CHAPTER 6

17.1K 515 3
                                    

Sa dinami dami ng babae sa terminal ng gabing iyon ay iisang babae lang ang nakatawag sa pansin niya, ang babaing nasusundan sya sa pila, kakaiba kasi ang ganda nito pero napansin nyang parang problemado ito, hindi nya alam kung dahil sa haba ng pila o may iba pang dahilan pinipilit nyang hulihin ang mga mata nito pero mailap iyon ng hindi na sya makatiis ay nilapitan nya na ito at kinausap pero tiningnan lang sya nito, at hindi man lang nagsalita, nasaktan ang ego nya doon, hindi sya sanay na hindi pinapansin ng mga babae, sanay syang mga babae ang nagpapapansin sa kanya, tulad ng mga babae sa likuran nya, kaya ang mga ito na lang ang pinagtuunan niya ng pansin. 

Nagkakatuwaan sila ng mga babae ng mahuli nyang nakatingin ito sa kanya, kinawayan nya ito pero tinaasan lang sya nito ng kilay at yun ang clue na hinihintay nya, ibig sabihin nakuha nya na ang atensiyon nito, kaya muli nya itong nilapitan, at doon na nga nagsimula ang closness nila, ang akala nya ang salitang MU ay para lang sa mga kabataan, hindi pala dahil yun ang namagitan sa kanila, mutual understanding, ni hindi nila itinanong ang pangalan ng isat isa basta nagkaunawaan na lang sila.

Hanggang sa bumababa sila ng bus hawak nya pa rin ang kamay nito ayaw nya yung bitiwan, natatakot kasi sya na baka pagbinitiwan nya yun ay tuluyan na itong mawala sa kanya at lalo syang natakot dahil alam nyang buo na ang isip nito magpakasal sa isang hindi nya nakikilalang lalaki, kaya ng yayain nya itong magtanan ay seryoso sya doon kaya ang plano nya ay sasama sya rito kahit saan ito magpunta pero sya ang nagulat ng yayain sya nitong maghotel at mag onenight stand.

Napatigil si dex sa pagaalala sa nakaraang 36 hours ng kanyang buhay kasama si lyra ng marating nya ang ICU alam nyang naroroon ang mommy nito, may nakita syang isang babae at isang lalaki sa labas ng ICU, may pagkakahawig ang mga ito kay lyra kaya hinulaan nyang mga kapatid niya iyon, lumapit sya sa mga ito.

" excuse me...si Lyra.?"

Tiningnan sya ng mga ito.

" i' m Dex...kaibigan ako ni Lyra...pwede ko ba syang makausap.?"

" wala sya dito nasa upesina sya ni doctor Veracruz." sabi nong lalaki.

" look something happen between her and my brother nagtalo sila nag walkout si Lyra, hindi ba sya pumunta rito.?"

" your brother.?" tanong ng babae.

" yes kapatid ko c Nathan Veracruz i' m Dexen Veracruz, alam nyo ba kung saan ko sya pweding makita importante lang na magkausap kami."

" i think alam ko na kung nasaan sya " sabi ng babae.

" saan.?" tanong nya.

" sa rooftop...pero mahigpit ang security doon hindi ka nila basta basta papasukin...sasamahan na kita."


TRiShA POV


Rooftop...ang pinakapaborito nyang lugar sa hospital, may sarili syang silid doon, pinagawa yun ng lolo nya para lamang sa kanya, dito sya madalas kapag may problema sya o kaya kapag nagtatalo sila ng daddy nya.

Pagkapasok na pagkapasok nya sa loob ng silid ay nagsisigaw sya ng nagsisigaw ganun kasi ang ginagawa nya kapag masamang masama ang loob nya, pakiramdam nya ay pinaglalaruan sya ng kapalaran, kung kelan nakalimutan nya na si nathan saka naman ito biglang nagbalik at kung kelan magulo ang buhay nya saka naman dumating si dex... si Dex bakit ba hindi mawala sa isip nya si Dex bakit lagi nya na lang itong nakikita sa kanyang balintataw, hes suppose to be a onenight stand na agad nyang iwawaglit sa kanyang isipan, ginamit nya lang ito para sirain ang sarili ng sa ganun ay hindi maging lubos ang kaligayahan ng lalaking gusto syang maangkin ng labag sa kanyang kalooban.

UNEXPECTED FIANCEWhere stories live. Discover now