Bloopers

4.6K 189 49
                                    

GENERAL POV

Christmas Day. Ngayon ipapalabas ang lahat ng MMFF Entries. Kasama na doon ang pelikula ni Vice kung saan nandoon si Karylle bilang leading lady nya.

Naging busy si Vice dahil sa mga mall tours, press cons, MMFF Parade at sa lahat ng guestings para sa promotion ng movie niya.

At si Karylle naman, kahit nasasaktan padin sya sa nangyari.. ay tahimik padin syang sumosuporta kay Vice. Isa padin syang fan kahit anong mangyari.

Tahimik na nakatingin sa glass window ng kanyang opisina si Karylle. Pumasok padin sya ngayong pasko. Wala rin naman syang makakasama magcelebrate kaya pumasok nalang sya.

Tinignan nya ang oras, 9:00pm na pala. Napagdesisyunan ni Karylle na umuwi na.

Habang nagmamaneho si Karylle, ay nadaanan nya ang isang mall, ang SM Megamall. Nakita nya rin ang malaking poster ng movie ni Vice, at napangiti.

Dahil gabi naman na, ay ipinarke ni Karylle ang kanyang kotse sa carpark. At dumiretso sa loob ng mall. Tumungo sya sa cinema, bumili ng isang movie ticket, isang bucket ng popcorn at softdrinks.

Kahit alam nyang iiyakan nya tong comedy movie ni Vice. Gusto nya padin panoorin dahil Vice never fails to make her laugh........ even though she's hurt.

Sa pinakatuktok ng sinehan umupo si Karylle. Last screening sched na ang pinili nya ngunit punong puno padin ang sinehan.

Tahimik lang na nanonood si Karylle. tatawa sya nang malakas kapag nakakatawa ang scene.

Ngunit nang lumabas ang mukha nya sa pelikula, doon na sya tuluyang naluha. Biglang bumalik ang mga alalala nya na kasama si Vice sa London.

Tahimik syang lumuluha sa mga eksena nilang dalawa. Tatawa ng maiksi pag may punchline. Halos malusaw na ang make up nya kakaiyak.

Patapos na ang movie nang bigla may isang grupo ng mga marshalls ang pumasok. Nacurious naman si Karylle kaya tumingin sya sa baba. Nanlaki ang mata nya nang narealize nyang si Vice yun kasama ang team Vice.

"Of all places. Bakit dito ka pa nag cinema tour." natatarantang tugon ni Karylle.

Pababa na sana si Karylle upang iwasan agad nang ipakita na ang bloopers ng movie. Sakto ay inuna ang scene ni Vice at Karylle na nagtatawanan dahil nagkamali ng line si Karylle. Tinawanan ito ni Vice kaya niyakap si Karylle ng mahigpit.

Naudlot naman ang pagbaba ni Karylle dahil nanigas sya nang mapanood nya iyon. Lalo syang naluha. Kaya binilisan nya ang pagbaba.

Dumako naman tayo kay Vice, bigla syang inatake ng call of nature kaya lumabas muna sya ng sinehan at dumiretso sa CR, may CR naman ang sinehan kaya madali lang syang makabalik.

Ngunit nang lumabas ng movie theater si Vice ay naabutan nya si Karylle na palalabas ng sinehan.

"K?" tugon ni Vice.

Napatigil naman si Karylle sa narinig nyang boses. Dahan dahan nyang pinahid ang luha at lusaw na make up nya at dahan dahang humarap kay Vice.

"Yes?" matapang na tugon ni Karylle.

"Nanood ka ng movie?" tanong ni Vice.

"Kaya nga ko nasa sinehan diba. Kase pinanood ko." malamig na tugon ni Karylle.

"Sinusuportahan mo p-padin ako?" nakangiting tanong ni Vice.

"Hindi. Binigyan kase ako ng free ticket ng empleyado ko. May movie passes kase sya." pagtataray ni Karylle. Ayaw nyang sabihin na bumili talaga sya ng ticket dahil baka isipin ni Vice na napatawad nya na ito.

Perks of being a Fangirl (Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon