CHAPTER 10

16.8K 527 7
                                    

kinaumagahan ay nagising si trish ng magiikawalo na ng umaga, wala na si dex sa tabi nya, pagbangon nya ay nakita nyang may nakadikit na note sa salamin.

< balik lang ako sa hotel para mag checkout, then uwi sa condo ko to change, be back before lunch sabay tayo lunch. dex>

Tapos may naka drawing na puso sa ibaba ng pangalan nito.

hindi alam ni trish kung bakit pero kinilig sya ng makita ang puso sa ibaba ng pangalan ni dex.

Matapos maligo at makapag ayos ng sarili ay bumaba na si trish sa silid ng mommy nya, naandon na ang ate trixie nya at ang daddy nya na hindi yata umaalis sa tabi ng mommy nya, gising na rin ang mommy nya na abot tainga ang ngiti na parang hindi man lang inoperahan sa puso.

" Hey baby mukhang planong gawing flowershop ng fiancee mo itong silid ko." sabi ng mommy nya.

" Fiancee..?" tanong ni trish.

" yes... doc dex... personal nya pang idenilever yan dito." ang ate trixie nya.

" si dex... "

" kinausap nya ako kagabi, personal nyang hiningi ang blessings ko. At nagpaalam na rin sya sa amin ng mommy mo na mamanhikan sila ng parents nya nextweek pagkalabas dito ng mommy mo." sabi ng daddy nya.

"ahh..." sabi nya na lang.

" alam mo anak mas gusto ko sya kaysa kay nathan, kahit na hindi gaanong maganda ang records nya pagdating sa babae."

sabi ng daddy nya.

" gusto mo sya kasi pareho lang kayo noong kapanahunan mo." sabi ng mommy.

" pero tumino ako dahil sayo."

" eh yang si dexen mapapatino rin kaya yan ng anak mo."

" mommy ang tanong dyan ay kung mapapatino nya ba ang prodigal daughter nyo." si trixie.

" ate matino ako, okey."

" psst...magaaway na naman kayo." saway ng daddy nya sa kanila.

Biglang nagkatawanan ang magkapatid, para lang kasi uli silang bata na madalas magaway at ang daddy pa rin nila ang taga awat nila.

Bago mag alas dose ay dumating si dex, ipinagpaalam sya nito sa daddy nya.

" sigi na anak ako ng bahala rito."

" okey po... dex fres'n up lang ako."

" sure.... hintayin na lang kita sa murse station may ibibilin lang ako tungkol sa medication ng mommy mo... ah...ni tita pala."

" mas gusto ko ang mommy." sabi ng mommy nya.

Ngumiti si dex at tiningnan sya.

" okey po mommy.."

At lumabas na ito ng silid.

Ilang minuto rin bago nakasunod kay dex si trish, pagdating nya sa nurse station ay nakita nyang napapaligiran ito ng mga nurses na malalandi, automatikong tumaas ang kilay niya, biglang ring naginit ang kanyang ulo, lalo na ng makita nyang tila tuwang tuwa naman ito sa atensiyong ibinibigay ng mga babae sa kanya.

Nakalapit sya sa mga ito ng hindi namamalayan.

" Excuse me..." sabi nya, pero walang nakapansin sa kanya.

Bigla nyang hinampas ng ubod lakas ang mesa...

" i said excuse me..."

Nagulat ang lahat ng mga nurse pati si dex sa ginawa nya, nagmamadaling tumayo si dex pagkakita sa kanya.

UNEXPECTED FIANCEWhere stories live. Discover now