Chapter 10

63.6K 1.8K 49
                                    

Chapter 10

     Napansin kong panay ang sulyap ng mommy at daddy ni Cyrus kay Cyrus na maganang kumakain sa tabi ko. Halos ito a nga ang umubos sa adobo na nasa serving plate. Pasimple ko siyang kinalabit.

"What? I can't help it. My wife is a good cook." Ramdam ko ang mamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. I'm flattered, hindi ako sanay na pinu-puri ang luto ko. Ang mama at papa ko lang kasi ang pumu-puri, at wala lang sa akin iyon.

"Really? Luto mo 'to, Jellice?" Nakangiting tanong ng mommy ni Cyrus. Nahihiyang tumango ako sa kanya.

"Kaya naman pala masarap." Dagdag pa nito.

"Ngayon ko lang nakitang maganang kumain ang anak ko na hindi ang mommy niya ang nagluto." Singit ng daddy nito. Napatingin ako sa kanya dahil ngayon lang yata niya ako kinausap simula kanina. Napasulyap ako kay Cyrus na kumakain. Nag excuse ako at kinuha ko ang serving plate ng adobo. Nilagyan ko iyon, tapos bumalik ako sa mesa.

"Thanks..." wika ni Cyrus ng ilapag ko ang adobo sa harap niya. Napangiti at naiiling ako. Nilagyan ko ng ulam ang plato nito. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. Pagkatapos naming kumain ay nag kuwentuhan muna kami sa sala. Maraming kuwento sa akin ang mommy ni Cyrus tungkol sa anak. Samantalang ang dalawang lalaki ay nag-uusap din.

"Dito muna kami matutulog ngayong gabi." Biglang sabi ni mommy Lenny. Muntik pa akong mapa- 'what!' Ibig kasing sabihin matutulog ako sa kuwarto ni Cyrus.


     Sinamahan ako ni Cyrus sa kuwarto ko. Naghilamos ako at nagbihis ng damit pantulog ko, maluwang na t-shirt at maikling short. Pagkatapos ay lumabas na kami sa kuwarto ko. Naglalakad kami patungo sa kuwarto niya ng nagsalita ang mommy ni Cyrus sa likuran namin. Mukhang kalalabas lang nito sa kuwarto nila.

"Oh? Akala ko tulog na kayo?"

"Matutulog pa lang po. Kayo po, bakit gising pa kayo?"tanong ko

"Kukuha lang ako ng tubig." Sagot niya

     Napabuga ako ng hangin ng tuluyang bumaba sa hagdan ang magandang mommy ni Cyrus. Sumunod ako kay Cyrus na naunang naglakad.

     Pagkapasok namin sa kuwarto niya ay agad na dumiretso ako sa kama niya. Siya naman ay kumuha ng damit at saka tinungo ang banyo. Nakaupo ako sa kama niya ng lumabas siya sa bathroom. Agad kong nag-iwas ng tingin, dahil baka hindi ko mapigilan ay maglaway ako sa harapan niya. Naka pajama lang at puting sando. Kahit May suot itong pantaas ay hindi pa rin naitago ang magandang hubog ng katawan at ang mga pandesal nito!

Muli akong sumulyap sa kanya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

"What?" Tanong ko. Nangi-ngiting umiling ito. Ngalilingaling sabihin kong 'wag siyang ngingiti-ngiti, dahil lalo siyang nagiging kaakit-akit sa paningin ko. Naglakad siya palapit sa kama at naupo sa kabilang bahagi.

"M-magtatabi tayo?" medyo ilang na tanong ko. Hindi naman ako natatakot sa kanya. Ang totoo niyan ay parang safe ako kapag nasa tabi ko lang siya. Pero naiilang pa rin ako.

"I won't eat you..." nakangising wika niya. "At least, hindi lahat."

