Chapter 2

83.3K 1.2K 24
                                    

Chapter 2

     Pagkapasok namin sa loob, nga-nga kami ni Merriam. Ang mga gamit kasi ay halatang puro mamahalin. Pati yata alikabok mamahalin, kung may alikabok nga, pero mukhang wala eh. Oras-oras yatang pinupunasan ang mga gamit.

"Andito ka na pala, Vangie." Anang ng isang tinig. Sabay pa naming nilingon ni Merriam ang nagsalita.

"Kuya Perrie!" nilapitan ito ni Vangie at hinagkan sa pisngi. "Ipapakilala ko sa'yo ang bago kong mga kaibigan." Senenyasan niya kaming lumapit sa kanya. Sumunod naman kaming dalawa ni Merriam.

"Ngayon ka lang yata nagdala dito sa bahay ng kaibigan ah."

"Wag ka nga dyan, kuya." Nakasimangot na wika nito sa kapatid. "Kuya, meet Jellice." Pagpapakilala nito sa akin.

"Hello po?" Alanganing bati ko. Ngumiti lang ito sa akin, lalo tuloy naging guwapo dahil sa simpleng ngiting iyon. Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si Merriam dito.

"And this is Merriam." Pagpapakilala naman nito kay Merriam. 

Nagulat si Merriam nang kunin ni Vangie ang kamay niya at iniabot sa kuya niya na parang makikipagkamay. Nakangiting inabot ito ni Perry, habang si Merriam naman ay nakayukong tila nahihiya. Ang daya bakit kaninang ako ay walang shake hands, gusto ko sanang hawakan ang kamay niya kung malambot ba o hindi.

Kinalabit ko si Vangie. 

"Bakit sa akin walang shake hands?" pilyang ngumiti siya.

"Hayaan muna, hindi mo naman crush si kuya eh." bulong niya sa akin. Kailangan pa talagang magka crush ako sa kuya niya bago ko maka shake hands? Ayos din ah.


Pinagmeryenda muna kami ng kuya ni Vangie at Pagkatapos ay niyaya kami ni Vangie sa itaas, sa ikalawang palapag ng bahay nila ipapakita daw niya ang wedding dress sa amin.

"Waahhh! O my gosh!!" tili ko nang makita ko ang wedding dress. Bigla ko tuloy gustong magpakasal ng totohanan. Ang ganda-ganda sa totoo lang.

"Sinong nag-design nito?" tanong ko kay Vangie sa tabi ko, habang hindi ko inalis ang pagkakatitig sa magandang gown sa harap ko.

"Si ate Melanie, pinsan ko." Nakangiting sagot niya.

"Talaga? Sa kanya na lang ako magpapagawa ng wedding gown ko kapag ikakasal na ako." tuwang-tuwang sabi ko rito.

"Duh? Sino namang magpapakasal sa'yo." Singit ni Merriam na nasa tabi ni Vangie. Inirapan ko ito. Palagi na lang kontrabida sa akin.

"Inggit ka lang! Mas maganda ako sa'yo no'." natawa naman si Vangie sa aming dalawa.

"Whatever!" naka-irap na sabi nito. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Yan sana ang isusuot niya sa kasal niya. kaso hindi natuloy." Sabi ni Vangie sa likuran ko. "Kaya binili ko na lang." Wow! Ang yaman talaga.

"Ay bakit hindi natuloy ang kasal?" tanong ni Merriam.

"Umatras 'yung lalaki."

"Grabe naman... naka move-on na ba siya?" tanong ko na humarap sa kanila. Na curious lang ako sa kuwento ng wedding gown. Ako pala ang unang magsusuot kung sakali.

"Hindi ko alam. Hindi kasi kami masyadong nakakapag-usap simula noong binili ko ang wedding gown na iyan." Sabi nito.

Pagkatapos ay pinahatid kami ni Vangie sa driver nila.

I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now