(A/N: Chezka's picture on the multimedia)
CHEZKA'S P.O.V.
Nandito ako ngayon sa office.
Kailangan na ko dito eh.
Ilang araw na kong di pumasok.
Baka madami na namang tambak na papeles na kailangang pirmahan.
*bzzzt
Tinignan ko kung sino ang nagtext.
Unknown number.
Binuksan ko ang message.
From: 09*******16
Busy ka ba? Kausapin mo naman ako oh. Kahit ngayon lang. Kung ayaw mo pa din akong bigyan ng chance pagkatapos nito, titigil na talaga ako. Mamayang 2:00pm. Hihintayin kita. Dun sa place na pinatayo ko para satin. Maghihintay ako. Sana sumipot ka.
-Renzo
May kung ano na nagtutulak sakin na puntahan siya.
Siguro ito na din ang kailangan para matapos na lahat.
Para magkaliwanagan na kami.
*bzzzzt
From: Brian
Hon, can we go out later? I'll fetch you later. 2:00pm.
What the!?
To: 09*******16
May lakad kami ni Brian eh.
Sent.
*bzzzt
From: 09*******16
Bast maghihintay ako kahit hindi ako ang piliin mo.
Hindi na ko nagreply pa.
Eto na naman ba ko?
Kanino ako pupunta?
*
Bawat hakbang ko, andaming pumapasok sa isip ko.
Kung tama ba ang gagawin ko, o mali na naman ako.
"Renzo" tawag ko sa kanya
Inangat niya ang ulo niya at tinitigan ako.
"Dumating ka" sabi niya
Tumango ako.
Lumapit siya sakin at yinakap ako.
"Salamat at dumating ka" sabi niya
"Hindi ibig sabihin na nandito ako para piliin ka Renzo. Gusto ko lang liwanagin sayo lahat" sabi ko
Lumuwang ang pagkakayakap niya sakin, hanggang sa tuluyan na siyang kumalas sa yakap.
Pero ang ikinagulat ko ay ang pagngiti niya.
"Kaya kita inimbitahan dito, para magpaliwanag. Ang akin lang, sana pakinggan mo yung side ko" sabi ni Renzo
Tumingin ako sa relo ko, 2:05pm
Naghihintay si Brian.
"Bibigyan kita ng 10minutes para magsalita. Hinihintay ako ni Brian" sabi ko
Tumango siya.
"Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa kong pag-iwan sayo. Alam ko na nasaktan kita, at wala ako nung kailangan mo ko. I'm sorry for that. Sana mapatawad mo ko. Gusto ko lang sabihin na may dahilan ako kung bakit ko ginawa yun sayo" sabi ni Renzo
![](https://img.wattpad.com/cover/54983485-288-k347642.jpg)
YOU ARE READING
True Love (Completed)
ספרות נוערIs there such a thing as true love in the reality? Or are we just dwelling in our collective heads? What does that really needed to be actually considered true love? Story Started: November 22, 2015 Story Ended: February 23, 2016 Book cover: KGC GRA...