Chapter 6

1.7K 24 0
                                    

CHEZKA'S P.O.V.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.

Ayokong lumabas, kumain, o kahit kumausap ng kung sino.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sobrang nahihirapan na ko.

Ayokong saktan sila pareho. Pareho silang mahalaga at pareho silang ayokong mawala.

Pero alam ko na dapat isa lang.

"Urghhh! What should I do now!?" Inis na sabi ko sa sarili ko

Tinakip ko ang unan ko sa mukha ko, at pumikit.

Nagfflashback sakin yung mga sinabi ni Renzo sakin non.

~FLASHBACK~

Eto yung unang beses na nag-away kami ni Gab.

I admit kasalanan ko, pero humingi naman na ko ng tawad eh.

Siya lang 'tong mataas ang pride.

"Kung ayaw mo kong patawarin edi wag. Alis na ko. Wala rin naman patutunguhan ang pagpunta ko dito" sabi ko

Saka na ko tumayo.

Pero nagulat ako ng hilahin niya ang kamay ko kaya napahiga ako sa tabi niya.

Tapos, hinawakan niya ang kamay ko at tinapat ito sa may banda ng puso niya.

"You may not be the greatest pianist, guitarist or violinist, but you're the one who can make my heart produce a sound like this" sabi niya

Tinitigan ko lang siya hanggang sa, tumingin siya sakin at hinalikan ako sa noo.

"I'm sorry my Angel. I'm sorry kung mataas ang pride ko. I'm sorry" sabi niya

Napangiti na lang ako.

Siya lang din ang may kaya na patibukin ang puso ko ng ganito.

~END OF FLASHBACK~

Dati rati ganun lang kami.

Away, bati. Away bati.

Pero ngayon hindi na.

Sa mundong 'to talaga, DIYOS pa lang ang nakakatupad ng salitang 'DI KITA IIWAN'.

Mas madaling magmahal ng taong kusang dumadating sa buhay mo, kesa sa taong pinipilit mong maging iyo.

Pinipilit ko, pero mas nasasaktan lang ako.

~FLASHBACK~

May date kami ni Gab ngayon.

Nandito kami sa place na siya ang nagpatayo.

I'd rather be here kesa sa ibang mamahaling restaurants diyan.

"Angel" tawag ni Gab sakin

"Hm?" Tanong ko

Saka ako tumingala sa langit.

Ang daming bituin. Nakakarelax silang panoorin.

"Ikaw yung pinakamagandang bagay na dumating sakin. Kaya hinding-hindi ko hahayaan na basta basta ka na lang mawawala sakin" sabi ni Gab

I smiled. So sweet.

"Alam mo Gab, hinding hindi ako mawawala sayo. Maliban na lang kung ikaw mismo ang magtutulak sakin palayo" sagot ko

Pero sana hindi dumating ang araw na mangyari yun.

True Love (Completed)Where stories live. Discover now