CHAPTER 12

15.4K 466 2
                                    

Inubos nila ang natitirang araw nila na magkasama bago bumalik sa states si dex... bumuo sila ng mga masasayang alala para daw siguradong maalala nila lagi ang isat isa, halos hindi sila mapaghiwalay sa airport hanggang sa huling yakap na lang talaga dahil kailangan ng pumasok sa loob ni dex.

" madalas àkong tatawag, at mag online ka lagi para makapaguasap tayo sa skype." sabi ni dex.

" okey..." sabi nya.

" always think of me.... bye.."

" babye....ingat..." sabi nya.

" ikaw rin" at muli syang hinalikan ni dex. at naglakad na ito papasok sa loob, pero ng ilang hakbang na lang bago ito makapasok sa loob ay tinawag nya ito.

" dex....!!""

Lumingon ito.

" i love you." hindi malakas ang pagkaasabi nya noon pero alam nyang naintindihan sya nito, nakita nyang natigilan ito, nakita nya ring bumukas ang bibig nito pero hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil natakpan na ito ng ibang pasahero na namadali ng makapasok sa loob.

ng sumunod na araw ay sya naman ang lumipad pabalik ng probinsya, marami syang trabahong naiwan kaya kailangan nya na ring bumalik sa trabaho.

Naikwento nya kay jasmin ang besfriend nya ang tungkol sa nangyari sa kanya sa paguwi nya sa maynila, halos mamatay ito sa kilig, ito kasi ang may idiya ng onenight stand nila ni dex.

Ang mga sumunod na araw ay naging napakabala para kay trish, pero hindi nya nakakaligtaan na magbasa ng txt, mabukas ng e-mail, at mag open ng facebook, baka sakaling may message mula kay dex, pero wala kahit isa, pati tawag or skype ay wala miss na miss nya na ito, inisip nya na lang na baka tulad nya ay busy rin ito ang isang linggo ay naging dalawa, tatlo, hanggang naging isang buwan tapos dalawang linggo na lang ay kasal na nila pero hindi pa rin ito nagpaparamdam, ang mommy at mga kapatid lang nito ang nakakauasap nya para sa paghahanda sa kasal, tapos na rin ang weeding gown nya, hindi na mapigilan ni trish na kabahan.

Nagbakasyon na sya sa trabaho at lumuwas na ng maynila, sampung araw bago ang kasal, para tumulong sa paghahanda, wala naman syang napapansing kakaiba sa mga magulang at kapatid ni dex, maliban sa masyadong excited ang mga ito sa kasalan at ni wala man lang nababangit ang mga ito tungkol kay dex. Five days before the wedding, final fitting ng kanyang bridal gown kasama nya ang mommy nya at mommy ni dex, pakiramdam nya ay gusto nya ng umurong sa kasal, nagaalala na kasi sya na baka walang dexen na dumating, pero nangako sya rito na kahit na anong mangyari ay hindi sya uurong, pero tila ito yata ang nagbago na ng isip, kung kelan siguradong sigurado na sya sa sarili nya na mahal nya na ito, at kung kelan handanghanda na syang sumugal para sa pagmamahal nito.

" hey trish may problema ba.?" tanong ng mommy ni dex.

" mom.... tumawag na po ba sa inyo si dex.?" hindi nya na napigilang magtanong dito.

" hindi pa, mula noong umalis sya papunta ng states, bakit mo naitanong iha.?"

"ha... ah...wala naman po naitanong ko lang,..." hindi nya kayang ipaalam dito na m

ay problema dahil kitang kita nya kung gaano ka excited ang mga ito para sa kasal nila ni dex.

"Halika na, isukat mo na yung gown mo."

Dumating ang araw ng kasal, wala pa ring dexen na nagpapakita, hindi na alam ni trish kung ano ang mararamdaman, hindi na sya nakatulog kagabi kaya pakiramdam nya ay lutang sya, para na lang syang isang robot na sunudsunuran sa sinasabi ng mga tao sa paligid nya, ang ate trixie nya na at si cassie ang nagtulong magbihis sa kanya, hindi na sya nagsasalita, ni wala na ring emosyong makikita sa kanyang mukha. Ng minimakeupan na sya ang naging problema dahil nagsimula na syang maiyak, kaya hindi magawagawa ng mga makeup artist ang trabaho nila.

UNEXPECTED FIANCEWhere stories live. Discover now