CHAPTER 11

16.3K 458 3
                                    

Ilang minuto ring walang nagsalita sa kanila pareho yata silang napagod sa pagtatalo nila.

" shit namang traffic to oo... saan ba kasi tayo pupunta at dito pa tayo dumaan?."

" chill... wag kang ma stress baka pumangit ka, i need you to be beautiful."

Muli na namang nagring ang celfone ni dex, nagkatinginan sila, biglang nanlisik ang mga mata ni trish, natawa na naman si dex.

" ikaw na sumagot. " sabi nito.

" ayaw ko, " matigas na sabi ni trish.

" kapag ako ang sumagot nyan, kukulitin niya ako na makipagkita sa kanya... dadaanin ako nyan sa pagmamakaawa... eh maawain pa naman ako pagdating sa mga babae, alam mo na."

" eh di makipagkita ka... paki alam ko."

" sigurado ka."

Hindi kumibo si trish, at para namang nanadya na naimagine pa talaga nya si dex na may nilalanding ibang babae.

Dadamputin na sana ni dex ang celfone pero inunahan nya ito.

" akona, nagdadrive ka baka mabangga tayo." palusot #1.

" sabi ko nga nagdadrive ako..." natatawang sabi ni dex.

" talagang hindi ka titigil ha....

kung kinakati ka maghanap ka ng iba wag ang fiance ko, kung ayaw mong iparape kita sa mga addict na kakilala ko." deretsong sabi ni trish...

" hello....calm down iha calm down..." sabi ng mahinahong tinig mula sa kAbilang linya.

" its looks like my sons women are pestering you."

Biglang tiningnan ni trish ang caller id, mommy love ang nakapangalan. Naitakip bigla ni trish ang kamay sa bibig nya, bigla nyang iniaabot kay dex ang telepono.

" mommy mo." pabulong na sabi nya.

" kausapin mo." sabi ni dex.

" ha... bakit ako"

" di ba nga nagdadrive ako sabi mo, baka mabangga tayo."

Pinandilatan ni trish si dex at iniloud speaker ang cp.

" hello iha... are you still there."

" ah... yes po.... sorry po akala ko kasi." tiningnan nya ng masama ang tatawatawang si dex.

" i know... kahit nga ako sumasakit rin ang ulo samga babaing yan ng anak ko, pero mukhang nakakita na ng katapat ang anak ko.... ngayon pa lang gusto na kita, mukhang magkakasundo tayo, i really cant wait to meet you... nasaan na ba kasi kayo, kanina pa namin kayo hinihintay.?"

napatingin na naman si trish kay dex.

" mom.... natraffic lang kami, well be there in more or less 15 minutes." sabi ni dex.

" ah okey, sya ipahahanda ko na ang mesa.... bye muna iha..."

" bye po." sabi ni trish.

Ng maibaba ang phone ay hinarap nya si dex.

" ibig mong sabihin pupunta tayo sa bahay nyo ngayon to meet your parents.?"

" yes..." sabi ni dex.

Biglang naihilamos ni trish ang kamay sa mukha.

" alam mo hindi ka na talaga nakakatuwa,... ibalik mo ang sasakyan ngayon din."

UNEXPECTED FIANCEWhere stories live. Discover now