CHAPTER 8

15.7K 492 2
                                    

TRISHA POV


Nagising na ang mommy nya bagamat hindi pa ito pweding magsalita ng husto ay mababakas sa mukha nito ang kaligayahan, lalo na ng mapansin nitong okey na sila ng daddy nya.

Ng muling makatulog ang mommy nya ay lumabas muna sya para hanapin si dex, gusto nyang magpasalamat dito, pero hindi nya ito makita, kaya naisip nyang pumunta sa upesina ni nathan, kumatok muna sya bago binuksan ang pinto, si nathan ang nakita nyang nakaupo nakasabunot ang dalawang kamay nito sa sariling buhok habang nakapatong ang siko sa mesa."

" excuse me..." Biglang umangat ito ng tingin pagkarinig sa boses nya.

" trish..." halatang nagulat ito pagkakita sa kanya.

" hinahanap ko si dex, pero mukhang wala sya rito, sige pasensya na naistorbo kita."

" trish...wait .. magusap tayo please." mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo. Hindi naman itinuloy ni trish ang pagsara ng pinto, pumasok sya ng tuluyan at tsaka isinara iyon.

lumapit sa kanya ang lalaki at

mahigpit siyang nitong niyakap, hinayaan nya lang ito, may hinahanap sya sa yakap ni nathan, yung init na nararamdaman nya sa tuwing niyayakap sya ni dex ay hindi nya madama kay nathan, wala na rin yung dating pakiramdam na tila nakalutang sya sa tuwing niyayakap sya nito, parang napaka ordinaryo na lang sa kanya ng yakap nito, wala na syang maramdamang kakaiba,

hanggang sa humuwalay ito sa kanya.

" trish... alam ko ang laki ng kasalanan ko sayo, naduwag ako, bigla na lang akong nawala, ni hindi kita nagawang ipaglaban, peto gusto kong malaman mo na naging miserable rin ako mula ng magkahiwAlay tayo, kaya isinumpa ko sa sarili ko na babalikan kita, kapag may maipagmamalaki na ako sa daddy mo. at ito na nga ang pagkakataong yun. trish magsimula tayong muli."

" sorry nathan pero huli ka na, siguro kung 3 days ago ka pa nagpakita sa akin, baka pwede pa, pero ngayon imposible na, kaya tapusin na natin to dito."

" dahil ba kay dex,?" nagiba ang tono ni nathan. idiniin nito ang dalawang kamay sa mesa.

" its not about him." napayuko si trish, sa ibabaw ng mesa ni nathan sya tumungin at doon ay nakita nya ang panyo ni dex nakita nya pa ang bahid ng kanyang dugo roon, bigla nyang dinampot ang panyo, bigla namang hinawakan ni .nathan ang kanyang kamay,

" wag kang maniniwala kay dexen, kakambal ko sya kaya kilalang kilala ko sya, paglalaruan ka lang nya tulad ng ginagawa nya sa mga naging babae nya, trish kahit kaylan ay hindi sya nagseryoso sa isang relasyon at gusto lang nya tayong sirain para balikan ko ang kaibigan nya." Biglang may naalala si trish, yung kwento ni dex tungkol sa kapatid nito ikakasal sa kaibigan nya dahil buntis na ang kaibigan nya.

" kaibigan nya... yung nabuntis mo.?" tanong ni trish.

Biglang naging uneasy si nathan.

" no... i mean... yes pero may usapan na kami ni leny... alam nyang ikaw ang mahal ko at sayo ako magpapakasal at hindi sa kanya... trish bago pa naging kami alam nya ng hindi sya ang mahal ko kundi ikaw."

Hindi makapaniwala si trish sa narinig mula kay nathan .

" wow... kailangan ko pala talagang magpasalamat kay dex, dahil hindi nya ako hinayaang makasal sa isang walang kwentang taong katulad mo." at tinalikuran nya na si nathan direderetso syang lumabas ng upesina nito, naglakad sya hanggang sa labas ng hospital, agad syang sinalubong ni mang julio ang dati nyang driver.

UNEXPECTED FIANCEМесто, где живут истории. Откройте их для себя