beng

3.7K 166 77
                                    

General POV

Isang linggo na ang nakalipas nang magsimula na magtaping sina Vice at Karylle. Rest day nila ngayon at napagdesisyunan ng magkasintahan na magcoffee shop hunting. Dahil mahilig si Karylle sa kape.

"Uy karylle baka di ka makatulog nyan for three days straight ah? Nakakailang kape ka na, tapos tatlong iba't ibang cafe na napuntahan natin. Di ka nauumay sa mga kapeng iniinom mo?" tanong ni Vice.

"Uy grabe ka, wala namang epekto sakin tong mga kape. Ang sarap kaya lalo na tong Caramel Cappucino. Kung pwede lang na iuwi ko to sa pinas eh." tugon ni Karylle

"Hala ka, meron namang ganyan sa starbucks. Kapeng vendo nga may ganyan eh." sambit ni Vice.

"Pero mas masarap to eh." suhestisyon ni Karylle.

"Pero mas masarap ka." bulong ni Vice pero narinig ni Karylle.

"JOKE! To naman madaling mapikon. Ubusin mo na yan manonood pa tayo ng sine." tugon ni Vice.

****

Habang nanonood si Karylle at Vice nang sine.. tinititigan ni Vice si Karylle. Naluluha syang tinititigan ang kanyang kasintahan. Niyakap nya ito at hinalikan ang tuktok ng kanyang ulo.

"Ang clingy mo. Para kang si alden." tugon ni Karylle.

"Mahal kita." sinserong sambit ni Vice.

"Maalden kita." nakangiting tugon ni Karylle.

"Puro ka alden ha, crush mo ba yun?" Pangaasar ni Vice.

"Oo eh. Ang ganda kase ng kanta nyang Wish I May. Swerte ni Maine grabe." tugon ni Karylle.

"Karylle, totoo ba yang sinasabi mo?" natatawang sambit ni Vice.

"Oo kaya, nood tayo ng eat bulaga live ah? Gusto ko ng SOS na flashlight. Limited edition lang yun eh. Gusto ko din makita si Vic Sotto. Crush ko yung simula pagkabata ko eh." seryosong sambit ni Karylle.

"Nakakatawa ka, K." tawang tawang tugon ni Vice.

"What's funny? Crush ko din si Joey de Leon. Karylle and Joey = KaJo. Kajot lang kajot lang!" Karylle.

"Uy ang bastos!" at tuluyan nang tumawa si Vice.

"Um, excuse me? You're not the only one who's watching the movie." singit ng isang british na babae.

"We're so sorry, my boyfriend here is laughing about your hair. He said that you're hair looks like a bird's nest." inosenteng tugon ni Karylle.

"WHAT?!!?" sigaw ng babaeng british.

"Ooops, labas muna me." bulong ni Karylle sabay labas ng sinehan.

At biglang tumabi ang babaeng british kay Vice....

Pagkalabas ni Vice ng sinehan, nakita nyang tawang tawa sakanya.

"Oh my god, sinabunutan ka nya! Buti di natanggal yang ekstensyens mo." natatawang pagaalala ni Karylle.

"Grabe ka sakin." naluluhang tugon ni Vice habang inaayos ang buhok nya.

"Joke lang, eh!" tugon ni Karylle na nakapeace sign.

Hindi ito pinansin ni Vice. Naglakad nalang sya mag-isa. At sinusundan naman sya ni Karylle.

Hinihila sya ni Karylle ngunit pumipiglas sya. Kaya nakokonsensya na si Karylle. Tumakbo sya papunta sa likod ni Vice at niyakap ito.

"I'm sorry." sinserong tugon ni Karylle habang nakayakap.

Ngumiti naman si Vice at namula sa kilig. Kung eto lang yung sukli kapag pinagtitripan ako ng jowa ko.. kahit sabunutan pa ko ni Queen Elizabeth. Go na ko. Vice thought.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon