CHAPTER1

45.5K 642 17
                                    


Love comes from the most un- expected places sabi nga sa isang kanta, pero hindi naniniwala dito si Trisha Lyra Galvez.

Ah hindi pala, dahil hindi talaga sya naniniwala sa pagmamahal.

Isa sa mga highest paid archetect ng Pilipinas si Lyra mula sya sa isang kilalang pamilya ng mga doctor at negosyante.

Isang kilalang heart surgeon ang kanyang ama at isa namang pediatrician ang kanyang ina.

Ang kuya Tristan nya naman ay isang neuro surgeon at ang Ate Trexie nya ay isang obegynie o di ba lahat ng kapamilya nya ay nasa linya ng medisina kaya nga nagpatayo ang parents nya ng isang napakalaking hospital na may sangay sa ibat-ibang bahagi ng bansa dahil lahat sila ay parepareho ang propesyon maliban sa kanya.

Bakit....dahil prodigal daughter sya, gustong gusto nyang sinusuway ang lahat ng kagustohan ng daddy nya.

Hindi naman talaga sya dating ganun, dati syang isang mabait na anak, masunurin at mapagmahal.

Pero biglang nagbago ang lahat mula noong mag college sya, inienrol sya ng daddy nya sa isang prestigeos school of medicine para maging isang magaling na heart surgeon tulad niya.

Noong una ay tuwang tuwa sya dahil idol nya ang kanyang ama.

Its in her second year in college ng makilala nya ang isang lalaki kung saan unang tumibok ang kanyang puso si Nathan, magka schoolmate sila ni nathan 4rth year na ito.

Noong una pa lang ay panay na ang papansin nito sa kanya, gwapo ito mabait, gentleman, matalino, in short campus heartrob.

Hindi nito itinago ang pagkakagusto sa kanya lantaran itong nanligaw sa kanya at halos mamatay sa ingit ang lahat ng babae noon sa campus dahil doon.

FLASHBACK.

Katatapos lang ng last subject nya ng araw na yun, nagsilabasan na ang lahat ng mga kaklase nya, maliban sa kanila ng bestfriend nya na si Jasmine.

" Ang tagal naman ng sundo mo." reklamo ni Jasmine.

" kanina pa dumating si manong William nasa parking lot na sya." sabi ni Trisha na ang tinutukoy ay ay personal driver at butler nya.

"Hello hindi po sya ang tinutukoy ko kundi yung masugid mong manliligaw na makalaglag panty ang kagwapohan."

" hindi ko yun sundo no."

" weh...kung hindi eh bakit nandito pa rin tayo at hinihintay sya."

" hindi natin sya hinihintay tinatapos ko lang tong assignment natin."

" sinungaling...eh pwede mo namang gawin yan sa bahay, ang sabihin mo hinihintay mo lang talaga sya."

" heh...tigilan mo nga ako dyan jas. "

Pakiramdam ni trish ay naginit ang mukha nya dahil nabuking sya ng kaibigan, dahil totoong hinihintay nya naman talagang sunduin sya ni nathan, kinasanayan nya na kasi ang araw araw na pagsundo nito sa kanya sa classroom nya at paghatid nito hanggang sa parking lot, ngayon lang nahuli ito ng dating dati rati bago pa man lumabas ang prof nya ay naghihintay na ito sa labas.

" see...tama ako no.?"

" oo na..matigil ka lang."

Bigla nang natili sa kilig si Jashmine.

" ayehhh....inlove na rin kay Nathan ang bestftiend ko....ibig sabihin sasagutin mo na sya."

" Sa tingin mo pwede na ba..?"

" depende yun kung handa ka na bang sumuway sa golden rule ng daddy mo."

Biglang napaisip si Trish sa sinabing iyon ni Jashmin, ng biglang magkagulo sa labas ng classroom nila.

UNEXPECTED FIANCEWhere stories live. Discover now