     Inirapan ko siya ng pagkatalim-talim at kahit hindi ako titingin sa salamin ay alam kong sobrang pula ng mukha ko. Padabog na nahiga ako sa kama at kinumutan ang sarili ko hanggang dibdib. Naamoy ko ang natural na amoy at pabango ni Cyrus sa kumot niya. Nanunuot din sa ilong ko ang shampoo na gamit niya sa unan. Parang gusto kong isubsub ang mukha ko roon at amuyin buong magdamag.

     Humiga ito sa tabi ko at inabot nito ang remote sa table at pinatay ang ilaw. Hanep! Pati ilaw high tech, may remote pa. Tanging ilaw lang ng lampshade ang nagbibigay ng liwanag sa buong kuwarto.

"Good night." Narinig kong sabi niya. Hindi ako sumagot.

     May isang oras na yata akong nakapikit at pinipilit na matulog. Kaninang nahiga ako ay hindi pa rin ako makatulog hanggang ngayon. Hindi ko alam kung bakit pagod ako at gusto kong matulog, pero hindi naman ako makatulog. Alam kong hindi rin makatulog ang katabi ko, dahil kanina pa ito pabiling-biling.

     Humarap ako sa kanya, nagkunwaring tulog na ako. Tatlong dangkal lang yata ang layo nito sa akin. Walang ano-ano ay niyakap ko siya. Ramdam ko ang paninigas niya. Sumiksik pa ako sa kanya. Gusto ko lang malaman kung ano ang magiging reaction niya. Itutulak ba niya ako?

     Nagulat ako ng yumakap din siya sa akin. Hindi ko pinahalata na nagulat ako. Naradamdaman kong hinahaplos nito ang buhok ko. At nakaramdam ako ng antok dahil doon. Sana pala kanina ko pa siya niyakap at nang hindi na ako nahirapang matulog.

     Narinig ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya bago ako lamunin ng antok. O baka naman nagkakamali lang ako at panaginip lang iyon?

     Kinabukasan ay nagising ako na nakayap kay Cyrus. Napangiti ako nang makita kong tulog pa ito. Dati-rati kasi ay siya ang nauunang nagigising tuwing umaga. Late ba itong natulog kagabi? Mas lalo akong napangiti ng mapagmasdan ko ang guwapo nitong mukha habang natutulog. Sayang hindi ko dala ang cellphone ko. Remembrance sana.

     Dahan-dahan na kumawala ako sa yakap niya, ayokong magising siya. Pero muli akong nahiga sa tabi niya, nagbago ang isip ko. Tinatamad akong bumangon. Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog. Hindi ko napigilan ang sarili kong laruin ang buhok niya at haplusin ang makinis niyang mukha.

     Nagising yata ito dahil sa ginawa ko. Unti-unting gumuhit ang ngiti nito sa labi ng makita niya akong nakatunghay sa kanya. Ang guwapo talaga niya, promise! Ngayon ko lang makita sa malapitan ang mga mata nito. Kulay hazel iyon at Parang naghi-hypnotize ang mga iyon kapag tumititig.

"Morning, angel." Bati niya sa akin na ikinangiti ko.

"Good morning, gorgoues." Ganti ko. Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi niya. Nagulat siya sa ginawa ko, at mukhang nawala ang antok niya dahil sa ginawa ko. I giggled.

     Bumangon ako, napatili ako ng bigla niya akong hatakin kaya napahiga ulit ako. Mabilis niyang hinalikan ang mga labi ko. Smack lang iyon kung tutuusin pero pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko.

"Good morning again, angel." Bulong nito sa akin at pagkatapos bumangon siya, saka naglakad patungo sa banyo. Naiwan ako doon na nakatulala.

     Nang maka recover ako ay Isinobsob ko ang mukha ko sa unan at doon ako impit na tumili. Oh my God! He kissed me!

---------------------------------------

A/N: Hi!... Yehey! Vacation na.. Kailangang may kayakap na sa pagtulog... Merry Christmas!

     Sa mga nagbasa at lalong-lalo na ang mga nag vote! Maraming-maraming salamat po sa inyo. Merry Christmas and Happy new year! :)



I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now