Chapter 32

949 14 0
                                    

RENZO'S P.O.V.

Kotse ni Chezka ang ginamit namin.

Tahimik lang siya habang nagdadrive.

Hindi ko maiwasang titigan siya.

"Wag mo kong titigan. Naiilang ako", sabi ni Chezka

Nagulat ako kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

"Hays", sabi ni Chezka

Saka niya tinigil ang pagdadrive.

Ngayon ko lang napansin, nasa may dagat na pala kami.

She wants to calm.

Pag kasi gusto niyang kumalma, sa dagat siya nagpupunta.

Bumaba siya ng kotse at dumeretso siya sa may buhangin. Naupo na siya don at nakatitig sa palubog na araw.

"Chezka" seryosong tawag ko sa kanya

Ngumiti lang siya.

Umupo ako sa tabi niya.

"Pagkalubog ng araw, uwi na tayo ha? Mananagot ako sa mga kuya mo" sabi ko.

"Ayaw mo ba kong kasama?" seryosong tanong niya

Napatingin ako sa kanya, pero napatingin pa rin siya sa palubog na araw.

"Hindi sa ganon" sagot ko.

Ngumiti siya. Yung ngiti niya, puno ng lungkot at sakit.

"Gab, sabihin mo nga. Masama ba kong tao? Madami ba kong kasalanan na nagawa sa mundo? Bakit ako pinaparusahan ako ng ganito? Bakit nasasaktan ako ng ganito?" sunod sunod na sabi niya

Hanggang sa makita ko na lang ang unti-unting pagbagsak ng mga luha niya.

She's crying.

She's crying again, damn it.

"Gab, wala na kong ibang hiniling o ginusto kundi ang makita kayong nakangiti at masaya. Yung hindi na baleng ako, basta wag lang kayo. Pero, bakit? Bakit ganito amg nangyayari? Bakit puro sakit na lang lahat? Bakit mas nakakalamang yung sakit kaysa sa saya?" umiiyak na sabi niya

Hinila ko siya at niyakap.

"I'm sorry wala akong magawa kundi ang yakapin ka. You'll be okay Angel. Someday" sagot ko.

Hindi ko alam kung anong magagawa ko, para pasayahin sya ngayon.

Basta ang alam ko, yakap lang at pakikinig ang kaya komg ibigay sa kanya.

Kahit anong gawin ko kasi, hindi ko mababago yung katotohanan na, siya pa din ang laman ng puso niya. Siya lang at wala ng iba. Wala ng makakapantay pa.

"Halika na", sabi ko.

Saka ko siya inalalayan patayo, at pinunta na sa kotse.

Ako na ang nagdrive since, alam ko na hindi naman niya kaya.

Pauwi na kami, gabi na.

Nagulat ako nung may biglang tumakbong itim na pusa.

Damn.

"Okay ka lang? I'm sorry" sabi ko kay Chezka.

Bigla akong napapreno dahil sa pusang yon.

"I'm fine" sagot niya.

Pinagpatuloy ko ang pagdadrive.

Hanggang sa may isang truck na parang nawalan ng preno, shit.

"Damn it!" sigaw ko

True Love (Completed)Where stories live. Discover now