Special Chapter II

76.3K 1.4K 102
                                    

Chapter 48 – Special Chapter

Cyrus

     Pilit kong iniintindi ang report ng isa sa mga managers ng iba't-ibang department ng kompanya, pero kahit anong pilit ang gawin ko ay naglalakbay pa rin ang utak ko pauwi sa asawa ko. Ayoko ko sanang pumasaok dahil may sakit siya, but she insisted na kailangan ako ngayon dito. But look , I can't even understand their reports.

Nag-aalala ako sa kanya. Namumutla siya at nanghihina. Ayaw naman kasing magpa check-up. Ang tigas ng ulo.

Pero bakit pakiramdam ko ay parang naulit ang nangyari?

Ang kambal naman ay nasa bahay ng mga magulang ni Emerald. Namimiss daw nila ang lolo at lola nila. Mas mabuti na rin iyon para makapag-pahinga si Emerald.

Natauhan ako ng kalabitin ako ni Karen. Napansin kong sa akin nakatuon ang kanilang atensyon. Doon ko lang napagtanto na nag ri-ring na pala ang cell phone ko. 

Nakita kong hindi nakaregister ang number na tumatawag. Hindi ko sana sasagutin pero may nag-udyok sa akin para sagutin ko.

"Yes, who's this?"

"Cy..." Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig at makilala ko ang boses na iyon. Napangiti ako. Hindi pa rin nagbago ang epekto niya sa akin.

"Wife, Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Mahinang tanong ko. Nakatuon kasi ang mata nilang lahat sa akin. Sinenyasan ko ang nagre-report na ituloy niya ang kanyang naudlot na pagsasalita sa harap.

"Cy.. Gusto ko ng mangga." Narinig kong sabi niya. Huh? A mango?

"Magpapabili ako at ipapadala ko—"

"Ayoko! Gusto ko ikaw ang magbabalat tapos ibibigay mo sa akin, pagkatapos ay kakainin ko. Nasa office ka ba? Punta ako diyan. Wag mong kalimutan na bumili ng magga. Ba-bye. I love you!" Narinig kong sabi niya bago siya nawala sa kabilang linya. 

Napatitig ako sa hawak kong phone. Unti-unting sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi. She's coming! Makikita ko siya.

Tumayo ako mula sa upuan ko . Muling naudlot ang pagre-report ng nasa harap. Natuon ang atensyon nila sa akin.

"Ladies ang Gentlemen, I'm sorry but I think we're better continue meeting this next time." Sabi ko at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na pinansin ang pagtatanong ng ilan. Mas importante sa akin ang asawa ko kaysa meeting na ito. Malayong mas importante.

The queen is coming! My Queen...

Agad akong lumabas para bumili ng magga. Napansin kong masyado siyang moody nitong nakaraang araw. Minsan nag susungit siya sa akin kahit wala namang dahilan. Madalas din siyang maglambing sa akin. Mas lalo akong napangiti sa hinalang nabuo sa isip ko. Sana nga...


     Napatitig ako sa mangga na nasa harap ko. Anong hitsura ba ng maniba? Napakamot ako ng ulo. Hindi ko alam ang pupulutin ko.

Ramdam ko ang titig ng sales lady sa akin. But I ignored her.

"Miss, anong hitsura ng maniba?" Tanong ko sa sales lady nang hindi man lang nag-aangat ng tingin.

"Pasalubong po ba, sir? Hayaan niyo pong ako na ang pumili para sa inyo."

"It's for my wife. Sabihin mo na lang kung anong palatandaan ng manibang mangga. Ako ang personal na mamimili." Sabi ko habang nakatitig pa rin sa mga manga. Kailangang ako ang mismong mamimili para sa asawa ko. Ayoko sa iba.

I'm Accidentally  MarriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon