Kabanata 17: Ang Butas sa Pagsasanay

3.6K 227 7
                                    


Matapos tumakas ni Jem kay Marie ay wala na siyang iba pang nasalubong na ibang mag-aaral nang araw na iyon. Bukod sa unang engkwentro niya ng mga mythical beast ay nakaengkwentro pa ulit siya ng tatlo bago lumubog ang araw.

Dalawa doon ay nagawa niyang matalo at tanging pagtakas lang ang nagawa niya sa isa dahil sa kakulangan na niya ng ispiritwal na enerhiya. Sa kabuuan, tatlong Beast Core ang naipon niya sa araw na ito.

Bago tuluyang lumubog ang araw ay naghanap siya ng lugar kung saan walang malapit na mythical beast upang lutuin ang kanyang magiging hapunan.

Gamit ang mga tuyong dahon at mga nabaling sanga ng mga puno ay gumawa siya ng siga na kanyang gagamitin upang lutuin ang binti ng Huskless Boar na itinabi niya kanina.

Habang kasalukuyang niluluto iyon ay nagsimula na rin siyang lumanghap ng ispiritwal na enerhiya upang muling bumalik ang nagamit niya ngayong araw.

Kasabay din noon ang pag-alala niya sa mga nangyari sa araw na ito.

'Pumunta ako dahil sa sinabi ni Kuya Neil ngunit hindi ko akalaing masasama ako sa pagsasanay na ito. Paano kung may maghanap sa akin sa Akademya habang naririto ako?'
'Siguro naman napaghandaan ni Kuya ito. Siya na mismo ang nagsabi na hindi dapat malaman ng punong guro ang partisipasyon ko sa pagsasanay na ito.'

Kung alam lang niya na mangyayari ito ay baka nakapaghanda pa siya sa magaganap, ni wala siyang magiging tulugan. Mabuti nalang at may lamang iba't-ibang gamot ang Spatial Bag na ibinigay ng kanyang Tiyo kaya nagawa niyang lunasan ang mga galos at ilang sugat na kanyang natamo.

Makalipas ang sampung minuto, ang amoy ng kanyang iniihaw ay namahay na sa kanyang ilong. Dahil doon ay itinigil na niya ang paglanghap at pinayapa na ang kanyang kumakalam na sikmura.

Matapos niyang kumain ay agad niyang pinatay ang apoy Madilim na at nahahatak din ang mga mythical beast ng liwanag na nagmumula doon.

'Bukas, kailangan kong makahanap ng ilog. Wala akong dalang tubig na maiinom. Kaya lang ay bundok ito, mayroon kayang mapagkukunan ng tubig dito?'

Wala na siyang oras na maghanap kanina kaya nagkasya nalang muna siya sa paglunok ng laway.

Unang araw palang ito ng pagsasanay subalit ramdam na ni Jem ang hirap dito. Gayunpaman ay hindi siya nahuhulog sa depresyon. Sumang-ayon siya sa iminungkahi ng kanyang Kuya para makalikom siya ng sapat na karanasan. Inasahan na niya ang ganito noong ipinapaliwanag palang ni Neil ang tungkol sa pagsasanay. Kaya buo ang loob niya na malagpasan ang isang linggo dito sa Gubat ng Mababangis na Hayop.

---------

Lumipas ulit ang oras at tuluyan nang dumilim ang kapaligiran. Tanging liwanag nalang na nagmumula sa buwan at mga bituin sa kalangitan ang nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa dilim.

Sa ilang parte ng kagubatan ay tahimik na subalit may ilang lugar pa rin na maririnig ang pag-ungol ng mga mythical beast.

Si Jem ay matagal nang namamahinga sa sanga ng isang matangkad na puno. Pinili niya doon imbis na sa ibaba upang maiwasan kung sakali mang may mapadaang mythical beast sa kanyang kinalalagyan. Isa pa, kailangan niya din mag-ingat sa kapwa niya mag-aaral dahil sa sinabing mga patakaran at paalala ng tagapamahala ay mayroon doong malaking butas na kung mapapansin ng mga maiitim ang budhi na gustong makaangat sa ginaganap na pagsasanay ay hindi sila magdadalawang isip na gawin iyon.

Matapos niyang umiglip ng tatlong oras ay nagsimula siyang lumanghap ng ispiritwal na enerhiya upang mapaangat na ang kanyang antas. Kumpara sa kwarto niya, mas makapal ang ispiritwal na enerhiyang makikita sa buong gubat kaya naisip niyang huwag palagpasin ang pagkakataong mapagbuti niya pa ang kanyang paglinang.

Immortal AscensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon