CHAPTER 7

16K 499 11
                                    

After an hour ay nasa loob na ng operating room ang mommy nya, nasa labas naman sila ng daddy at mga kapatid nya naghihintay.

" okey ka lang.?" tanong sa kanya ng ate trixie nya.

" oo ate."

" mukhang hindi ka okey trish, namumutla ka."

" nagaalala lang ako para kay mommy."

" wag kang magalala magiging okey sya malaki ang tiwala ko kay doctor dexen." sabi ng daddy nya na nakaupo sa tabi nya.

" pano nga pala kayo nagkakilala noon.?" tanong sa kanya ng kuya nya.

" i meet him at the bus station kasama ko sya sa pila sa bilihan ng ticket."

" what... wow... akala ko matagal na kayong may relasyon." hindi makapaniwalang

sabi ng ate trixie nya, nakita kasi sila nito na naghalikan kanina.

" wala kaming relasyon ate."

Hindi nakakibo ang ate nya parang gulat na gulat ito sa sinabi nya.

" i dont even know his name, ni hindi ko nga alam na surgeon pala sya, "

" hes name is Dexen Veracruz kapatid sya ni nathan actually twin brother." sabi ng daddy nya.

Tiningnan ni trish ang ama hindi kasi sya makapaniwala na kilalang kilala nito ang lalaki.

" Graduate sya sa isang prestigous medical school sa states, with honors, na meet ko sya sa isang convention sa states kung saan ako naging speaker, nagtatrabaho sya sa isa sa pinakamalaking hospital sa new york, hes one of the most promising surgeon that i meet in that convention, so i invited him to be a part of GMC, he works in GMC for a year pero nagresign sya, and he recomends Nathan, at first hesitant akong tanggapin sya pero naisip kita, gusto kong bumawi sayo at kay nathan, i' m not saying na mali ang ginawa ko noon, paninindigan ko pa rin na tama yung ginawa ko, dahil alam kong yun ang tama, anak kita trisha, kilalang kilala kita alam kong kapag nagmahal ka ibibigay mo ang lahat para sa minamahal mo, lahat lahat na halos wala ka ng ititira para sa sarili mo to the extent na kalilimutan mo ang tama at mali."

" at papano kayo nakakasigurong ganun nga ako dad, ganun na ba kayo kagaling na hindi lang sakit ang kaya nyong idiagnose kundi pati paguugali ng tao"

"pagdating sa mga mahal ko siguro oo....naaalala mo ba, pinagbigyan ko kayo noon ni nathan, ilang linggo akong hindi nakialam sa inyo, kahit winarningan na kita noon hindi pa rin ako kumilos dahil binibigyan ko kayo ng pagkakataon, but you failed me trish, correct me if i am wrong, mula noong naging kayo ni nathan madalas kang lumiliban sa ilan sa mga subject mo para lang manood ng basket ball game nya, ilang beses kang nagsinungaling sa amin para lang makapunta sa mga gig ng banda nya ilang beses mong pinagtaguan ang driver mo para lang makipagkita kay nathan at ilang beses mong ginamit ang group study para lang magkasama kayo..." banayad at puno ng damdamin ang tinig ng kanyang ama. Halos hindi naman maiangat ni trish ang ulo dahil lahat ng sinabi ng daddy nya.

" noong nakita kong hindi mo na kayang kontrolin ang sarili mo, nakialam na ko, pinilit kong ilayo sayo si nathan at hindi ko pinagsisihan yun kahit alam kong nagalit ka sa akin dahil doon.... kung meron man akong pinagsisihan yun ay ang hindi kita kinausap ng masinsinan, hindi ko ipinaliwanag sayo ang ginawa ko, masyado kasing mataas ang expectation ko sayo dahil alam kong matalino ka akala ko kaya mong intindihin ang laHat."

Untiunting tumulo ang mga luha ni adel, biglang lumambot ang puso nya, nakaramdam sya ng hiya sa ama.

" ngayon ibinabalik ko na sayo si nathan, pero mukhang huli na ang lahat."

UNEXPECTED FIANCEWhere stories live. Discover now