Chapter 3

74.2K 1.5K 15
                                    

Chapter 3

Ang alak na lang ang pinagdiskitahan ko sa table namin. Mag-isa na lang akong naka-upo doon dahil iniwan ako ng mga kasama ko. Ayon sila nasa dance floor. Sa susunod talaga hindi na ako sasama.

Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa ininom ko. Konti lang ang ininom ko pero umepekto agad. Malakas siguro ang tama ng alak o talagang hindi lang ako sanay uminom.

May umupo sa upuang nasa tabi ko.

"Hi miss!" bati nito sa akin.

"Malaki talaga ang problema mo at pati kasal mo tinakasan mo. O baka naman hindi ka sinipot ng groom?"

"Wala kang pakialam. Leave me alone!" masungit na sabi ko. Wala ako sa mood ngayon. Naiinis pa rin ako at nahihilo na.

"Fine! Sungit!" padabog na tumayo ito at iniwan ako. Mabuti naman.

Nagpasya akong umuwi na. Hindi na ako magpapaalam sa kanila. Bago ako tumayo ay tinunga ko ang natitira pang alak sa baso ko. Nahihilo na talaga ako nang tumayo ako at naglakad palabas sa bar na iyon.

Papara na sana ako ng taxi ng maalala kong wala pala akong dalang pera! Nakalimutan ko pala ang purse ko kaninang umaga sa bahay. Ang malas ko naman! Kaya no choice, Naglakad na lang ako.

Naramdaman ko ang malambot na kama sa likod ko. Gusto ko sanang imulat ang mga mata ko pero nahihilo at inaantok ako. May narinig akong yabag papalayo, bago ako tuluyang muling nakatulog.

Nagising ako dahil parang may matang nakamasid sa akin. Unti-unti kong inimulat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang hindi pamilyar na silid. Napatingin ako sa sarili ko, suot ko pa rin ang wedding gown.

Maluwang ang kuwarto, malayong mas maluwang kaysa sa kuwarto ko. Mukhang puro mamahalin ang gamit sa loob. May nakita akong isang pinto, hula ko ay walk-in-closet iyon dahil may ganoon si Vangie. Pero mukhang mas maluwang ang pintong nakita ko.

Paglingon ko sa kaliwa ko ay muntik pa akong mapasigaw ng makita ko ang lalaking nakaupo sa sulok ng kuwarto at nakamasid lang sa akin. Mukhang pinag-aaralan niya ako. Naka suot ito ng Puting sando, pero bakat pa rin ang matipunong katawan nito. Hula ko malaki at matangkad ito, hindi ko kasi matanya dahil nakaupo siya.

Napatingin ako sa mukha niya. At muntik pa akong mapamura nang matitigan kong maiigi ang mukha niya. Guwapo ito, no he's gorgeous. Mukhang istrikto at snob ito.

He's dangerous, pero iyon ang nagbibigay ng malakas na appeal sa kanya.

I open my mouth to say something, Pero wala namang lumabas na salita. I saw him smirked. Medyo magulo ang buhok nito na lalo pang naging kaakit-akit siya sa paningin ko. Oh my gulay! May problema na yata ang mga mata ko.

"Sino ka? At anong ginagawa ko dito?" Tanong ko. Gusto kong kamayan ang sarili ko dahil nagawa ko ring mag-salita. Ngumisi ito.

"You're in my room." He answered coolly.

"Anong ginagawa ko dito?" nalilitong tanong ko sa estranghero. Hindi ko matandaan kung bakit ako nandito sa room daw niya. Tinitigan niya ako, pagkuwa'y nagsalita.

"So, you don't remember?" Tanga ba ito o ano? Itatanong ko ba kung may natatandaan ako? Sabagay puwede rin naman akong magmaang-maangan kung alam ko, pero hindi eh.

"Remember ang alin? Bakit hindi mo na lang sagutin kung bakit ako nandito?"

"What is the last thing you remember?" sa halip ay tanong nito.

I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now