CHAPTER 15

32.1K 747 66
                                    

Muli syang nakatulog, tanghali na ng magising sya pero hindi pa rin sya bumangon, natulog sya uli magaala una ng ng gisisingin sya ni dex.

" sweetheart ... bumangon ka na naman dyan oh... please.... kumain ka na..." sabi ni dex na panay ang haplos sa braso nya, pero hindi pa rin sya kumikilos, bukod kasi sa masama ang loob nya masama rin ang pakiramdam nya.

" lyra..... wag mo namang gawin sa akin to oh, your killing me... sorry talaga babes.... patawarin mo na ako."

muli syang nagtalukbong ng kumot.

"sweetheart naman.... kailangan kong pumunta sa hospital may mga pasyente ako roon....... pero hindi kita pweding iwan ng ganito."

hindi pa rin sya kumilos, narinig nya ang pagbuntong hininga nito, tapos tumayo ito, mayamaya ay narinig nyang may kausap ito sa celfone.

" hello.... nurse kumusta yung patient ko sa 349 si mr ramos.?...

.... i continues nyo lang yung medication na ibinigay ko sa kanya.... if ever nakaramdam uli sya ng paninikip ng dibdib, call me immediately,... then yung patient ko na nakaschedule for operation, paki sabi iresched na lang, ako na lang magbabayad ng hospital bill nila for the day na maeextend sila because of the delay..... okey... thank you. bye."

Nakonsensya tuloy siya ikinancel ni dex ang mga appointment nito dahil lang sa pagtatampo nya, kaya kahit masama ang pakiramdam nya ay pinilit nyang bumangon, pero hindi nya pa rin ito pinansin, pumasok sya sa banyo, pagpasok nya ay nakita nya sa tabi ngblababo ang pompon ng bulaklak at isang box ng pregnancy test kit na may nakadikit na notes,

< i'm very very sorry sweet heart, i know i'm being insensitive, forgive me please. I Love you very much>

napaluha na naman sya pagkabasa sa notes.

Matagal nyang pinagmasdan ang notes at ang kit.... nagdadalawang isip na kasi syang gamitin yun, narealize nya kasi, tama naman si dex, in Gods Will and in Gods time.

Mahigit kalahating oras na sya sa loob ng banyo halos maubos nya na ang isang box ng pregnancy test kit, halos wala na ring inilalabas na ihi ang pantog nya pero walang pagbabago sa result, napakalinaw na two lines ang nakikita nya, nagmamadali syang lumabas ng banyo, hinanap nya si dexen, pero hindi nya ito makita nag intercom sya sa guard sa gate ng bahay nila.

" kuya guard si dex po lumabas ba.?"

" opo maam, may emergency daw po sa hospital. bilin nya po tawagan ko raw po sya kung aalis kayo."

" wag na kuya... ako na lang po ang tatawag sa kanya."

" okey po maam, ipaoahanda ko po ba sasakyan nyo.?"

" yes po please...thank you."

at nagmamadali na syang nagbihis, una nyang pinuntahan ay ang ate trixie nya sa clinic nito, pagdating doon ay marami itong pasyente, pagkakita sa kanya ng sekretary nito ay pinapasok na sya nito sa loob, may kausap pang pasyente ang ate nya isang babaing buntis at ang asawa nito.

" hi..." bati nya rito.

" hi.... whats bring you here.?" tanong nito sa kanya habang may isinusulat sa records.

" two lines...." ninerbyos pa sya ng sabihin yun.

" another false alarm, mabuti pa maupo ka muna dyan, tatapusin ko lang to. asan nga pala asawa mo tumawag sya sa akn kanina, sabi nya may paguusapan daw kami."

" may emergency daw s hospital."

" ah okey." sabi ng ate nya at muli nitong kinausap ang pasyente nito, ilang minuto pa ay lumabas na rin ang mga ito, agad nyang ipinatong sa mesa ng ate nya ang isang supot ng pregnancy test kit na ginamit nya.

UNEXPECTED FIANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon