EPILOGUE

2.8K 30 3
                                    

Third Person's P.O.V.

Ilang taon na ang nakalipas.

Maraming nangyari.

Nagmahal, nasaktan, nagpatawad.

At sa huli, pagkatapos ng lahat ng sakit, mas pinili nilang magmahal ulit.

Ganun naman talaga diba?

Magmamahal ka, mapapagod ka, masasaktan ka.

Pero kahit ganun wag kang tumigil magmahal.

LOVE is one of the reasons why we live in this world.

Kahit anong gawin mo, magmamahal at magmamahal ka.

Hindi mo mapipigilan ang puso mong magmahal.

Gaya ng mga tao sa kwentong 'to.

Ang dami nilang pinagdaanan.

Lahat sila nabuhay sa kasinungalingan.

Pero ginawa nila lahat para itama ang mga 'to.

Habang may oras ka pa,

Habang buhay ka pa,

Magpakasaya ka. Ngumiti ka.

Wag mong sayangin ang oras at buhay mo sa hindi makabuluhang bagay.

Huwag mong hahayaan na mabuhay ka sa takot, sakit, at galit.

Matuto kang magpakumbaba, magpatawad, at makalimot.

Kasi kung habang buhay mong daldalhin ang lahat ng mga pasakit mo, hinding hindi ka magiging masaya.

"Handa ka na?", tanong ng papa ni Chezka

Masayang ngumiti si Chezka at tumango.

May luhang namumuo sa mata niya.

"Ang ganda mo anak. Kamukhang kamukha mo ang mama mo. Paano ba yan? Kukunin ka na niya samin. Wag mo kaming kakalimutan ha?", naluluhang sambit ng kanyang ama

"Dad naman. Wag ka ngang ganyan. Ako pa rin naman 'to. Yung anak niyo. Tsaka ba't ko naman kayo kakalimutan? Baliw ka na dad. Haha", natatawang sabi ni Chezka

Niyakap siya ng ama nito sa huling pagkakataon bago bumukas ang pintuan ng simbahan.

"He's worth waiting for", sambit ng kanyang ama

Habang naglalakad siya papuntang altar ay hindi mawala ang mga ngiti sa labi nito.

Hindi niya ring maiwasang maluha dahil sa sayang nararamdaman niya.

~

Habang naglalakad papunta sa harap ng altar ang bride, ay hindi rin maitago ng groom ang sayang nararamdaman nito.

"I will always be here for you. I will always be just one call away. No matter what happens, nandito lang ako magmamahal sayo. Be happy now. I know you deserve each other", naluluha ngunit nakangiting sambit ng isang lalake

Lumapit sa kanya si Chezka at niyakap ito ng mahigpit.

"Thank you so much for everything. Nandito lang din ako palagi para sayo. Wag kang mag-alala. Mahahanap mo din ang para sayo. You'll always have a special part in my life, Gab", umiiyak na sabi ni Chezka

Niyakap ng mahigpit ni Renzo si Chezka dahil alam niyang ito na ang huling beses na mayayakap siya nito ng ganon.

Dahil pagkatapos ng araw na 'to, hindi na sila pwedeng maging kagaya ng dati.

Hanggang dito na lang siya.

Hanggang kaibigan na lang ang lugar niya.

Naglakad muli ang bride hanggang sa makarating ito sa kinaroroonan ng kanyang groom.

True Love (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin