensyon sa matanda. Matapos humigop ng tsaa ay kanya nang ibinuka ang bibig. "Ano ang nagdala sa isang Saint ng prestihiyosong Raging Clouds School sa aming hamak na Akademya?"

Humigop rin muna ng tsaa ang matanda bago sumagot,ang malakalansay nitong kamay ay hindi gaanong mahawakan ang tasa ng tsaa  "Simple lang, ang aking mga disipulo ay nangangailangan ng panibagong karanasan sa pakikipaglaban."

Tumaas ang kilay ni Claude kasabay ng muling pag-usisa sa anim na kabataan. "Sa dinami-rami ng paaralan sa paglinang sa ating bansa, bakit dito pa sa aming hamak na akademya?"

Immortal AscensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon