Neuro ano daw?

3K 135 9
                                    


Dalawang linggo na ang nakalipas simula nang nilutuan ni Vice si Karylle ng adobo. Isang session nalang at matatapos na din ang workshop ni Karylle kaya makakafocus na sya sa kompanya nya for awhile.

Kasalukuyang nagluluto ng lunch si Karylle sa kanyang condo. Simula nang nilutuan sya ni Vice two weeks ago, hindi na nagparamdam si Vice, hindi na nga nya tinupad ang pangako nyang ibabalik nya ang groceries ni Karylle, rason para mabugnot ang dalaga.

"Promise ng promise hindi naman tutuparin." bulong ni Karylle sa sarili habang naghihiwa ng sibuyas.

Bubuksan na ni Karylle ang kanyang pangmayaman na stove nang may nagdoorbell sa pintuan niya.

Nang buksan nya ang pinto, wala namang tao ang nandoon, ngunit pagkatingin nya sa baba ay bumungad sakanya ang mga paper bags na laman ay groceries. Kasama sa mga groceries ay ang isang bouquet of roses.

Ipinasok ni Karylle ang mga groceries at rosas. Nang tignan ni Karylle nang mabuti ang rosas, meron itong card na nakasilid sa mga rosas.

"Sorry hindi ko nabigay to sayo agad :-( Pumunta kase ako ng LA for 2 weeks kase si nanay, sobrang depressed. Bawi ako soon, pagaanin ko lang loob ni nanay. See you soon, i love you! -Vice❤"

Napangiti naman si Karylle dahil hindi nya inaasahan na hindi nakakalimot si Vice, ang maganda pa ay inuuna nya ang pamilya nya kesa sa lahat. Yun ang rason kung bat mahal na mahal nya si Vice. Maalagain sa pamilya.

Sinimulan nang ayusin ni Karylle ang mga groceries. Hindi pa sya nangangalahati ng biglang tumunog ang cellphone niya.

Hindi nya na tinignan ang caller ID at sinagot na ang tawag, "Karylle Tatlonghari speaking." tugon ni Karylle.

(Hi K! This is your manager. Remind ko lang yung last session mo ng workshop later. 3pm.) sambit nang manager ni Karylle.

Tinignan naman ni Karylle ang oras. 10am. May oras pa sya para kumain at mag-ayos, "Yes, I'll be there." tugon ni Karylle.

Pagkababa ni Karylle ng tawag ay may tumawag nanaman sakanya, pero this time, tinignan nya ang caller ID neto, si Toni.

(TEEEEEEEEEEH!) sigaw ni Toni sa kabilang linya.

"Umagang umaga nasigaw ka nanaman, ano nanaman yun?" tugon ni Karylle.

(What time ka papasok?!?!?!) hindi mapakali na tanong ni Toni.

"Baka di ako makapasok today, Toni. May workshop ako mamaya ng 3-6pm eh." sambit ni Karylle.

(DUMAAN KA MUNA DITO BAGO KA PUMUNTA SA WORKSHOP MO! May malaki tayong kliyente and I'm sure hindi mo 'to tatanggihan!) masayang tugon ni Toni.

"Sino ba yang big client na yan?" tanong ni Karylle.

(Basta. Dumaan ka lang dito mamaya. Kahit ako na mag-asikaso. Desisyon at partisipasyon mo lang need ko ngayon. And I know pag tinanggap mo 'tong client na to tataas ang investors natin.) suhestisyon ni Toni.

"Oo na, sige na. Magpeprep na ko." tugon ni Karylle at ibinaba na ang linya.

Tinabi nalang nya ang niluto nya at nilagay sa microwave oven, sa gabi nya na lang ito kakainin. Dumiretso na sya ng kwarto nya at nagprep up na.

******

Pagkadating ni Karylle ng DIC, agad syang tumungo sa kanyang opisina, pagkarating nya roon, bumungad sakanya si Toni na nakaupo sa swivel chair ng office table nya.

"Nasaan yung big client?" bungad ni Karylle.

Bineso muna sakanya si Toni bago nagsalita, "Nasa conference room. Ayos ka muna, wait ka namin there." kaswal na sambit ni Toni at iniwan si Karylle sa kanyang opisina.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon