Chapter 3

2.4K 36 1
                                    

RENZO'S P.O.V.

Renzo Gabriel So. Member ng C-WARRIORS.

Gwapo, alam ko na yan. Tch
-_-

Di hamak naman na mas gwapo ako sa Brian na yun noh. Tss.

Kahit na pinsan ko yun, hindi kami magkasundo nun.

Mula pagkabata namin, may namumuo nang kompetisyon sa pagitan namin.

Meron yung time na mas lamang ako, meron naman yung time na mas lamang siya.

Wala eh, hindi naman kami parehas sa mga bagay bagay.

Magkaibang-magkaiba kami.

Maliban na lang sa isang bagay.

Yun yung magmahal kami ng iisang babae.

Kung anong ayaw niya, gusto ko.

Kung anong gusto ko, ayaw niya.

May time na gusto ko, gusto din niya.

Kaya may time na nag-aaway kami dahil lang sa pinag-aagawan namin yun.

Ngayon, hindi ko alam.

Kung ako ba ang mananalo o siya ba.

Kung kaya ko bang labanan siya o susuko na naman ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Habang tumatagal kasi, kahit anong gawin ko, pakiramdam ko wala na talagang pag-asa.

Naalala ko na lang nung huli kaming magkita ni Chezka.

*FLASHBACK*

I was drunk, and nakabangga ako sa isang kotse.

Hindi ako makababa dahil masakit ang ulo ko dahil madami ang nainom ko.

Hanggang sa may kumatok sa bintana ng kotse ko, pero di ko maaninag ang mukha dahil medyo blurred na ang paningin ko.

Hanggang sa nagising diwa ko ng sipain niya ang kotse ko.

"Hoy lumabas ka jan! Nakita mo ba ang ginawa mo sa kotse ko!? Winasak mo! Bayaran mo yan hoy! Lumabas ka jan sa kotse mo!" Sigaw niya

Hanggang sa marealize ko na si Chezka yung may-ari ng kotseng nabangga ko.

Kaya lumabas ako at hinarap siya.

"Babayaran ko na lang" sabi ko

"Ikaw!?" Sigaw niya

Ayan na naman siya.

"Alam mo, nevermind. Ako na lang pala ang magpapaayos. Ge" sabi niya

At akmang aalis na pero, hinigit ko siya.

"Hindi ako na. Diba bigay sayo yun ni Terrence? Kaya alam kong mahalaga sayo. Ako na ang bahala" sabi ko

Totoong bigay yun ni Terrence.

Regalo niya yun nung nakaraang birthday ni Chezka.

"No need. I can handle it. Bye" sagot niya

Aalis na sana ulit siya pero tinawag ko siya.

"Ah, Chezka!" Tawag ko sa kanya

Tapos lumingon siya.

"Bakit?" Tanong niya

"May gagawin ka ba? Pwede ba kitang maayang kumain sa labas?" Tanong ko

True Love (Completed)Where stories live. Discover now