Chapter 28

60.6K 1.5K 43
                                    

Chapter 28

     Pumasok na lang ako sa classroom namin, kahit maaga pa para sa next subject namin. Nagulat ako ng nandoon na si Vangie. Nakabusangot ang mukha.

"Hi! Morning.." Masiglang bati ko sa kaya. "Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Inaantok pa ako. Ang aga naman kasing manggising ni kuya." Nakasimangot na wika niya. Akala ko pa naman kung ano na.

     Naghintay pa kami ng kalahating oras bago magsisimula ang klase namin. Nagsidatingan ang mga classmate namin, ganoon din si Merriam.

     Naka-concentrate akong nakikinig sa discussion ng instructor namin ng may kumatok sa pinto.

"Excuse me sir?" sabi ng isang babaeng studeyante kay sir.

"Yes?" tanong ng instructor namin sa babae.

"May delivery kasi para kay Jellice Samaniego." Wika niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Jellice, come and get your package." Sabi ni sir. Hindi naman siya directly nakatingin sa akin ng sabihin niya iyon.

"Walang Jellice Samaniego dito. Baka Jellice Garcia?" Sabi ni Kyle doon sa babae.

"Oo nga po.. Kay Jellice Garcia Samaniego." Sagot ng babae.

"Ako iyon." Wika ko. Tumayo ako mula sa upuan ko at naglakad patungo sa babae. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkalito ni Kyle.

"Salamat." Wika ko pagka-abot niya ng isang maliit na kahon.

     Bumalik ako sa upuan ko, alam kong nakatuon ang mga mata nila sa akin. Ramdam ko naman. Tinignan ko kung kanino galing. 'Leonelle Samaniego' ang mommy ni Cyrus. Isinilid ko iyon sa bag ko. Titignan ko na lang mamaya kung anong laman niyon.

     Ipinagpatuloy ng instructor namin ang pagle-lecture niya. Nakita ko si Kyle na pasulyap-sulyap sa akin, parang may gustong itanong sa akin.

     Inililigpit ko ang mga gamit ko nang lumapit si Kyle sa akin.

"Puwede ba tayong mag-usap?"

     Tinignan ko sina Vangie at Merriam na nakatingin at hinihintay akong matapos magligpit ng gamit.

"Hintayin ka na lang namin sa labas." Wika ni Vangie. Sinenyasan niya si Merriam na sumunod sa kanya. Kami na lang dalawa ni Kyle ang natira sa loob nang makalabas sina Merriam at Vangie.

Inilagay ko sa bag ko ang notebook at papel ko. Habang hinihintay ko ang sasabihin ni Kyle.

"Jellice..," Simula niya. Halatang kinakabahan siya.

"Ano iyon?"

"Bakit... Bakit—'Yung kanina. Bakit—" Hindi niya masasabi-sabi ng maayos ang gusto niyang sabihin. Ang nakapagtataka hindi ako natatakot kung ano man ang itatanong niya.

"Nadagdagan na ang apelyedo ko." Sabi ko. Alam ko naman kung ano ang gusto niyang itanong.

"B-bakit?"

"Kasal na ako, Kyle." Sa wakas nasabi ko na. "I'm sorry kung hindi ko sinabi agad." Wika ko. Nakita kong natigilan siya. Mayroon nang namumuong luha sa kanyang mga mata. Nalulungkot ako dahil nasaktan ko siya. Kahit hindi man niya sabihin dati ay ramdam ko na mahal niya pa rin niya ako. Ang nakakalungkot lang ay mukhang naglaho na ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung kailan nagsimula.. Siguro noong nagka-usap kami at sinabi niya kung bakit siya umalis. Doon ko lang kasi naintindihan ang side niya. Nauunawaan ko na siya. Iyon siguro ang tinatawag nilang Closure..

"Siya ba ang lalaki sa bar?" Mahinang tanong niya. Dahan-dahan akong tumango.

"Siguro.... Siguro kung hindi ako umalis noon. Malamang tayo pa rin."

I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now