Tweet Limit

6.4K 183 15
                                    


Karylle's POV

Kakatapos ko lang manood ng Showtime. Grabe! Laughtrip talaga si Vice! Nung sa Segment ng MiniMe, yung isang contestant, yung binuksan na yung lid doon sa tatlong bagay, lumabas manika. Which is yung weakness ni Vice. Grabe. E, nasa left side yun. Kung saan sya nakaupo. Takbo sya sa Dressing Room! Hindi kinaya!!! Pero I find him cute when he freaked out. :)

After din ng Showtime, tinapos ko na yung paglilinis ko. After noon, nagfreshen up ako at dumiretso sa kwarto ko. Nakakahaggard din. Haha!!

Teka? Di pa pala ako nagoonline sa Twitter!! Makaonline nga.

E, baka off yung wifi ni Senyora ZsaZsa. Magpaalam nga ako.

To: Mommy Senyora

Umm, Madam? Pwede po paconnect ng wifi? Tapos na po ako sa paglilinis ng buong bahay. Spotless po promise! Pede po ba? :3

Aba, bilis magreply ah.

From: Mommy Senyora

Okay. 2 hours ka lang coconnect. We'll be back in 4 hours.

To: Mommy Senyora

Yeys! Thanks senyora labyu po :**

From: Mommy Senyora

Gross.

Hindi ko na nireplyan si Senyora. Instead ay inopen ko na yung WLan sa phone ko then automatically, nagconnect agad. Dumiretso agad ako sa Twitter. And to my suprise. 99+ notifs ko. Ay alam ko na kung sinetch itech. :)

@isuperara: te @anakarylle i miss you so much!! paramdam ka sa wechat :(

@hazellenovies: te kanta ka ng "alone" sa wechat :) miss you @anakarylle x

@unkabogablepony: sisterette!!  ang dami kong chika sayo!! saan ka na ba? @anakarylle

@huskyvice: @anakarylle te kaya siguro di ka nagoonline kase inggit ka sakin?  haha te dont be jelly na. magkikita rin kayo ni bays :) jk

@RuthieAnneViceral: Luuuh! Ganda ng icon mo ah!! labyu mamsy @anakarylle

@lilponyyy: @anakarylle miss you ate anaaaaaa!!! :*****

@plaza_syrene:  @anakarylle concert tayo sa wechat? g na g na kumanta si  @RuthieAnneViceral ng Royals!

siraulong mga tao. hahaha! 1 week kase ako di nagonline, ganyan yang mga yan. Buti nga nauso ang Social Media. Para kahit papaano nagkabestfriend ako. Woooo

At dahil tinatamad akong replyan sila, nagtweet nalang ako.

@anakarylle: im back-laaaa! ano ganap? namimiss ko na kayo aba

Pag nagoonline din ako, hindi ko rin maiwasan na hindi mang-stalk sa twitter ni Vice. Mahagilap nga.

@vicegandako: It's Over.

@vicegandako: i TRied but im TiRed. need To Rest.

Yan yung mga tweets na nakapagpabother saakin. Parang ano, break na sila ng jowa nya?

Teka. Di pa nagsisink-in.

AFKSJDOWNODDJ%:#8%:%-?!!!! WALA SYANG KARAPATAN NA SAKTAN SI VICE! WALANG WALA! ANG SWERTE NYA NA KAY VICE TO BE HONEST!!! PERO ANO?! SINAKTAN NYA!! MAMATAY NA YANG HAYOP NA YAN!! PUTRAGES SYA!!! DI SYA KAWALAN KAY VICE NO!!!! (a/n okay, ganyan din reaksyon nyo sa tweets ni Vice no? Ako rin e haha)

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon