Baliktanaw

4K 142 79
                                    

Mahigit isang buwan nang tanggapin ni Karylle ang opportunity bilang It's Showtime Host, ngayon na ang itinakdang araw na ipapakilala na sya sa madlang people.

Agad naman lumalaki ang fanbase ni Karylle, dahil sa nakalipas na isang buwan, inilabas na din ang kanyang unang album at nafi-feature na din sya sa mga top-rating shows ng ABSCBN.

Except for GGV. Isang buwan na ding nag-e-ere ng replay shows ang GGV. Isang buwan na ding wala si Vice. Walang ideya ang pamilya, kaibigan, staff at ang team ni Vice kung nasaan siya.

Inaayusan ngayon si Karylle sa kanyang dressing room dahil 15 minutes na lang at mag-e-ere na ang Its Showtime. Mayroon din syang opening/welcome prod kaya mas nagextra ayos si Karylle ngayon.

Kasalukuyang may kausap si Karylle sa kanyang telepono nang may kumatok sa pintuan ng kanyang dressing room.

"Wait lang, ako na magbubukas." Tugon ni Karylle at inilapag muna ang kanyang telepono.

"K, on-air na in 5 minutes, prepare ka na sa stage." Sambit ng isa sa mga staff ng Showtime. Nag-okay naman si Karylle at agad tinapos ang finishing touches ng kanyang make up, hair at outfit.

Pagkalabas ni Karylle sa kanyang Dressing Room, sumunod naman ang kanyang glam team para ayus-ayusin si Karylle habang naghihintay na mag-air ang Show. Tumungo na si Karylle sa LED entrance dahil doon sya manggagaling para sa kanyang prod.

"Goodluck, Karylle! Love ka namin!" pangchicheer nang kanyang stylist na si Sidney.

"Thank you! Ano kaya ako kung wala kayo." Tugon ni Karylle.

Agad namang nag-cue ang isang staff na magstastart na ang show in 10 seconds. Ngumiti naman si Karylle at inisip, "You can do this, prove them na kaya mo. Prove him that you are more than a bet."

10...

"K, mahal kita"

9...

"Always have."

8...

"Hindi kita kayang layuan."

7...

"I miss you."

6...

"I'm so happy that I had you as my girlfriend."

5...

"You deserve the best, my love."

4...

"Believe me, hurting you was the biggest mistake I've made."

3...

"Mahal mo na ba?"

2...

"H-hindi! Alam nyo namang bakla ako diba?"

1...

"Always will."

Nagsimula na ang show, ipinakita muna ang opening VTR ni Karylle.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon