Chapter 41

57K 1K 27
                                    

Chapter 41

"Walang hiya kang babae ka!" Napatakip ako ng tenga dahil sa nakakabinging sigaw ni Merriam.

"Pinaniwala mo kami!" Akusa ni Merriam.

"Manloloko ka." Sabay turo sa akin. Napangiwi na lamang ako.

"Sorry na nga.."

"The damage has been done..." Sabi naman ni Vangie na sinang-ayunan agad ni Merriam.

"Tama!"

Sinabi ko sa kanila ang totoo na wala talaga akong amnesia. Kaya ito ngayon. Dinaig pa ng dalawang ito si Cyrus kung makapagreact.

"Pero infairness ha.. Ang galing mo hindi namin nahalata. Sali ka kaya sa Drama club." Sabi ni Merriam. Hindi ko siya pinansin. Inabot ko ang isang baso ng orange juice. Uminom ako ng konti.

"Anong reaksyon ni kuya Cyrus?" tanong ni Vangie. Ikinuwento ko sa kanila ang nangyari.

"Pasalamat ka mahal ka talaga. Ang suwerte mo." Sabi ni Merriam sa akin ng matapos akong magkuwento.

"May kasalanan ka pa sa akin.." Sabi ko sa kanya.

"Ano?"

"Sinabi mo kay Mike ang nangyari. Tahiin ko kaya ang bibig mo." Inis kong sabi sa kanya. Nagui-guilty itong ngumiti sa akin.

"Sorry... Naipit kasi ako. Nakakatakot naman kasi siya. Akala ko nga babalatan ako ng buhay eh." Inirapan ko lamang siya. Wala na akong magagawa, tapos na eh. Nangyari na.

Tinignan ko ang cellphone ko nang magring iyon. Napangiti ako ng makita ko ang picture ni Cyrus. Tumatawag siya.

"Hello?"

"I already miss you, wife." Bungad agad niya na ikinalaki ng ngiti ko. "I can't breath."

"Huh?" Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. May masakit ba sa kanya? Okey lang kaya siya?

Kailangan kitang makita para makahinga ako." Malambing na sabi niya sa kabilang linya. Nawala bigla ang pangamba ko. At natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit oxygen ba ako?" Natatawang tanong ko. Napasulyap ako sa dalawang kaharap ko. Nakamasid lang sila at nakikinig sa akin.

"You didn't know? You are my oxygen, wife. I can't breath without you." My goodness! Hindi niya ba alam na kinikilig ako sa mga sinasabi niya?

"Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo akong pumunta diyan?" hindi ko maitago ang ngiti ko.

"Pero may klase ka pa." Narinig kong sabi niya.

"Wala na akong klase mamaya." Sabi ko. Sinabi kong wala ang instructor sa susunod namin klase mamaya.

"So, pupunta ka?"

"Ayaw mo?"

"Gusto!"

"Kita na lang tayo mamaya."

"I love you, Emerald..."

"I love you too... Bye.." Nakangiting ibinaba ko ang cellphone ko at ibinalik sa bag. Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang mapang-asar na ngiti ng dalawang babae sa harapan ko.

"I love you, Vangie..." Nakangising sabi ni Merriam kay Vangie. Nang-aasar ang tono nito.

"I love you too.." Sagot naman ni Vangie. Ang sarap talaga nilang pag-untugin dalawa.

Pinuntahan ko nga si Cyrus sa kanyang opisina. Gaya ng dati ay binati ako ng guard pagpasok ko. Kilala na ako ng mga empleyado ni Cyrus. Nginitian ko ang bawat empleyadong bumabati sa akin.

I'm Accidentally  MarriedWhere stories live. Discover now