CHAPTER 5

16.4K 476 6
                                    

Pagdating sa hospital ay hinarang si Trish ng gwardiya para pasulatin sya sa logbook hindi pa kasi visiting hour noon.

" maam pakisulat na lang po ng pangalan nyo tapos patient name and relation." sabi ng gwardiya

" please do it for me. Trisha Lyra Galvez, patient name Maria Theresa Galvez relationship daughter. thank you " at derederetso na itong pumasok, naiwan ang gwardiyya na nakatulala.


Dumeretso si trisha sa ICU kung saan naroroon ang mommy nya, inabotan nya roon ang kuya tristan nya, agad silang nagyakap nito.

" nasaan si mommy gusto ko syang makita"

" nasa loob sya. hinihintay ka nya kanina pa."

Pagpasok nya sa loob ay nakita nya ang mommy nya may mga nakakabit ditong aparatus pero gising naman ito, nakaupo sa upuan sa tabi ng kama nito ang kanyang ama, agad nyang niyakap ang kanyang mommy.

" mommy.." hindi mapigilang mapaluha ni trish ng mayakap ang ina.

" hey my baby...ang tagal nating di nagkita." mahinang sabi ng kanyang ina.

" i ' m sorry mom ."

" hush....ayaw kong makarinig ng sorry, how are you baby.?"

" okey lang ako mom ..ikaw tong mukhang di okey."

" sshh enough of that, isa bawal sayo ang magsalita ng magsalita kaya saka na yang kumustahan na yan." saway ng daddy nya.

" tama si daddy mom....bye the way dad nasaan ang surgeon na sinasabi mo, gusto ko syang makita ng maoperahan na si mommy." sabi nya na hindi man lang tiningnan ang ama.

" hes in his office right now...magpasama ka na lang sa kuya tristan mo."

Lumabas ng ICU si trisha at nakita nya ang kuya tristan nya masinsinang naguusap at ang ate trixie nya.

" ate"

" Lyra your here.." at mahigpit na nagyakap ang magkapatid.

" kuya, samahan mo raw ako sa upesina ng surgeon sabi ni daddy."

Nagkatinginan ang dalawa nyang nakatatandang kapatid.

" trish are you sure you wanna do this.?" tanong ng kuya nya.

" As if i have a choice."

" lyra..."

" comeon kuya....para namang hindi mo alam yung daddy's law...marami ko ng beses syang sinuway...and he always find a way para parusahan ako at isa ito sa mga parusa ko, ayaw ko na ulit sumuway kasi baka sya na mismo ang maghatid sa akin sa impyerno."

" trish...hindi ganun kasama si dad." si trixie.

" siguro sa inyo kasi mabubuti kayong anak, pero ako, masama akong anak...lets go kuya para matapos na to."

Sinamahan nga sya ni tristan sa upesina ng doctor pero hindi na ito pumasok sa loob, hindi na sya nagabala pang tingnan ang pangalan ng doctor na nakasabit sa labas ng pinto, hindi na rin sya nagabala pang kumatok, basta dumiretso lang sya sa loob, pagpasok nya ay nakita nya ang doctor na nakatalikod may kausap ito sa celfone.

" basta magtanong ka na lang dyan sa gwardiya kung saan ang upesina ko at ituturo ka nila, nandito lang ako hihintayin kita." at iniend na ito ang tawag.

" excuse me." sabi ni trish.

Natigilan ang doctor pagkarinig sa boses nya pero hindi ito lumingon.

UNEXPECTED FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon