Chapter 37

54.6K 1.2K 101
                                    


Chapter 37

"Ano bang ibig ninyong sabihin?" tanong ko sa kanilang dalawa. Sabi kasi nila na mahigit dalawang buwan na ang nakakaraan nang magpunta kami sa bar.

"Pinagloloko ba ninyo akong dalawa?"Inis na sabi ko.

"Nagsasabi kami ng totoo. Iyon ba talaga ang huli mong naaalala?"Tumango ako sa tanong ni Vangie.

"Lagot.."Bulongni Merriam. Ang weird nilang dalawa, sa totoo lang. Pati pala ako. "Bakit ba ang tagal ng doctor?"

"Ano bang nangyayari?" tanong ko kay Vangie.

"Sa tingin ko nagka amne--." Hindi natuloy ang sasabihin niya nang dumating si mama kasama nito ang doctor at dalawang nurse.

"Kumusta ang pakiramdam mo?"Tanong ng may katandaang lalaking doctor. Umusog si Vangie para magbigay daan sa doctor.

"Masakit lang po ang ulo ko." Sagotko.

"Ah.. excuse me lang doc." Singitni Merriam. "Ang huli niyang naaalala ay ang mga pangyayaring mahigit dalawang buwan na ang nakakalipas."

      Natuon ang atensyon namin sa lalaking pumasok. Hinihingal pa ito. Halatang tumakbo pa siya. Hindi ko na lang pinansin, inisip ko na lang na baka nag kamali lang siya ng kuwartong pinasok.

"Bakit?"Tanong ko kay Vangie at Merriam dahil mataman silang nakatinginsa akin. Parang naghihintay kung anong magiging reaksyon ko.

      Nagulat ako ng may biglang yumakap sa akin. Nalanghap ko ang pamilyar nitong amoy. Hinalikan niya ang noo ko. Tinignan ko kung sino iyon. Ang lalaking pumasok kanina.

"T-teka.. anong ginagawa mo?" Tanong ko. Pilit ko siyang itinulak. Baka kung anong isipin ni mama. Sumulyap ako kay mama.

"Wife..." natigilan ako ng magsalita ito. Wife...

"Kumusta ang pakiramdam mo? Pinag-alala mo ako ng sobra. I thought will never see you again, Emerald" masuyong  sabi niya. Pakiwari ko ay tumalon ang puso ko dahil doon.

"Mister..." Itinulak ko siya. Kunot-noo at nagtatakang tumingin siya sa akin. Shemay! Ang guwapo niya! Kahit na mukhang wala pa itong tulog.

"What's wrong?" tinaasan ko siyang kilay.

"Nagkakamali ka yata ng kuwartong napasok."Sabi ko sa kanya. He stunned.

"W-what?" nalilitong tanong niya.

"Hindi ako angasawa mo. Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang hindi ako ang asawa mo?"

"What are you talking about? You are my wife." Tinaasan ko langsiyangkilay. Tumingin ako kina mama na humihingi ng saklolo pero nakita kong gulat na nakamasid lamang sila sa amin. Nakitakong sumulyap ang lalaki sa doctor na nasa tabi lang at nakatingin din sa amin.

"Doc, what's happening?" Tanong niya. Lumapit si Vangie sa kanya at hinila palayo sa akin. May ibinulong siya sa lalaki at kitang-kita ko kung paano ito natulala. Ano kayang sinabi ni Vangie?

"Gaya nga ng inaasahanko. She's having an amnesia." Sabing doctor na nakatingin sa akin.

"A-ako po?" turo ko sa sarili ko.

"Oo, hija."Lumapit sa akin si mama, umupo siya sa gilid ng kama ko at hinawakan ang kamay ko.

"Dahil sa lakas ng impact ng magkakabagok ng ulo mo. Mabuti at malakas ang kapit ng batang dinadala mo. Nagkaroon ka lang ng mild bleeding. But don't worry, the baby is safe."

I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now