Chapter 12

60.4K 1.3K 14
                                    

Chapter 12

     Inilibot ako ni Cyrus sa bahay nila. Ang laki pala talaga. Hindi ko alam kung bakit ang laki-laki ng bahay nila, eh kokonti lang naman silang nakatira. Minus na 'yung mga katulong syempre.

"Come. I wanna show you something." Hinila niya ako sa isang silid. Nagpanic ako.

"Anong gagawin natin dyan?"

"May ipapakita lang ako." nakangiting wika niya. Malay ko ba kung ano ang ipapakita niya. Naku, Jellice, wag mo munang paganahin yang maruming utak mo.

Hindi na ako nakatutol ng tuluyan na niyang akong hilain papasok.

"Wow!" Iyan lang ang lumabas sa bibig ko ng makita ko kung ano sinasabi niyang gusto niyang ipakita. Ang kuwartong kinaroroonan namin ay punong-puno ng pictures at mga awards. May mga trophy rin akong nakita.

"Sa'yo lahat ng 'to?" Namamangha kong tanong. Hindi siya sumagot, bagkus ay ngumiti lang siya. Inilibot ko ang tingin ko sa kabuoan ng silid.

     Isa-isa kong tinignan ang mga pictures na nakadikit sa ding-ding. May band competition na sinalihan sila. Siya pala ang leader ng bandang 'Badboys' na sikat na sikat noon. Naaalala ko kasing palaging binabanggit iyon ni Merriam. Favorite band kasi iyong ng ate niya.

Sa tingin ko ang mga kaibigan niya ang apat niyang kasama doon sa picture.

"Kaibigan mo sila?" Nilingon ko it. Nakangiting tumango siya.

     Muli kong tingnan ang mga iba pang pictures. Mas humanga ako sa kanya dahil ang dami nitong awards na nakuha. Blackbelter ito sa taekwondo, karate, kick boxing at iba pa, kulang na lang ang kung fu. Ang astig naman ng lalaking ito. Bigla tuloy akong naiinggit, ang dami niya kasing kayang gawin.

     Nasalo na yata nito lahat ng katangian nang magpasabog ang Diyos ng biyaya. Maliban na lang ang ibang katangian nito. You know what I mean. Pero ang pinakagusto ko ay ang galing niya sa pagkanta. Turn on na turn on ako sa lalaking magaling kumanta.

"Wow!" Iyan lang ang nasabi ko ng makita ko lahat ng pictures. Kung saan-saang lupalop ng pala ito napadpad dahil sa mga competition na sinasalihan ng banda nila. At Simula bata pa ay sumasali na ito ng mga tournaments sa taekwondo at karate, pati yata arnis. May nakita kasi akong picture na may hawak siyang dalawang stick. At may isa pa akong masasabi tungkol sa kanya. Ang cute pala niya noong bata siya. Sabagay hindi naman kataka-taka iyon, kita naman ang ibedensya.

"Ang astig mo pala talaga." Sabi ko sa kanya ng humarap na ako sa kanya. Tumawa lang siya sa sinabi ko.

"How about you?" Tanong niya sa akin.

"Huh?"

"Tell me about your self."

"Hmmm.... Leader ako ng dance troupe sa school namin." Sabi ko. "Dancing lang yata ang talent ko."

"So you're a dancer. May isa ka pang talent."

"Ano?"

"Magaling kang mag luto." Napangiti ako sa sinabi niya. Ang lalaking ito, napapangiti niya ako ng walang ka-effort effort. I wonder, paano kaya niya nagagawa iyon?


     Buong araw na ipinasyal ako ni Cyrus sa tagaytay. Nag-enjoy ako. Sabi niya ipapasyal pa sana niya ako kaso kulang daw kami sa oras, Hapon na kasi. Sayang! Nagpasya muna kaming kumain sa isang restaurant bago kami babalik sa maynila.

"What will you have?" tanong niya. Kinuha ko ang menu at tinignan iyon. Muli kong ibinaba dahil hindi ko alam ang mga nandoon. Ngayon ko lang nabasa ang mga putahe na nakasulat sa menu. Puwede namang pangalanan nila ng simple ginagawa pang komplikado.

"Why?" nagtatakang tanong niya nang ibinaba ko sa mesa ang menu. Napanguso ako.

"Pwede bang ikaw na lang ang umorder para sa akin? Baka kasi mamaya pritong anaconda ang ma-order ko." bulong ko sa kanya.

     Tinitigan niya ako, nagulat na lang ako ng tumawa ito. Kaya ang resulta napatingin ang ibang customer sa gawi namin. Nagkuwari na lang akong hindi ko siya kasama kahit obvious naman na magkasama kami.

     Tinawag niya ang waiter habang natatawa pa rin. Siya na ang um-order para sa aming dalawa. Naghintay kami ng ilang sandali bago ihain sa mesa namin ang inorder ni Cyrus.

"Don't worry walang pritong anaconda diyan." Wika niya ng titigan ko ang mga putaheng nasa table namin. Napasimangot ako kasi tumawa na naman siya.

"Kung meron man, huwag kang mag alala masarap naman ang anaconda."

"Ewww... nakatikim ka na?" anong lasa naman kaya?

"Not me. Isa sa mga kaibigan ko." sagot niya. Kinuha nito ang kutsura at tinidor bago nagsimulang kumain.

"Anong lasa?" Curious na tanong ko.

"Ang alin?" Tanong niya habang ngumunguya.

"Yung anaconda." Nilunok niya muna ang nginunguya bago sumagot.

"Masarap daw, lalo na kung adobo ang pagkakaluto. Ang kaibigan ko kasing iyon ay mahilig sa exotic foods." Exotic foods? Ewww! No offense sa mga mahilig sa mga exotic foods ah...

Pinanood ko siyang kumain.

"Hindi ka ba kakain?" Nang mapansin nitong pinapanood ko siya. Magana siyang kumain. Matakaw pala siya, hindi halata. Ang ganda kasi ng katawan.

"Kakain na."

     Kinuha ko ang kutsara at tinidor pagkatapos ay nagsimula na akong kumain. Nawalan ako ng gana kanina dahil sa anaconda na 'yan, pero nang pinanood ko siya ay nahawa na ako sa kanya bigla akong nagutom eh.

     Tapos na kaming kumain pero nanatiling nakaupo kami. Wala pa yatang balak bayaran ni Cyrus ang kinain namin. Dahil kung ako ang hinihintay niyang magbayad aabutin kami ng century doon. Wala akong dalang pera maski piso.

Dinukot ko ang cellphone ko sa sholder bag. Tumayo ako, naglakad patungo sa likuran niya.

"Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Selfie tayo." Idinikit ko ang baba ko sa balikat niya.

"Smile!"

Excited na tinignan ko ang litrato namin. Napangiti ako dahil nakangiti si Cyrus sa picture namin.

"May I see?" Ipinakita ko ang picture sa cellphone ko. Napangiti rin siya nang makita nito. Kasi bagay kami.. Wait, saan naman galing 'yun?

Pagkatapos niyang magbayad ay lumabas na kami sa restaurant. At nagbiyahe pabalik ng manila.

--------------------------------------------------

A/N: ito na ang UD... Baka kasi next year pa ako makapag update. Wala kasing kuwenta ang cellphone or kahit anong gadget sa pupuntahan ko. Bakit? Kasi walang signal doon!... Huhuhu.. poor me............ 





I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now